MTB: Realization

15 1 0
                                    

Gising ang diwa ko. Pero ayawko imulat ang mga mata ko. Ayaw kong bumangon.

Maya maya pa, nagring ang phone ko...

Sharlene calling..

"Uy friend, di ka papasok?"

"Hindi. May sakit ako eh."

"Ano, sakit sa heart?" Sabay tawa.

"Baliw! Hindi. Bakit kaba tumawag?"

"Hinahanap ka kase ni Nico eh."

"Talaga? Bakit daw?"

"Tanong ba yan? Anong bakit? Sympre mahal ka nun."

"Anong mahal eh? Nililigawan nga nya ulit si Roma."

Kinuwento ko lahat. Pati yung paguusap namin sa McDo, nung nakita ko sila magkasama, at yung post nya.

"Eh friendzone pala sya sayo eh. Naku! Pinakawalan mo pa. Mahal ka naman ni Nico eh. Di mo lang ata sineryso. Alam mo kahit babae ka, kung mahal mo, umoo kana kesa naman makuha sya ng iba diba? Gwapo pa naman yun."

Naiinis ako! Buwiset! Di ko sya masisisi kung bakit bumalik sya sa ex nya. Duuh! Ganda kaya non nuh, Matalino pa!

Nasa akin na nga sya, pinakawalan ko pa. Tanga tanga ! Bakit ba laging nasa huli ang pagsisisi?

Pero sumagi sa isip ko, na seryoso ba talaga sya sakin noon? Mahal nya ba talaga ko? Eh bakit sumuko sya agad? Bakit di nya ko pinaglaban?

Nalilito na ko. Litong lito nako.

Pinilit kong magpakanormal nung araw nayun.

Nagreview ako, naglinis ng bahay, tinapos ang research and assignments.

Ako ang naiwan sa bahay kasama ang kasambahay namin, si Mamu.

Wala ako ginawa kundi kumain ng kumain ng kumain.

Laptop at cellphone at libro at papel lang ang kaharap ko buong maghapon.

Pero pakiramdam ko walang pumapasok sa utak ko. Nakakatanga! Potek.

Gusto ko na umuwe ng Bulacan.

Kaya lang kahit naman ata saan ako mapunta, lage nalang ako masasaktan. Masasaktan ng paulit ulit.

Ganon naman talaga ang buhay diba? Kaya ako nasasaktan kase tanga ako.

Di ko pa yata talaga alam kung paano magmahal?

Kung nangyayare toh dahil gusto ipamukha sakin ng buhay yung mga pagkakamali ko.

Gusto ko na magising sa panaginip na ito dahil basag na basag na ako.

Oo, alam ko nasaktan ko sya, may dahilan sya para gawin yun. Pero masakit din para sakin. Kase minahal ko sya. Mahal na mahal.

Ano bang dapat kong gawin? Kausapin sya? Ano sasabihin ko?

Kaso parang di na pwede. Masaya na sila e. Manggugulo pa ba ako?

"Mean to Be... Nico Revilla... Mahal na mahal parin kita. Sinayang kita pero naniniwala ako na kung para tayo sa isa't isa, magkikita ulit ang landas natin. Tadhana, gumawa ka ng paraan. Pakiusap!"

MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon