"Bilisan niyo, baka ma-late tayo sa first match!" Sigaw ni Kuya Chase na nasa kotse na. Si Kuya Nico kasabayan ko maglakad. Umupo siya sa harap habang ako naman ay nasa likuran nila.
"Relax, Kuya. Hindi naman kami ang maglalaro," sabay tawa ni Kuya Nico habang nag-aayos ng suot niyang cap.
Umirap lang si Kuya Chase sa kaniya.
"Hey, bebe," bulong ni Kuya Nico sa akin. "Excited ka?"
"Huh? Hindi naman." Kunwari pa akong chill pero ramdam kong nakangiti na ako habang sinasagot siya.
"Tsk. Hindi naman halata," pang-aasar niya.
Pagkarating namin sa venue ay sobrang dami na agad ng tao. Kasama ko si Kuya Chase at Kuya Nico, parehong chill lang habang nilalakad namin ang hallway papunta sa audience area.
"Reserved 'yong seats sa kanan, banda sa second row," sabi ni Kuya Chase habang tinitingnan ang ticket sa phone niya.
Tumango lang ako habang sinusundan sila. May dalang tubig si Kuya Nico para kay Rayzen, pero alam naming bawal muna lapitan kasi nasa pre-match prep na sila. Tahimik ako habang naglalakad, sinusubukan i-absorb ang lahat. Ito na talaga.
Pero sa paglingon ko sa likod, may pamilyar na mukha akong napansin.
Si Shin.
Napakunot ang noo ko, hindi dahil sa gulat, kundi sa pagtataka. "Shin?"
Napatingin siya agad sa akin at ngumiti. "Che! I miss you!"
Nagtaka naman ako sa kaniya. Hindi naman 'to interested sa mga laro. Naglalaro man siya pero 'di siya batak at hindi naman ito nanonood ng tournaments!
"I know you're here to support Rayzen! Kaya pumunta na rin ako."
"Bakit naman? Sino kasama mo?"
"Wala akong kasama," mahinang sabi niya. "Hindi ka ba masaya na narito ako, Che?!"
"Nagulat lang ako sa 'yo, gaga," irap ko.
Narinig kong tinawag na kami ni Kuya Chase kaya tinapik ko siya sa braso. "Doon tayo kina Kuya, malapit na rin 'to mag-start." Agad namang sumunod si Shin.
Pagkaupo namin sa reserved seats, nagsimula nang magsi-set up ang mga teams sa stage. May LED screens na nagfa-flash ng logos ng bawat team, may announcers sa harap, at crowd na unti-unting nag-iingay.
Nakaupo si Kuya Chase sa kaliwa ko, katabi niya si Kuya Nico. Si Shin naman sa kanan ko.
"Saan banda si Rayzen?" Tanong ni Shin.
Hinanap naman agad ng mata ko si Rayzen. Natanaw ko siya agad.
"Iyong nasa gitna," sagot ko. Halos may ngiti na sa labi habang pinapanood siya. Tinitingnan ko ang pagkakaupo niya, focus na focus, parang wala nang ibang tao sa paligid niya.
"Ah, siya 'yan," mahinang sagot ni Shin. Tahimik siya saglit. "He looks serious."
"Ganiyan naman talaga siya."
Napatingin ako kay Shin saglit, nakita kong nakatingin pa rin siya kay Rayzen.
"Nakaka-excite pala manood nito, Che! Ang intense masiyado kahit 'di pa nagsisimula!" Aniya.
Nagkatawanan kami pero tahimik din agad pagkatapos. Baka dahil nagsimula na 'yong shoutcasters sa pagbibigay ng introduction ng mga teams. Tumutok ulit ang lahat sa stage.
"Ready na ba kayo?!" Sigaw ng announcer at sumabay ang hiyawan ng crowd. "Unang round: Hardpoint!"
Kasabay no'n ay umilaw ang lights sa team ni Rayzen. Nasa gitna si Rayzen, hawak ang phone at naka-headset. Focused. Sa tabi niya, busy rin ang teammates niya. Nakakabit na ang mga cable, nagte-test mic, at nagpapa-warm up ng kamay.
BINABASA MO ANG
love is a game
Teen FictionLeonar Siblings Series #1 Start: July 19, 2022 End: Rayzen is usually quiet, but he becomes vocal around Chelseah, teasing and joking with her, showing a side no one else sees. With her, he can't help but speak up, making their moments feel differen...
