MTB: FALL

17 1 0
                                    

Examination na namin, di ko alam kung ready na ako. Hahah!

Habang hawak ko ang test paper ko, jusq! Masasagutan ko ba toh kapag tinititigan ko?

Kailangan ko maging wonderpet ngayon. What's gonna work? T E A M W O R K

Nung kakalabitin ko na yung katabi ko, saktong lumakad ang prof ko sa direksyon ko.

Huu! Nung lumagpas na sya, sasabihin na sana ng kaklase ko yung answer pattern nang biglang nagsalita ang prof at diniscuss ang instructions.

Wushu! Wala na akong magagawa. Di ko alam ang mga sagot. Lutang ako! Manghuhula nalang ako.

Last minute na, wala na kong masagot, tumabi pa sakin si Sir. Thuuglayp!

Kaya sinulat ko nalang sa test paper:

"SORRY SIR. WALA PO AKONG MASAGOT, TUMABI KA KASE SAKEN KAYA DI AKO MAKA-KOPYA SA KANILA. BAWI NALANG PO AKO SA FINAL. :("

Naging Famous tuloy ako sa faculty. Habang naglalakad ako sa corridor, nakasalubong ko si Nico.

Binati nya ko at nginitian ko lang sya. Inaya nya akong kumain ngunit tumanggi ako. Inaya na din ako sumabay umuwe pero nginitian ko lang sya at lumakad palayo.

Tinext nya ko, yes right after that time..
"Okay kalang ba? Iniiwasan mo ako?"

Derecho lang ako sa paglakad.

Madalas ko na silang makita magkasama ni Roma, na dati ako yun kasama nya. Dati sakin nya ginagawa yun. Dati ako ang kasama nya tumawa at kumain.

Saket sa heart! Pero kailangan ko na naman mag move on. Pano nga ba ulit magsimula magmove on?

Nakalimutan ko na kase naman wala akong ibang naramdaman noon kundi ang pagmamahal ni Nico.

Akala ko di ko na kailangan magmove on. Akala ko forever na. Akala ko sya na yung the one. Akala ko sya na ang maghahatid sakin sa altar.

Akala ko sya na yung pinapangarap ko. Akala ko sya na yun hinihintay ko. Akala ako sya na ang AKALA ko. Akala ko tama ang Akala ko.

Lecheng akala yan! Nababaliw na ko. Ayaw ko na. Gusto ko na iuntog ang ulo ko sa pader at kalimutan lahat.

Ang nakakainis pa, wala na nga kami eh! Pero bakit nagpaparamdam pa sya? Nagbibigay pa sya ng motibo? Bakit nagaalala pa sya sakin? Bakit?

Layuan na nya ko. Nahihirapan lang ako eh. Sinasaktan nya lang ako. Hirap na hirap na ko.

Gusto ko nalang makipag F.O kesa magkaroon pa ng connection, wala din naman mangyayare.

Ayawko na rin kase makasira pa ng relasyon. Ano ba plano nya?

Bat ganon sya? Napakapaasa nya. Cactus sya! Kahit alam kong pinaasa ko din sya in the first place. Pero ...

Pakiramdam ko niloko nya lang ako. Sa twing makikita kong magkasama sila ni Roma, di ko alam mararamdaman ko.

Gusto kong lumapit at sabihing mahal ko sya, noon pa. Minsan gusto ko syang sampalin, at sabihing manloloko sya.

Para kaming naglalaro ng sawsaw suka. Hawak ko na nga sya, hinayaan ko pang makaalis.

Paano? Kung hihigpitan ko, masasaktan kaming pareho. Kung ilelet go ko, ako lang ang masasaktan.

Mas mabuti na yun. Para mas maging masaya kaming dalawa.

MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon