Ilang araw pa ang lumipas. Nakaka-highest ako sa mga exam ko. Consistent pa rin ang scores ko kahit naglalaro ako. Napapagsabay ko pa rin ang acads at gaming. Parang naging routine ko na ang mag-review saglit tapos laro, tapos balik-aral ulit. Minsan nga, sa breaktime habang naglalaro kami, nagre-review rin ako ng notes sa gilid.
Nakakalaro ko na rin si Rayzen palagi. Sabay kaming grind since end season na, kaya todo batak pareho. Siya, matagal na sa top clan. At ngayon, nakasali na rin ako sa clan niya. Achievement unlocked! Nakapag-try out na ako and then nakapasok na ako. Dream clan ko 'to! May ibang influencer na kasama rito sa clan na 'to kaya laking tuwa ko.
Sa GC pa lang, ang dami nagme-mention sa akin. May mga nagtatanong kung available ako for rank, may iba naman nagpaparamdam na parang close na kami kahit kapapasok ko lang. Pero ang iba, may pabiro pang nagsasabi na kay Toshi na raw ako which is si Rayzen nga, IGN lang niya. Minsan tuloy, parang binabakuran na rin niya ako sa GC. Natawa na lang ako, pero hindi ko rin alam kung paano magre-react minsan.
Madalas na rin akong makasama sa five man nila Rayzen. Kapag available ako, isasama agad nila ako. Sobrang competitive ng team nila. Ang team nila ay kilala rin na malakas sa mga scrim.
Tapos minsan kapag may kalaban na nagta-trashtalk sa akin, bigla na lang magre-react ang buong team. Si Rayzen na mismo ang nauuna minsan, diretso trashtalk pabalik. Hindi siya madalas magsalita pero kapag ako na ang tina-trashtalk, dumarami salita niya! Ang sakit pa ng mga salitang binibitawan! Nakakatuwa rin, in fairness. Parang may nagbabantay. Pero ganoon din ang teammates niya sa akin, kahit hindi ko sila gaano close.
"May sasalihan kaming tournament," sabi niya. Narito siya sa amin ngayon. Pinapunta rin siya ni Mommy rito kasi next week aalis na sila. Babalik na sila sa Switzerland.
"Saan?" Tanong ko habang sinisilip ang screen niya.
"BGC," sagot niya, hindi inaalis ang tingin sa phone. "Invite lang. A few pro players will be there too. 'Yong manager na humahawak sa team namin, siya ang nagsali sa amin. Para raw ma-expose at makilala na rin."
Napakagat ako ng labi. "So...are you planning to go pro?"
He smirked a little, finally putting his phone down. "I know you want to be a pro player too."
Napatawa naman ako at medyo nahiya. "Seryoso nga."
He leaned back on the couch, finally meeting my eyes. "I mean...I wouldn't mind. Kung may opportunity, why not? But I'm not rushing anything."
Tumango ako. "Magaling ka naman."
Ngumiti siya at halatang nahiya. "You think so?"
"Of course! Batak ka kaya maglaro atsaka nakikita ko gameplay mo!"
"Okay, pag-iisipan ko nang mabuti. I like competing. I like the pressure. I've still got school, and other things to figure out."
"Other things?" Casual na tanong ko.
"Yeah. You included." Ngumiti siya.
Napatingin na lang ako sa kaniya, hindi ko alam kung anong isasagot. Natameme ako. Literal.
Tahimik kami saglit. Magkadikit na halos ang braso namin sa sofa. Ramdam ko na 'yong init ng balat niya kahit naka-jacket siya. Hindi rin siya umiwas. Ako lang ang biglang nahiya kaya bahagya akong umatras.
Napansin niya yata kasi lumingon siya saglit.
"You're shy now?" May halong tawa sa tono niya.
"Hindi, ah," tanggi ko agad kahit obvious na ako ang umusog.
"Right." Tumango siya pero may ngisi.
Pero bago pa lumalim pa ang tension or awkwardness, biglang dumating si Mommy!
BINABASA MO ANG
love is a game
Dla nastolatkówLeonar Siblings Series #1 Start: July 19, 2022 End: Rayzen is usually quiet, but he becomes vocal around Chelseah, teasing and joking with her, showing a side no one else sees. With her, he can't help but speak up, making their moments feel differen...
