1st Tune (our meeting)

289 4 1
                                    

Nika's pov (*^_^*)

"Next auditionee is Nika Blaze Dizon"

Pagkarinig na pagkarinig kong tinawag ang pangalan ko ay agad akong tumayo at pumasok sa room kung saan ang mga judge naroon.

Kinakabahan ako na naeexcite. 4 hours akong naghintay para makapasok dito kaya pagbubutihin ko talaga. May klase kami ngayon pero excused ako dahil nga sa audition na 'to.
Nagaaral ako sa Carlington International Academy at ngayong month na ito, may magaganap na Voice of the Campuses. Nag aaudition ako ngayon para maging pambato ng school namin. Napakaraming nag aaudition ngayon at kanina pa ako nakapila dito.

Pagkapasok ko pa lang sa loob ng audition room, sinalubong na agad ako ng mga tanong mula sa judges.

"So ms. Dizon why did you audition here? Ganun ba talaga ka taas ang confidence mo para magkaroon ng hope na matatanggap namin ang boses mo?" Judge.

Strikto ng mga judge. Woooh! ~T_T~ pero kakayanin, may pangarap ako eh! Napalanghap ako ng hangin para mahanda ang sarili kong sumagot sa mga tanong nila. Ginawa ko ang best ko para magmukhang relaxed habang sinasagot ito.

"Kumakanta na po ako since 5 yrs old. Nananalo ako sa mga singing contests sa barangay namin at may kumpyansa akong magugustuhan nyo ang boses ko. Dahil hindi lang ako kumakanta para pampalipas oras, kumatanta ako because its my passion in life." Ako. Sana naman nakumbinsi ko sila sa sinabi kong yun kahit kaunti. ~T_T~

"Well then, good luck ms. Dizon. You may start now."

"The song i'll be singing is titled... this is me by demi lovato."

"I've always been the kind of girl that hid my face...
So afraid to tell the world what I got to say...
BUt I have this dream right inside of me...
Im gonna let it show, its time to let you know... to let you know........

This is real. This is me.
Im exactly where I'm suppo--"

.
.
.
.
.
"I'm here!"napahinto ako sa pagkanta ng may biglang sumingit na unggoy.

"Oh! Mr. Chiu!" Bati sa kanya ng isa sa mga judge. Actually lahat yata ng mga judge ang sumalobong sa kanya na para bang artista siya.

Wow. Everyone! nandito pa po ako! Sana hindi nyo pa ako nakakalimutan dito!

"Mr. Chiu were so happy to see you here" judge.

"Nagmula ka pa talaga sa flight from states" judge.

"We're so overwhelmed" sabi pa nung isa.

Mukha ngang nakalimutan na nila ako.~T_T~ kainis!

"Uhm..." ako. "Excuse me po sir, tapos na po ba ang audition ko?" Tanong ko sa isang judge.

"Oh... I'm so sorry student. Maka-cancel na yata ang auditions dahil dumating na ang hinihintay namin."

We Sound Good Together [#Watty's 2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon