"It's been 2 weeks since your debut! Ano ba 'yang gastos mo?!"
"Ate, deserve ko 'to!"
"Puro ka deserve, halos araw-araw ka na nga kung mamili!" Sermon ni Ate sa akin.
"Kasi deserve ko naman talaga!" Sigaw ko pa.
"See?! You’re such a spoiled brat!"
"I'm not a brat! Lahat naman ng pinapamili ko ay ginagamit ko. And besides, Dad said to me na bilhin ko kung ano ang gusto ko! Pa-birthday niya raw sa akin!" Depensa ko.
"Pa-birthday? Ilang beses ka ba pinanganak?"
"Hays, Ate! You don't understand me!"
"Yes, I don't! Nasa legal age ka na, Seah, ganiyan pa rin utak mo. Bagu-baguhin mo iyang attitude mo na 'yan." Huling sabi ni Ate bago umalis sa kwarto ko.
Nakakainis! Magagamit naman lahat ng binibili ko! Hindi naman ako bumibili ng walang kwentang bagay. Bakit siya nagagalit? Hindi rin naman kagrabe gumastos.
Sa inis ko ay tinawagan ko si Rayzen.
"Hmm, why?" Sagot nito sa kabilang linya.
"Naiinis ako kay Ate. I just want to enjoy!" Parang batang sumbong ko sa kaniya.
"What did you do?" Mahinahong tanong niya.
"Almost 2 weeks na kasi akong bumibili ng mga gamit ko. Nagagamit ko naman iyon lahat, e!"
"Baka naman sobra na." Seryosong sabi niya sa kabilang linya.
"Rayzen, no! Kulang pa nga pinapamili ko!"
"Ano pa kulang?"
"I don't know! Basta kulang pa iyon, okay?!"
"Bihis ka na. Punta tayong mall ngayon." Aniya at pinatay ang linya.
Nang sabihin niya iyon ay agad akong nag-ayos. Tumawag siya sa akin ulit at sinabing nasa tapat na raw siya ng gate namin kaya lumabas na agad ako.
"Bakit ka nag-aya bigla?" Curious na tanong ko nang makapasok sa sasakyan niya.
Tiningnan niya lang ako at nag-drive na siya. Nonchalant, huh.
Nang makarating kami sa mall ay agad niya akong sinabihan na, "Buy everything you want. Ako bahala."
"What? No way!" Angal ko.
"Marami pang kulang sa pinamili mo, right?"
"Yes! But it doesn't mean na kailangan mo akong bilhan," irap ko.
"Okay. Where do you wanna eat?"
"Kung saan mo gusto," sagot ko.
"I need your opinion, Seah," sabi niya.
"I don't know, Rayzen, I'm indecisive as fuck!" Iritang sabi ko sa kaniya.
"Okay, sorry, let's go." Aniya at itinaas ang dalawang kamay. Weirdo.
"Ayaw ko po rito," sabi ko at ngumiti sa kaniya.
BINABASA MO ANG
love is a game
Teen FictionLeonar Siblings Series #1 Start: July 19, 2022 End: Rayzen is usually quiet, but he becomes vocal around Chelseah, teasing and joking with her, showing a side no one else sees. With her, he can't help but speak up, making their moments feel differen...
