twenty three

14 1 0
                                        

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Rayzen. Kinausap ko na rin siya na dapat mas piliin niya 'yon. Chance na niya iyon. Nandito lang ako para suportahan siya lagi. Malaking team at kilala ang sasalihan niya. Pag-accept na lang ng offer ang hinihintay sa kaniya.

Once kasi na matanggap niya 'yong offer na iyon, agad-agad siyang pupunta sa bootcamp ng team na iyon. Puro na sila training. Malayo rin mula rito, tatlong oras ang byahe bago makarating doon. Hindi naman siguro kakayanin kung panay uwi siya rito dahil malayo at sa pagod din. Kung ngayon nga lang na malapit-lapit lang siya, hirap pa kami magkita.

Ayaw ko naman siyang malayo sa akin kasi lumalapit na rin ang loob ko sa kaniya. Pero iniisip ko rin naman siya. Mas tama naman siguro iyon muna ang piliin niya kaysa sa akin.

Kaya ko naman maghintay. Hihintayin ko siya. At sana hintayin niya rin ako kapag naging pro player na ako. Kapag natanggap na ako sa malalaking teams, kapag may nag-offer na sa akin. Sana mahintay niya ako. Gusto ko siya ka-team. Gusto ko sabay naming maabot ang pangarap namin.

"Ang lalim ng iniisip mo, Che," inakbayan ako ni Lei.

Nandito nga pala sila ngayon sa amin. Nag-aya ako na magkita-kita kami since break naman. Kumpleto kami ngayon. Buti na lang at wala na rin silang pasok. Na-miss ko rin talaga sila. Ngayon na lang kami nakumpleto after months!

"Malalim talaga," ngisi ko sa kaniya.

"Share mo kaya?

"Si Rayzen kasi." Sabi ko at nag-iwas tingin sa kaniya.

Nagulat naman ako nang biglang lumapit si Shin at Vanice sa amin.

"Hey, Che! Kuwento mo rin sa amin!" Sabat nito.

"Ang eepal niyo naman!" Inis na sabi ni Lei.

"Bff ko si Che, ha! Ikaw ang epal!" Balik na sagot ni Shin.

"Ulol! Ako nagtanong sa kaniya!"

"O siya, manahimik na! Makinig na lang kayo, okay?!" Inis ko na ring sabi dahil nagtatalo pa sila. Magkukuwento lang naman ako, e.

"Spill," ani Vanice.

Balak pa sanang tawagin ni Shin ang mga lalaki pero pinigilan ko siya. Kaming girls muna sana makaalam nito. Sasabihin ko rin naman sa mga lalaki kapag nasabi ko na sa mga 'to, manghihingi rin ako advice sa kanila.

"Alam niyo namang naglalaro si Rayzen, 'di ba?" Tanong ko sa kanila, tumango naman silang tatlo. "May malaking offer sa kaniya. Mas malaking chance para maging pro player siya. Pero ayaw niya tanggapin dahil mapapalayo raw siya sa akin."

"Sweet, ha! That's love, Che!" Tatawa-tawang sabi ni Lei.

"It's not!" Pigil ni Shin. "Kung love talaga 'yon, hahayaan ni Che na tanggapin ni Rayzen iyon."

"Tanga ka," ani Lei kay Shin. "Si Rayzen nga ay may ayaw tanggapin. Nagkikinig ka ba, aber?!"

Nakita ko namang inirapan lang ni Shin si Lei. May binulong siya kay Vanice pero 'di ko na ito narinig.

"Ako na nagpupumilit na tanggapin niya iyon." Dagdag ko.

"See!" Irap ni Lei.

"Alam kong malayo mararating niya kapag tinanggap niya 'yon. Pero pinag-iisipan niya pa. Konting pilit na lang, alam kong papayag din siya."

"Then goods! Saang lugar ba siya?!" Tanong ni Shin.

Sinagot ko naman siya kaya napaawang ang bibig niya. Problema nito?

"Girl! Magta-transfer na ako riyan next semester!"

"Huh?" Kumunot ang noo ko.

"Diyan na ako pinag-aaral ni Lolo." Agad niyang sinabi.

love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon