MTB: Too Late to Regret

11 1 0
                                    

2 weeks nalang bago mag mid-term. Kakaba-kaba na ako. Pero ayos lang dahil may inspirasyon naman ako.

Parang charger si Nico, at ako ang cellphone. Unti unti ako manghihina pag wala sya.

Hugoott na naman! Pero seryoso. Ewan ko ba? Nanlalata ako pag di sya kasama. Sobrang saya ko naman pag nasa tabi ko sya.

Isang araw, inaya nya kong kumain sa McDo. Favorite fast food ko! :) Habang kumakain kami, bigla syang nagkwento.

"Meant to be, nakwento ko kay Papa itong sitwasyon natin. Sabi nya magkakasakitan lang daw tayo." halata ang lungkot sa boses nya.

Napayuko nalamang sya habang kumakain.

"Hala? Ano sinasabi mo? Para sakin wala lang lahat toh." pagkukunware ko. Kahit sobrang sakit para sakin na sabihin yan.

"Titigil ba natin toh?" tanong nya habang nakatitig ang mga mata nya sakin.

"Ano gusto mong palabasin?" sabi ko.

"Hihinto ko na panliligaw ko sayo." biglang sabi nya at patuloy sa pagkain.

"Ha? Ano? Nanliligaw ka sakin? Bakit di alam?" tumawa nalang ako kahit deep inside gulong gulo na ko.

"Oo kaya. Okay lang ba sayo? Ayaw kong dumating yung time na magbreak tayo." bigla nyang nilapit ang sarili nya sakin at hinawakan ang kamay ko.

Tumitig lang ako sakanya at ngumiti. "Okay lang. Friends lang tayo. Sabi ko nga wala lang toh sakin at ayaw ko pang magboyfriend." sabi ko sakanya habang patuloy sa pagkain.

Di na sya nagsalita at patuloy narin sa pagkain. Pagkatapos ay hinatid nya ko sa bahay. Pagdating dun ay pinapasok ko muna sya dahil may hinihiram syang libro.

Umupo muna sya sa sala at umakyat ako at kinuha yun. Biglang dumating si Tita Maue.

No choice kundi ipakilala ko sya. Hahaha. Natuwa naman si Tita Maue eh.

Sana maging okay lang ang lahat pagkatapos nung pinagusapan namin.

Hoping .....

Ilang weeks ang lumipas, napansin ko na nawawala na naman sya. Nakuu!

Nabebeastmode ako! Nasaan naba? Kulang ang araw ko.

Inabangan ko sya sa may stairs malapit sa room nila baka nalate lang.

Maya-maya, nakita ko sya may kasamang girl.

No! Maybe she's just his classmate or friend. Odibers?

Pero.. nung nakita ko na yung mukha ng girl...

No! What's the meaning of this?

Si Roma yun! Oo yun famous dahil maganda at matalino at laging nananalo sa BeuCon. Pero Ex girlfriend yun ni Nico.

Sila na ba ulit? Binalikan ba sya ni Nico kase binusted ko sya? Ganon?

Grabe naman. Hahaha! Di naman siguro. Parang kahapon lang magkasama kami. No! I need to talk to him first.

Pero wala akong vacant time para kausapin sya. Andami ko pang kailangan ipasang requirements.

I'll just text him nalang paguwe ko.

Madilim narin ako nung nakauwe, dumerecho na agad ako ng kwarto dahil may tatapusin pa ako.

Binuksan ko yung laptop ko, at wow ang daming notif. Matingnan nga muna.

Habang iniscroll down ko yung news feed ko. Nakita ko nagpost si Nico...

5 minutes ago...

"I miss you Roma, thank you sa treat kanina. Nag enjoy ako. :)"

Awww! Thuglayp! Di ko alam mararamdaman ko. Kase kasalanan ko naman talaga.

Parang di ko na kailangan itext si Nico. Kase halata naman.

Di ko natapos yung reports ko. Natulog nalang ako para makapagpahinga naman ako.

Kase pagod na pagod na ko. Sobrang pagod! Hayss

MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon