"Ang landi niyo!" Narinig ko naman sabi ni Kuya Nico.
"Let's go, Seah. Uuwi na tayo." Sabay hatak ni Kuya Chase sa akin.
"Kuya, wait!" Pigil ko kaya napahinto si Kuya Chase. "Kay Rayzen ako sasabay, Kuya," nag-puppy eyes ako sa kaniya para pumayag siya.
Napatingin ako kay Rayzen na mukhang nagulat sa sinabi ko.
"Ayaw mo ba ako isabay sa 'yo, Rayzen?!"
"Topak ka ba, Che?" Narinig kong sabat ni Kuya Nico.
Pero bago pa makasabat ulit si Kuya Nico, lumapit si Rayzen at kinuha ang bag ko mula sa balikat ko.
"I want to be with you, Seah," diretsong sabi ni Rayzen.
"Ang corny talaga ng pagmamahal!" Napasapo ng noo si Kuya Nico.
"Nico, shut up," sabi ni Kuya Chase. "Hayaan mo 'yang dalawang 'yan. Lika na," inis na sabi niya sabay hatak kay Kuya Nico na natatawa pa.
"Let's go?" Ani Rayzen. Tumango ako, hinatak niya naman ako palapit sa kaniya kaya narinig ko ang hiyawan ng kasamahan niya.
Napailing na natawa ako sa kanila. Nagpaalam na rin kami ni Rayzen sa mga teammates niya. After that, naglakad na kami papuntang parking para sumakay sa kotse niya. Nang makarating kami ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto.
Sumakay na ako. Hinantay ko rin siya makasakay. Tahimik lang kami sa loob.
"You okay?" Tanong niya kaya tumango lang ako. Ini-start niya naman na ang engine ng sasakyan at sinimulan na mag-drive.
Napaisip naman ako bigla sa sinabi ko sa kaniya kanina. Na sasagutin ko na siya. Lalo na kaming dalawa lang ngayon dito, samalamang at samalamang ay babanggitin na niya 'yon sa akin! Shit, paano ba 'to?!
"Seah," Pagtawag niya sa akin kaya lumingon ako sa kaniya, lumingon din siya sa akin pero bumalik din ang tingin sa kalsada. "We still have something to talk about."
Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Patay na ako rito, bro!
"Ano 'yon?" Ngiti ko, kunwari walang alam sa tinutukoy niya.
"You know…" he glanced at me. "Our deal."
Naningkit naman ang mga mata ko. "Deal?"
He raised a brow. "Seriously? You're gonna pretend you forgot? You told me…if I win the game, you'd answer me."
Hindi ako sumagot sa kaniya. Napansin ko ring nanahimik siya. Hala? Galit ba siya? Kasi hindi ako sumunod sa usapan? Seryoso naman ako sa sinabi ko kanina! Pero kasi, hindi kasi sa ganitong paraan ang balak ko para sagutin siya!
"Yes, I want to be your girlfriend."
Nakita ko namang nagulat siya at napalingon sa akin nang matagal.
"Eyes on the road," irap ko.
"No," sabi niya kaya napatitig ako sa kaniya.
Anong no?! Nire-reject niya ako?! Grabe! Ready na ako mag-commit tapos no ang sagot niya?!
"Seah, alam ko 'yang nasa isip mo." Sabi niya nang mapansing nanahimik ako. "I don't want your answer kasi napilitan ka," kalmado niyang sinabi. "Or because may deal tayo. I want you to choose me because you really want to. Hindi dahil nanalo ako sa game."
"Hindi naman ako napilitan. Alam mo naman kung gaano kita kagusto, Rayzen. Nag-yes ako kasi gusto kita, gustong-gusto kita. And I think...I'm ready na mag-commit na."
"Seah…I'm the one who opened up our deal."
"Ano naman?" Kunot-noong tanong ko.
"It wasn't supposed to pressure you," dagdag niya, eyes flicking to mine for a second. "Hindi ko in-expect na you'd actually say yes. Na seryoso ka sa deal na 'yon, kasi akala ko hindi."
BINABASA MO ANG
love is a game
Teen FictionLeonar Siblings Series #1 Start: July 19, 2022 End: Rayzen is usually quiet, but he becomes vocal around Chelseah, teasing and joking with her, showing a side no one else sees. With her, he can't help but speak up, making their moments feel differen...
