MTB: Starting Over Again

35 4 0
                                    

On our way to Pasay. .
Habang nasa sasakyan ako tinitingnan ko ang paligid na para bang ngayon lang ako nakarating sa siyudad.

Simula na ng bagong buhay. Oras na para kalimutan ang sakit ng nakaraan. Panahon na para tanggapin ang ligaya na dala ng mga susunod na araw.

Pagdating ko sa bahay nila Tita Maue, di naman ako nanibago dahil sa mga cute kong pinsan na sumalubong sa akin. Ang dami nilang inaalok sakin kaya nalibang ako.
Binilin na ako ni Mama kay Tita Maue at umalis narin sya pagkatapos.

3 weeks nalang at pasukan na. Tulad ng mga tipikal na estudyante, pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko.

At dumating na nga ang araw ng pasukan, iisang unibersidad lang ang pinasukan namin ng mga pinsan ko kaya hinatid na kami ni Tita Maue. Habang nasa kotse ay panay bilin at paalala si Tita sa amin.

Pagbaba namin sa sasakyan, di ko napigilan ang sarili ko at napasigaw ng "P.U.P BE GOOD TO ME."
Natawa nalang ako sa reaksyon ng mga pinsan ko.

Napakalawak pala ng unibersidad na ito. Nakakahilo maghanap sa ilalim ng matinding sikat ng araw.

Habang naglalakad ako ay May nabunggo akong lalaki.
"Sorry Kuya." -me
"Okay Lang." sagot nya na parang antaray taray.

Sa wakas ay natagpuan ko na ang room namin. Btw, Im taking a course Information Technology (I.T). Umupo na agad ako. Dumating na ang prof namin at as usual, introducing yourself again.

"Okay Mister at the back. Your name is?" tanung ng prof na nakangiti. Napalingon ako at nagulat ako ng nakita ko yung lalaking nabunggo ko kanina.

"Im Nico Revilla."

Grabe. Ang gwapo nya! Nakakatunaw ang ngiti nya. Bakit ganon? Ansungit sungit nya kase sakin kaya siguro di ko napansin yun kanina.

Habang nakatulala ako sakanya, di ko namalayan na ako na pala ang kasunod. Sumigaw ang prof namin dahilan para matigil ang pagpapantasya ko.
"Sorry Sir. Im Elijah Gonzales." sabi ko with a sweet smile facing my classmates.

Kinabukasan, nagmamadali ako dahil akala ko late na ako. Kakatakbo ay naapakan ko ang sapatos nya. Nag sorry ako at deretcho sa pagtakbo.
Maya-maya, siya naman ang nakaapak sa sapatos ko. Muntik na ko matapilok. Tumingin ako sakanya. Nakakainis!

"Kuya gumaganti ka lang ata eh." sabay tawa ko.
"Hindi. Sorry ha." at tumawa din sya.
Ang gwapo nya talaga pag masaya. Hayyss!

Ilan araw pa ang lumipas. At nakasalubong ko uli sya sa canteen. Sa lakas ng impact non ay nabitawan ko yung mga librong hawak ko. Pinulot ko agad yung libro at tumayo.

"Uy! Ikaw na naman Elijah?" sabay ngisi na para bang may laman ang isip nya.

"Sorry po Kuya. Ay! Nico pala." HAYYNAKOO. Nalilito na ko. Gwapo kase eh!

Nakatitig lang sya sakin kaya sobra namang kinikilig ako. Nabalot ng pagtataka ang mukha ko. Nang bigla syang magsalita..

"Nagkabungguan nanaman tayo."
-Nico

"Sorry talaga. Napakaclumsy ko."
-me

"Naniniwala kaba sa Meant to be?"
-Nico

Natawa nalang ako sa tanong nya. Sabay sagot na "Lol. Walang ganun."

Simula nong insidenteng yon, sa tuwing magkikita kami ang tawag nya sakin ay "Meant To Be"

Sa twing tatawagin nya ako ng ganon ay di ko mapigilan ang ngiti na lumalabas saking mga labi at kilig na para bang tumatalon ang puso ko.

MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon