"Kuya, saan ba tayo?"
Kanina pa ako nangungulit. Hindi niya ako sinasagot. Tahimik lang siya. Ayaw niya magsalita, na para bang pipe siya!
"Kuya!"
"Just shut your mouth, Chelseah," naiiritang sabi ni Kuya habang patuloy pa rin sa pagda-drive.
"Saan ba kasi, Kuya? Halos isang oras na biyahe natin! Tapos hindi ko alam kung saan tayo pupunta!"
"Ang ingay."
Napipikon na ako. Hindi na lang ako nagsalita at natulog na lang sa biyahe. Para naman hindi ako nacu-curious. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na inuuga na ako.
"We're here," saad ni Kuya Chase.
Napatingin ako sa window, ang dilim na pala. Pagabi na rin. Ang tagal ng biyahe namin, ha? Saan ba 'to? Hindi ako familiar sa lugar na ito.
Ang ganda rito. Nakabukas na rin ang mga ilaw. Event place yata 'to, e?! Ano ang mayroon?
"Sino may birthday, Kuya?"
"Stop asking. Just fix yourself, mukha kang kinalahid ng manok. Para makababa na rin tayo." Masungit na sabi niya.
Umirap na lang ako atsaka nag-ayos na. Napatingin ako sa side mirror ng car at nakita kong napakagulo nga ng buhok ko. As in gulo-gulo!
"Bilisan mo."
"Bakit ba ang sungit mo, Kuya?" Tanong ko habang nag-aayos ako ng sarili ko.
"Just hurry up, Chelseah!" Parang napipikon na sabi niya. Ano pa nga bang bago kay Kuya? Lagi naman talaga 'tong masungit!
Bigla naman siyang bumaba ng sasakyan. Pumunta siya sa kabila para mapagbuksan ako ng pinto.
Bumaba na ako. "Kuya...are we attending something?"
Hindi nagsalita si Kuya Chase. Nagulat naman ako ng nakita ko sa bandang entrance ang love birds, si Ate Coleen at Kuya Nash.
Napatakbo ako bigla roon. Ano ang ginagawa nila rito, ha? Baka nga may event talaga na hindi ko alam? Birthday ba 'to? Or reunion? Bakit kasi wala akong alam!
Bumeso ako kay Kuya Nash at agad yumakap kay Ate Coleen. Tagal ko ring hindi nakita si Ate kasi hindi siya umuuwi sa bahay.
"Let's go." Aya ni Kuya Nash.
"Ano mayroon, Kuya Nash? Ayaw kasi ako sagutin ni Kuya kanina pa, e!" Pagsusumbong ko pero hindi pa rin siya sumagot. "Ate?" Pero wala rin akong nakakuhang sagot sa kaniya.
Ano ba naman ito? Pipi ba sila today? Para bang wala silang boses at hindi nila ako masagot-sagot!
"Stop talking, Chelseah. Just walk." Sabi ni Kuya Chase.
"What—"
"Seah. Walk."
So I walked.
Habang papalapit kami ay may naririnig akong parang hampas alon. Ang lamig dito dahil napakahangin. Unti-unting parang nagiging buhangin ang natatapakan ko. Hanggang sa nakakita ako ng dagat!
"Wow, vacation pala 'to!" Ngisi ko.
Bago pa ako matuwa nang sobra ay nagulat ako sa nakita ko. Una kong nakita si Kuya Nico na agad lumapit sa akin. Pinitik niya ang noo ko.
"Ano ba, Kuya?!" Reklamo ko habang nakahawak sa noo ko pero tumawa lang siya.
Napamaang pa ako nang makita ko ang mga tropa ni Rayzen na nasa gilid. May mga phone na nakatutok sa akin. What?! Vini-video-han nila ako!
At sunod kong nakita ay mga tropa ko. Kumpleto sila. Mga nakangiti rin sila sa akin. Si Lei at Dale naman ay kumakaway na para bang artista ako.
"Che! Halos mabaliw ako kanina kasi naaawa ako sa 'yo!" Sabi ni Lei na ipinagtaka ako. Huh? Hindi ko gets?
"Hoy, Lei! Wala pa, ah! Napakadaldal mo!" Sita ni Dale.
"Wala naman akong pake sa 'yo, Dale," pikon na sabi ni Lei.
"Hep!" Awat agad ni Rowan.
Parang mga aso't pusa talaga itong dalawa. Nag-aaway na naman. Parang hindi mabubuo ang araw nila kapag hindi sila nag-aaway, e.
Napatingin ulit ako sa paligid. Nakita kong magkakasama na sa gilid ang mga kapatid ko. At nakatingin lang sa akin. Kahit mga tropa ni Rayzen ay nakatingin lang sa akin. Ganoon din ang mga tropa ko, mga nanahimik na rin.
Hindi ko tuloy alam kung saan ako titingin. Sa mga tropa ko ba? Sa mga phones na nakatutok sa akin? Sa dagat? O sa lupa na lang kaya?!
"Ano ba kasi 'to?" Tanong ko sa mga tropa ko pero mga walang balak sumagot.
Napapaisip naman ako na parang may kulang...
Si Rayzen!
Nasaan siya?
And speaking of him...
Nakita ko siyang palapit sa akin at may hawak itong bulaklak!
"Come here," saad niya nang makalapit sa akin. Inalalayan niya ako hanggang mapunta ako kami sa gitna. Napansin ko namang may mga rose petals na nasa buhangin. Nakakalat iyon doon.
BINABASA MO ANG
love is a game
Teen FictionLeonar Siblings Series #1 Start: July 19, 2022 End: Rayzen is usually quiet, but he becomes vocal around Chelseah, teasing and joking with her, showing a side no one else sees. With her, he can't help but speak up, making their moments feel differen...
