"Gosh! Napakabilis ng araw!" Sabi ko habang nakatingin sa kalendaryo. Malapit na magpasko. Ilang tulog na lang. Ang haba na rin ng araw ang lumilipas na puro ako aral.
Malapit na ang Christmas break kaya makakapaglaro na ulit ako! Tatlong araw na lang ata pasok namin.
May acquaintance party kami. Parang year end party namin 'yon. Hindi na siya tulad noong JHS na sa classroom nagce-celebrate. Ito kasing celebration na 'to is pangbuong SHS na.
Hindi pa buo ang desisyon ko kung sasama ba ako roon. Parang mas masaya pa humilata kaysa makihalubilo sa mga tao, e!
Pero last ko na 'to bilang highschool student...sasayangin ko pa ba? Isang beses lang 'to mangyayari! Isang beses lang. Hindi ko na mararanasan ulit. Sabi rin ng iba na wala ng ganito sa college. Dapat ba sulitin ko na?
Hays, fine! Sasama na ako!
Agad kong binuksan ang cellphone ko at nag-chat sa GC.
Seah Leonar: @Henden @Leighann sasama na ako
Leighann Chavez: buti naman tangina
Henden Villaluz: Nice decision hahaha para may katabi ako sa party
Seah Leonar: lul den para namang wala kang tropa sa room
Nang makapag-reply ako ay agad kong binitawan ang phone ko.
I miss my Rayzen. Hindi pa siya sumasagot sa chats ko. Sobrang busy niya naman?! Kagabi pa, e! Baka nakatulog na tapos hanggang ngayon hindi pa rin gising. Sunday naman today...sana ako naman! Chelseah time naman. I really miss him. Hindi ko rin siya nakikita. Puro lang kami call and play!
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay may biglang kumatok sa kuwarto ko. Napakunot ang noo ko at lumapit sa pinto para buksan iyon.
"Omg! Rayzen! What are you doing here?!" Gulat na sambit ko.
"I know you miss me," sabi niya at yumakap sa akin.
"Of course I do! I really missed you!" Sabi ko at niyakap din siya. "But you look tired."
"Not anymore, nayakap ko na pahinga ko," bulong niya.
"Oh, Rayzen! Stop! Lika, matulog ka muna." Sabi ko at hinatak siya sa kuwarto ko. "Hihintayin kita magising."
Nilapit ko siya sa kama para makahiga na siya. Umupo ako sa gilid ng kama atsaka tinapik ko iyon. Sumunod siya sa akin. Humiga na siya roon.
"You're spoiling me..." bulong niya.
Ngumisi lang ako. Inabutan ko siya ng kumot. "Sleep na."
Ngumiti lang siya sa akin at dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata niya. Tama ako! Antok na antok siya!
Pero kahit ganito, nakuha pa rin niyang bumyahe rito. Hindi na rin siya nakapalag sa akin dahil sa sobrang antok na niya. Halatang-halata ko sa mga mata niya kung gaano siya kaantok.
Hinaplos ko ang buhok niya atsaka inayos ang unan. Alam kong medyo gising pa siya dahil napapailing pa siya.
Maya-maya pa ay tumayo ako at umupo sa couch ko, sabay open ng cellphone ko. Nakita ko na namang puno ng mentions ang notification ko!
Halos lahat ng social media ay ginambala ako! Pero naka-DND ako kaya hindi agad lumalabas ang notifications, kailangan ko pang buksan ang phone ko para makita.
Binuksan ko 'yon isa-isa at balak nilang pumunta rito sa akin ngayon!
Sa Instagram na lang ako magre-reply.
cnleonar: wag ngayon mga gago
Agad naman silang nag-reply! Halatang abang na abang sa reply ko dahil sabay-sabay rin silang nag-seen!
itshinaya: why, che?
leichavez: LAAAH NAKA READY NA AKO EH
cnleonar: bobo ka lei hindi naman ako pumayag na rito kayo ngayon
prettyboydale: sayang outfit ko pare hahahahahahhah
hd.villaluz: Buti kagigising ko lang hahaha
vanicera: luh gara mo.
rclapuz: Alam niyo namang wala pang reply si Seah, gagayak agad kayo.
cnleonar: kuha mo papa rowan hahahaha kainis e
vanicera: nandiyan siguro si rayzen.
cnleonar: oh e ano naman sayo?
Sa sobrang pikon ko ay nabato ko ang cellphone ko. Nakita ko namang umunat si Rayzen kaya nagmamadali akong lumapit doon para haplusin ang buhok niya.
"I'm sorry..." bulong ko.
"What was that?" Mahinang bulong niya.
"Nothing. Sige na, matulog ka na ulit." Sabi ko sabay haplos sa buhok niya. Hindi naman na siya nagsalita ulit.
Pikon na pikon ako sa mga kaibigan ko ngayon. Hindi pa naman ako nagre-reply sa kanila. Edi sa ibang bahay sila pumunta, hindi rito! Hindi naman ako madamot sa pagpapapunta sa kanila rito, e. Ako pa nga nag-aaya sa kanila. Sana intindihin din nila na hindi sa lahat ng oras ay makakatambay sila rito.
BINABASA MO ANG
love is a game
Teen FictionLeonar Siblings Series #1 Start: July 19, 2022 End: Rayzen is usually quiet, but he becomes vocal around Chelseah, teasing and joking with her, showing a side no one else sees. With her, he can't help but speak up, making their moments feel differen...
