twenty five

8 1 0
                                        

‎Ilang araw na rin ang lumipas mula noong gabing sinagot ko si Rayzen. Halos lagi na rin talaga siyang nasa amin. Kadalasan wala rin dito ang mga kapatid ko kaya nakakapunta rin si Rayzen dito. Pero aware naman ang mga kapatid ko. Parang unti-unti na nga nilang tinatanggap, e.

‎Hindi na rin nila ako masiyadong bine-baby. At mas gusto ko iyong ganoon. Ayoko na parang nakatali pa rin ako sa kanila. Na parang wala akong sariling desisyon. Pero nararamdaman ko pa rin naman na may care sila sa akin. Unlike dati na sobrang strict nila!

‎"Kuya, pupunta ulit si Rayzen dito," saad ko kay Kuya Chase na mukhang paalis na.

‎Lumingon ito sa akin. "Bakit? Nandito lang siya kahapon, ah?"

‎"Punta siya ulit dito. Huwag ka na magreklamo, Kuya! Wala ka naman dito!"

‎Inirapan niya lang ako at umalis na. Dinededma na lang niya talaga ako!

‎Agad kong tinawagan si Rayzen. "Where na ikaw?" Sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko.

‎"On my way. What do you want to eat?"

‎"Wala! I want to play with you na." Malungkot na sabi ko.

‎"Wait for me," aniya at ibinaba ang tawag.

‎Nagligpit ako ng kuwarto. Dito na lang kami mag-play! Lagi lang kasi kaming nasa sala at sigurado akong naiinis na sa akin si Manang kasi panay sigaw ako kapag naglalaro kami. Sa ingay ko ba naman.

‎Nakita ko naman ang text ni Rayzen na nasa baba na siya. Dali-dali akong bumaba para sunduin siya roon. Nang makalabas ako ay nakita kong nakatayo na siya roon sa may gate.

‎Agad akong tumakbo palapit sa kaniya. Nang makalapit ako ay niyakap niya ako at hinalikan ako sa noo.

‎"How are you today?" Tanong niya.

‎"I'm fine! Na-miss lang kita," nag-pout ako. Pinitik naman niya bigla ang nguso ko. "Aray, ha!"

‎"You look cute, e," ngisi niya.

‎Inirapan ko lang siya. Bigla naman siyang tumalikod sa akin. "Saan ka punta?"

‎Hindi siya sumagot kaya sinundan ko siya. Ah! Bumalik lang pala sa sasakyan niya. Tiningnan ko 'yon at nakita kong may binili siyang Jollibee!

‎Kinuha niya iyon at inabot sa akin.

‎"Wow! Chicken po ba 'to?!" Excited na tanong ko.

‎"Opo," soft na saad niya.

‎"Wow! Thank you!" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Hindi na siya nagulat pero kita ko ang ngiti na naglalaro sa kaniyang labi.

‎"Hay, everytime you kiss me...it feels like the first time," pambobola niya.

‎"Ah? Parang first time ba?" Ngisi ko. "Eto!" Sabi ko at hinalikan ulit siya sa pisngi.

‎Ngiting-ngiti naman siya. Tinuro niya ang pisngi niya at sinabing, "Isa pa, baby."

‎Kinurot ko na lang ang pisngi niya kaya napaiwas siya roon. "Tara na nga, kota ka na masiyado!"

‎Tumawa lang siya at sumunod na sa akin.

‎"Bakit tayo aakyat?" Tanong niya.

‎"Doon na lang tayo sa kuwarto ko."

‎"But why?" Nakakunot ang noo niya.

‎"Ano? First time mo ba?" Naningkit ang mga mata ko sa kaniya.

‎"Okay, let's go," sabi niya at hindi pinansin ang sinabi ko.

‎Pagkarating naman sa kuwarto ko ay dumiretso ako sa higaan ko.

‎"Bakit mo ni-lock?"

‎"E, bakit?" Tanong ko pabalik.

‎"Wala naman tayong gagawin, ah! Kakain lang naman tayo at maglalaro!"

‎May binulong siya pero hindi ko narinig kung ano iyon. Inirapan ko na lang siya. Pinalapit naman niya ako papunta sa kaniya at inabot ang pagkain sa akin.

‎"Eat," sabi niya.

‎"Play!"

‎"Eat muna," sabi niya ulit.

‎"Play muna!"

‎"Stop being stubborn," masungit na sabi niya. Kinuha ko naman ang inaabot niya sa aking pagkain. "Eat first, okay? Makakapaglaro naman tayo."

‎Inirapan ko na lang siya. Ang damot niya! Ang damot-damot!

‎"Eat, Chelseah," sabi niya kaya tumitig ako sa kaniya. "What, baby?" Sabi niya ulit kaya inirapan ko na naman siya. "Kanina pa 'yang mata mo, ah," puna niya.

‎"Shh!" Suway ko kahit wala pa naman siyang sinasabi.

‎"Just eat, okay? Maglalaro na agad tayo kapag naubos mo na pagkain mo," masungit na aniya.

‎Hindi na ako nagsalita. Kumain na ako. Tahimik lang kami parehas habang nagsasalita. Panay titig niya pa sa akin kahit kumakain lang naman kami. Panay irap din lang naman ang ginagawa ko sa kaniya.

‎"Stop rolling your eyes, baby," iling niya.

‎Umirap ulit ako kaya napabuntong-hininga na lang siya. Nabubusog na ako. Ang dami ko pang pagkain.

‎"Ubusin mo 'yan. Alam ko na iyang tingin mo."

‎"I can't," sabi ko.

‎"No."

‎"Please po," sabi ko.

‎Kita ko namang nanlambot siya at kinuha sa akin 'yon. Sabi na! Hindi niya talaga ako matitiis. Napangisi naman ako.

‎Nang mapansin kong ubos na ang pagkain niya ay inaya ko na siya agad maglaro. Sinabihan niya pa akong atat kasi ayang-aya na ako. Gusto ko lang talaga mag-play na. Ilang araw na rin akong hindi nakakapaglaro. Parang mamamatay ako kapag hindi ako nakakapaglaro, e!

‎Minsan ko lang din naman siya makalaro dahil busy siya. Puro training siya tapos sinasabayan din ng pasok. Kaya kadalasan, solo rin talaga ako! Pero nagagawan niya naman ng paraan na makalaro ako lalo na kapag natapos scrim nila. Siya na mismo nag-aaya sa akin.

‎"Kailan ulit stay mo sa bootcamp?" Tanong ko kalagitnaan ng paglalaro namin.

‎"Wala pang schedule. Pero scrims namin, tuloy-tuloy. Tatawagan pa kami ng manager namin."

‎Tumango na lang ako sa sinabi niya. He's so busy!

‎"Oh, damn!" Sabi ko nang mapatay ako ng kalaban.

‎Narinig ko siyang tumawa. "You pushed without backup," iling niya.

‎"Ang tagal mo kasi!"

‎"Ang daldal mo kasi." Nakatawang saad niya.

‎"Gusto mo bang manahimik na lang ako? Hindi na kita kauusapin! Magiging nonchalant girly na lang ako!"

‎Tumaas kilay niya pero nakangiti pa rin. "Good luck with that," ngisi niya. "You'll last, what...uhm? 5 minutes?"

‎"Wow, grabe ka!" Singhal ko at sinamaan siya ng tingin.

‎Tumawa siya. "Just kidding. Gusto ko naririnig palagi 'yang boses mo."

‎Napatigil ako sandali. Alam na alam niya talaga kung paano ako kunin! Isang salita niya lang...hulog na ako agad. Kuhang-kuha niya ako! Ganiyan siya kalakas sa akin. Ganiyan ako karupok sa kaniya.

‎Ang ingay naming dalawa habang naglalaro kanina pa. Ilang matches na rin ang natapos namin, paulit-ulit na Search and Destroy at Hardpoint. Sunod-sunod ang panalo namin, kaunti lang 'yong talo namin. Bilang pa sa daliri kasi nabubuhat niya ako. Siyempre, siya pa rin ang laging MVP.

‎Umayaw na ako sa paglalaro. Ngawit na 'yong kamay ko. Nasa may couch siya, binitawan niya ang cellphone at sumenyas siya sa akin ng yakap.

‎Lumapit ako roon, pero bago pa ako makaupo nang maayos, hinigit niya ako palapit. Napaupo tuloy ako sa hita niya, nakaharap sa kaniya habang agad niyang pinulupot ang mga braso niya sa baywang ko.

‎"Oy!" Reklamo ko, kahit hindi naman talaga umaayaw.

‎He laughed softly. "You're already here."

‎"Nang-inis ka pa talaga!" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

‎Hinawakan niya ang mukha ko kaya napaiwas ako. Sumandal na lang ako sa kaniya at niyakap din siya. Ang mukha niya ay nakasubsob na ngayon sa may balikat ko.

‎Bigla naman akong hinarap ni Rayzen sa kaniya at hinalikan ako nang mabilis sa labi. Nakatingin lang kami sa isa't isa hanggang sa inilapit niya ang mukha sa akin. Hindi ako umiwas.

‎Naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko. Dahan-dahan itong gumalaw. Pinatulan ko ito saglit at bumitaw rin ako agad.

‎Napatawa siya sa biglang pagbitaw ko. "Ang kulit mo."

‎"E, ikaw nagsimula!" Sagot ko sabay push ng kaunti sa dibdib niya.

‎"Hmm?" Saad niya at inilapit muli ang mukha sa akin at marahan akong hinalikan. Pinatulan ko ulit ang halik niya.

‎Ginamit ko na ang dila ko kaya natawa siya. Kahit natawa siya, hindi siya bumibitaw sa labi ko. Pinatulan niya rin ako gamit ang dila niya.

‎Tumagal pa nang ilang minuto 'yon. Ako na bumitaw. Nakatingin siya sa akin na parang gusto niya pa. Napatawa naman ako.

‎Ayaw ko na! Baka kung saan pa umabot 'tong pinaggagagawa namin!

‎Tumayo na ako at ngumisi sa kaniya. "Bitin?" Pang-aasar ko at humiga sa kama ko.

‎"Oh, hell nah," iling niya. "Hanggang labi lang tayo." Sabi niya at lumapit sa kama. Tinabihan niya ako at yumakap muli ito sa akin.

‎Magkaharap kami ngayon sa isa't isa habang magkayakap. Hinalikan niya ang noo ko nang paulit-ulit.

‎"I'll be busy soon...pambawi ko na 'to," saad niya at hinalikan ulit ang noo ko.

‎"Thank you for still making time with me." Sabi ko kaya hinalikan niya ulit ang noo ko. "Puro laway na noo ko!" Pang-aasar ko.

‎Napaiwas siya bigla sa akin. "You don't want my forehead kisses na?" Parang nagtatampong tanong niya sa akin.

‎Lumawak naman ang ngiti ko at hinigit siya palapit sa akin. "No, ha! I love your forehead kisses, Rayzen!"

‎"Sabi mo puro laway na noo mo..."

‎Napatawa ako nang malakas dahil mukhang nagtatampo siya. Naka-pout na rin ang mukha niya kaya lalo akong natawa. Ang cute niya. Baby boy na baby boy ang datingan niya.

‎"Come, baby," paglambing ko sa kaniya. Lumapit ito sa akin at humigpit ang yakap niya, parang ayaw ako pakawalan. "It's just a joke, okay?"

‎"I know." Mahinang sambit niya. "I just thought you didn't like it anymore."

‎Tumitig ako sa kaniya. "Never, ha! Favorite ko forehead kisses mo. Always." Ngiti ko.

‎Naglaro naman ang ngiti niya sa labi. "Good," sabi niya. "Because I'm not stopping." Sabi niya atsaka hinalikan muli ang noo ko.

‎"Chelseah!"

‎Nanlaki ang mga mata ko. "Oh, fuck..." bulong at tinulak nang mahina si Rayzen.

‎Si Kuya Chase!

‎Mabilis na bumaba ng kama ko si Rayzen. Pumunta agad siya sa may couch ko rito sa kuwarto. Kunwaring chill pa siya roon kahit nag-panic naman. Ako naman ay tumayo at lumapit sa pintuan para pagbuksan si Kuya.

‎"Yes, Kuya?"

‎"Dinner na."

‎Huh? Gabi na pala? Parang kakakain ko lang kanina, ah! Napakabilis naman ng oras!

‎Bago pa ako makasagot sa kaniya, bigla naman siyang sumilip sa loob ng kuwarto ko.

‎Napatingin siya kay Rayzen. "Oh. Nandito ka pa rin."

‎"Yes, bro," sabi ni Rayzen at lumapit ito kay Kuya para tapikin.

‎"Sumabay ka na sa amin." Seryosong sabi ni Kuya Chase kay Rayzen atsaka bumaling sa akin. "Bumaba na kayo." ‎Huling sabi niya bago kami talikuran.

‎"Tara?" Aya ko kay Rayzen.

‎"Chelseah!" Sigaw ulit ni Kuya Chase.

‎"Coming!" Sigaw ko pabalik. Tumango sa akin si Rayzen at sabay na kaming bumaba.

‎Pagbaba namin ay kumpleto roon ang mga kapatid ko. Kasama ni Ate Coleen si Kuya Nash, boyfriend niya.

‎"Oh, hi, Kuya Nash!" Bati ko.

‎"Hello, bebe," bati niya at hinalikan ako sa pisngi. "Oh." Biglang sabi niya ng makita si Rayzen sa likuran ko.

‎"Hey," tipid na saad ni Rayzen. At agad itong umupo. Napailing na lang ako sa pagka-cold niya.

‎"Kumusta, Kuya?" Baling ko kay Kuya Nash.

‎"Ako hindi mo kukumustahin, Che?" Madramang tanong ni Kuya Nico habang nakahawak sa dibdib niya na para bang nasaktan siya.

‎"Kuya! Parang hindi naman tayo nagkikita araw-araw, ha!"

‎"Grabe ka na!" Kunwaring nagtatampo pa.

‎"Arte," iling ni Ate. "Umupo ka na, Seah."

‎Umupo ako sa tabi ni Rayzen.

‎"Kayo? Kumusta kayo?" Tanong ni Ate Coleen habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Rayzen.

‎"Okay naman, Ate," ngiti ko.

‎"Ikaw, Rayzen, lumalabas sa feed ko. Dumarami na pala viewers mo, ah?"

‎Ngumiti si Rayzen. "Opo. Kahit 'di naman kagalingan."

‎"Bro! What the heck! Humble!" Singit ni Kuya Nico.

‎Inirapan ni Ate si Kuya Nico. "Well, hindi naman sila manonood sa 'yo kung hindi ka talaga kagalingan."

‎"Face card, Ate," si Kuya Chase.

‎"Kuya! Magaling naman talaga si Rayzen kaya marami ang nanonood sa kaniya!" Depensa ko.

‎"Sige, Seah, ipagtanggol mo." Iling ni Kuya Chase.

‎Tawang-tawa naman si Kuya Nico.

‎"Totoo naman, Kuya Chase! Pogi na, magaling pa maglaro!" Saad ko kaya napalingon ako kay Rayzen na parang nahihiya na.

‎"Pogi rin naman ako." Ayaw magpatalo ni Kuya Chase.

‎"Pangit mo, Kuya! Hindi ka na rin magaling maglaro!" Pang-aasar ko.

‎"I'm your brother, Chelseah!" Pikon na sabi ni Kuya Chase.

‎"Hey, hey, stop na. Nasa hapag-kainan tayo." Sabi ni Ate pero hindi pa rin natigil ang tawanan naming lahat.

‎Natapos ang araw na 'yon na nagtatawanan kami sa hapag, nag-aasaran at nagkukuwentuhan. Si Rayzen na kahit tahimik lang ay nakikitawa rin naman sa amin. Nang matapos din ang hapunan namin ay tumambay pa kami sa sala at nagkuwentuhan din.

‎Nagtagal pa ang kuwentuhan namin. Ang saya-saya ko rin no'ng araw na iyon dahil ngayon na lang kami naging ganito. Kumpleto at may pa sobra pa! Kahit puro pambibwisit ang ginawa sa akin ng mga kapatid ko, masaya ako. Masaya ako na ganito kami. Masaya ako sa kung ano ang mayroon kami. Masaya ako dahil masaya kami.

love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon