eighteen

24 1 0
                                        

Monday. Exam week. Pinakaayoko na parte ng school year. Wala pa man ang exam, parang ubos na agad ang energy ko.

Naglalakad ako papasok ng gate, hawak ang tote bag na puno ng reviewers na hindi ko naman masyadong nabasa. Bakit ba kailangan laging exam? Bakit ba sunod-sunod? At bakit ba kailangan pang gumising ng ganito kaaga?

Gusto ko na lang maglaro nang maglaro! I need to focus on my studies, lalo na't nandito pa si Mom and Dad. Si Ate rin ay bantay sarado ulit ako lalo na alam niya na exam week ko.

Sa gitna ng pag-iisip ko ay biglang nag-vibrate ang phone ko.


ky pogi:
Good morning. Don't stress too much today, okay?


Ngumiti ako habang binabasa 'yon. He really texted first today.

Pero 'yong ngiti ko, saglit lang.

Pag-akyat ko sa third floor kung saan laging assigned ang classroom namin, bigla kong natanaw sa dulo ng hallway sina Lannize at Penelope.

Huh? Bati na naman sila? Nagsisiraan lang sila nito, ah. Ewan ko ba sa mga taong ito.

Nakita kong napalingon sila sa akin. Hinayaan ko na lang at kaagad na pumasok sa classroom.

“Chelseah!" Bungad ni Henden at inakbayan ako.

"Parang 'di naman tayo nagkikita." Iling ko.

"Sus! Ilang araw ka na hindi nakakapaglaro, e! Masiyadong focus ka na naman sa pag-aaral," sabi ni Henden. "Nawawala pagiging competitive player mo."

"Ay, talaga! Nandito pa parents ko. Kailangan nila makita na nag-aaral ako."

Ayaw pa naman nila na naglalaro ako. Gusto nila puro aral ako. Pigang-piga na utak ko kaaaral ko! Atsaka…kaya ko naman i-handle ang paglalaro ko at pag-aaral. Ayaw ko lang ma-disappoint sila sa akin. Lalo na si Dad. Tumatak kasi sa akin usapan namin no'n na huwag muna kahit sinabi niya no'n na choice ko rin naman. Pero si Mom naman, gustong-gusto niya si Rayzen for me!

"Ulol mo. Aral daw pero puro si Rayzen laman ng  IG story? Kayo na ba?" Tanong ni Henden, halatang nang-aasar.

"Oo nga, Chelseah, kayo na?" Sabay sulpot ni Dustine mula sa likod. Nagulat ako. Hindi ko inakalang narinig niya 'yon.

"Hindi pa!" Mabilis kong sagot, medyo defensive.

"Pero kung maka-story ka, ha?" Hirit ni Henden sabay tawa.

Ngumiti lang ako at sabay sabing, "Malapit na."

Tahimik ang dalawa. Walang imik. Parang hindi nila alam kung seryoso ba 'ko o nagbibiro lang.

Well...kahit ako, 'di ko na rin sure kung alin.

Napatingin ako kay Dustine. Akala ko magsasalita pa siya ulit, pero hindi. Nakatitig lang siya sa akin, tapos saglit na ibinaling ang tingin sa iba.

"Ah," tipid niyang sinabi. "Sige. Balik muna ako sa seat ko."

Bigla siyang tumalikod at tahimik na umalis.

Napatingin sa akin si Henden. "Uy! Parang tinamaan 'yon, ah?"

"Gago! Ano ba 'yang pinagsasabi mo?"

love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon