Hayy. Di na tulad ng dati ang pananabik ko pumasok. Monday na naman at di ako masaya.
Pero wala naman akong magagawa. Pagpasok ko deretcho lang ako sa room at umupo.
Tulad ng inaasahan ko, walang Nico na sumalubong sakin.
Nung break, parang inasar pa ko ng kaklase ko. Bakit daw di ko kasama si Nico? Tss.
Paguwe ko, nakatanggap ako ng text.
Its from Nico..."Makakapasok pa ko ng 2 months. Wag kana malungkot, andyan na ulit ako bukas."
Hahaha. Di ko alam ang itsura ko nung nabasa ko yun. Yung lowbatt kong puso, biglang na full charge.
Buhay parang life.
Kinabukasan, ay nagbalik na ulit sa dati, nakaabang sya sa gate with chocolates, sabay kumain at umuwe.
Nagulat ako nung may mga girls na nakatingin sakanya at parang kilig na kilig. Nalaman ko nalang sa kabarkada nya na famous pala si Nico, habulin ng babae since freshmen pa sya.
Hayyss di na ko magtataka. Totoo naman e, ang gwapo nya. Naakit nya agad ako kahit transferee lang ako. Pakiramdam ko tuloy ang swerte ko.
After a week, birthday ni Sharlene, mutual friend namin ni Nico. Nainvite kami sa bahay nya para sa celebration.
As usual, nag inuman yung boys. Then kaming girls ay nagkwentuhan habang kumakain.
Di ko namalayan na 8pm na. Kaya inaya ko na si Nico na umuwe. Ayy lechee! Lasing pala sya. Pano yan? Papasanin ko sya hanggang sakanila? Wala akong kasabay umuwe.
Nung nakatayo ako malapit sakanya at kinukulit na huminto na, bigla nya kong hinila sa tabi nya.
"I love you... " sabi nya halatang lasing.
Napatingin ako sakanya at napakaseryoso ng mukha nya.
"I love you..." ulit nya.
"Totoo ba?" tanong ko sakanya.
"Totoo. Mahal kita!" sabe nya sakin.
Ngumiti nalang ako na parang di naniniwala. Hahaha!
"Dami mo ng nainom noh?" pilit kong niliko ang usapan dahil nakatingin samin ang ilan naming kaibigan.
"Mahal kita. Di ko lang sinasabi." dagdag pa nya.
"Talaga? Ako din e." bigla kong sabi.
Biglang kumanta sa videoke ang isa kong kaklase ko. Ingaayy! Panira hahaha.
*Tensionado nagulat din ako
Nung malaman na hindi lang pala ako
Yung nanghinayang nung nag away tayo nun
At natuluyan sa iyakan at tampoSandali lang magsalita
Di ko hahayaan lahat ito ay mawala
Ang iniisip ko kung pwede pa ba tayoAt miserable paulit-ulit lang
Ang nangyayari paikot-ikot tayong
Parang bote at nasanay ka na ba dun
At nalimutan ang aking mga tanongAt hindi malinaw pwede bang wag kang sumigaw
Di ko hahayaan lahat ito ay maligaw
Nagtatanong sayo kung pwede pa ba tayoSandali lang wag ka munang magsalita
Di ko hahayaan lahat ito ay mawala
Sandali lang wag ka munang magsalita
Di ko hahayaan pati ikaw ay mawala
Nagtatanong sayo kung pwede pa ba tayo*
--"I love you.." bumulong sya ulit.
"Ayokong mag boyfriend. Gusto ko friend lang tayo." nginitian ko lang sya.
"I love you. Bahala ka." sabi nya sabay tagay ulit.
Kinabukasan nun ay mas lalo syang naging showy at sweet. Kapag magkasama kami pakiramdam ko talaga ay parang may iba.
Mas lalo pakong kinikilig kasi kapag magkasama kami, lahat ng madaanan namin lalo na ang mga babae ay nakatingin samin.
*flipped hair*
Tapos lagi kaming namamasyal kung saan saan basta magkasama kaming dalawa. Minsan ang hirap kumilos kasi maraming mata ang nakapalibot.
Pero ayos lang. Ginagawa ko naman lahat ito para sakanya. :)

BINABASA MO ANG
MEANT TO BE
RandomSa hindi inaasahang pagkakataon, ang puso kong sarado na dahil sa sakit na nadama at di malaman kung na saan ang susi ay iyong natagpuan at binuksan mong muli dahil sa pag-ibig na ibinigay sa akin.