twenty two

11 1 0
                                        

"Kailan ba mental health break natin?!" Ingay ni Henden ang bumungad sa akin sa classroom. "Malapit na undas, oh! Patay na talaga bahala sa school na 'to!"

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Ang dami na ring nangyari nitong mga nakaraang araw pero hindi pa rin nawawala sa isipan 'yong usapan namin ni Rayzen. Lagi niya naman akong kinakausap. Consistent pa rin ang actions niya towards me. Pero may kulang pa rin, e. Dahil siguro hindi pa rin kami official.

"Che! Ang lalim na naman ng iniisip mo!" Ani Henden sabay akbay sa akin. Inalis ko naman ang kamay niya na 'yon dahil nasasakal ako. "Ang arte mo na!"

"Nasasaktan ako, gago!" Inirapan ko siya kaya natawa siya sa akin.

"Ano na naman nasa isipan mo, babaita?" Tanong niya.

"Wala," irap ko ulit. "Mag-aya ka nga sa group chat natin, miss ko na circle natin. Wala na rin naman yatang pasok next week."

"Ayoko nga."

"Edi 'wag! Hindi naman kita pinipilit. 'Wag ka na sasama sa amin kahit kailan." Iritang sabi ko sa kaniya.

"Baka walang break mga college," aniya habang nakatingin sa phone niya.

"Mayroon 'yan! Sa 31, set mo na agad."

"Desisyon ka!"

"Totoo nga! Awa na lang sa mga students if may pasok pa rin ng ganiyang araw, 'no!" Sabi ko at agad siyang tinalikuran.

Lumabas ako ng classroom dahil wala naman kaming teacher. Hindi na rin nagtuturo dahil siguro katapusan na at wala na ring maituturo. Bored na bored ako sa classroom at naiingayan ako sa paligid kaya lumabas ako. Naglalakad ako sa hallway nang biglang tumunog ang phone ko.


ky pogi:
I’m at your school gate.


Napakunot ang noo ko. Ano ang ginagawa niya rito? Ang aga pa, ha!


Me:
bawal lumabas hahaha di pa uwian oy


Hindi naman kasi ako college para makapaglabas pasok dito sa school. Ang higpit nila sa mga SHS! Akala mo may gagawing masama kapag nakalabas ng school habang school hours pa, e!

Mabilis akong pumunta sa main entrance. Nakita ko nga siya roon na naka-cap at nakasandal sa motor niya. Naka-motor ulit siya ngayon, huh.

Nakita ko naman napatingin siya sa akin at kumaway saglit. Nag-text naman ulit ako sa kaniya.


Me:
wala ka bang pasok? or training man lang


ky pogi:
I don't have classes today. And no training for now. Why? You don't want me here?


Napairap naman ako sa text niyang 'yon. Talagang gumaniyan pa siya, ha.


Me:
hindi naman sa ayaw! nambibigla ka kasi tsaka baka mamaya pa out ko bro


ky pogi:
It's okay. I can wait. Seeing you from here is enough :)


Napatingin ako sa kaniya sa chat niyang iyon. Kahit ang layo ko, kitang-kita ko ang pagkindat niya sa akin. Damn this guy!


Me:
babalik na ako sa room e pano ba yan hahahhahaa


ky pogi:
Then go. I'll stay here. Hintayin ko matapos klase mo. I'm not busy today. So don't worry, I'm not going anywhere.


Napangiti naman ako. Hindi ko na siya ni-reply-an. Tumingin lang ako sa kaniya at kinawayan siya. Nakita ko pa siyang tumango bago ako tuluyang makatalikod.

Pagbalik ko sa room, nagkakagulo pa rin mga classmate ko. Wala pa ring teacher. Bumalik na ako sa upuan ko. Yumuko na lang ako at umidlip. Maya-maya pa ay kinalabit ako ng katabi ko, si Dustine.

love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon