8th Beat (Kabayaran)

101 2 1
                                    

Nika's POV

Hindi ko alam kung ano exactly ang nangyare dun kay Phillip nung nakaraang araw. Bakit niya yun ginawa? Nakakain ba siyang expired na pagkain sa umagang yun? Nakasinghot ba siya ng rugby? Psh.

Simula nung incidenteng yun, hindi na kami nagpapansinan, hindi nagkikibuan. Nararamdaman ko lang ang mga tingin niya sakin (O sadyang assuming lang ako). Sa totoo lang, parang nabawasan ako ng konting sakit sa ulo dahil sa pagbabalik normal ng buhay eskwela ko.Pero may isa nalang talaga akong problema sa kanya ngayon... Yun ay ang nakaharang niyang ulo sa board kaya hindi ako maka copy ng notes. Nakaupo siya sa harapan ko kaya nakaharang ang ulo niya sa board. Okay lang sana kung makakapagpaintindi sakin ng physics yung ulo niya pero hindi eh! Buiset.

Mahina akong nagclear throat na sapat para marinig nitong dambuhalang nakaupo sa harap ko... "Pwede mo bang ibaba kahit konti lang ang ulo mo? nakaharang kasi sa board." ako.

Tinignan niya ako saglit tapos tumalikod ulit siya at umupo, sumandal siya sa arm chair at medyo bumaba naman yung ulo niya. Magt-thank you na sana ako sa kanya pero bigla siyang nagcross arms at inamit itong pangsandal sa ulo niya dahilan para mas lalo akong walang makita dahil nakaharang ang ulo at sinamahan pa ng braso niya ngayon.

Nagclear throat ulit ako. Hindi ako pwedeng umusog sa kanan dahil nasa may window ako nakaupo. Ayoko namang umusog sa kaliwa dahil pakiramdam ko ayaw ni Job sakin. Kapag kasi lumalapit ako sa kanya, nagmamadali siyang lumalayo palagi. Hay... napakamot nalang ako sa ulo. Kahit kailan talaga nakakasama ng araw tong Phillip Chiu na to. Peste. (+__+")

Napasinghot nalang ako ng hangin sa inis at umusog backwards.

"Ano ba!" reklamo ng isang babaeng classmate ko. Aba ang arte nito ah! Nag bow nalang ako konti sign na nagsosorry ako kasi nakita kong namali siya sa pagsulat dahil sakin. Nag roll eyes siya sakin at hindi ko nalang yun pinatulan at baka bumalik siya dito sa school bukas na wala nang mata.

Umusog ako pabalik. I hate my chair location. Pero mas naiinis ako sa pesteng nakaupo sa harap ko. Sa huli, hindi ako naka take down notes. (+___+")t

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nag ring na ang bell sa wakas. Yes!!!! Kanina pa nagrereklamo ang mga alaga ko sa tiyan. Ako nalang ang natira sa loob ng classroom dahil nag aarange pa ako ng bag kong gusto yatang lamangan si basurahan.

*gggggrkk* tumunog na ang tiyan ko. Okay lang yan bilbil ko, makakakain na tayo kasi tapos na akong mag arangge ng gamit.

Pupuntahan ko na si Amber sa canteen nandun na kasi siya,nauna nang kumakain... Yan ang bestfriend ko! Oo! (=__=) psh.

Nakita ko ang music room na ang daming babaeng nanunuod mula sa labas... alam ko na kung anong dahilan niyan. Mga kawawang nilalalang sinasayang ang oras sa mga walang kwentang bagay.

"Kyaaaaah! Phillip is so talented!!" "He's so over the top!" "Ang cool niya talaga" "He's so gonna be my future hubby" "No he's mine!" "Back off bitch he's mine!"

Wala na, nagaway away na ang mga babaeng sira. (=___=)

Nang malampasan ko na ang music room, tumahimik na ulit ang mundo ko. Salamat naman!

~~~~~canteen~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Nika! Dito!" nakita kong kumaway si Amber mula dun sa table na nasa gitna ng canteen. Dahil dun sa pagsigaw niya, tumingin naman ang lahat sa akin. Nakakahiya! (T__T)\

Linapitan ko naman tong bestfriend ko. "Hoy amber! Wag ka ngang sumigaw ng ganun. nakakahiya para kang namumuhay sa gilid ng dalampasigan." sabi ko sa kanya sabay tampal ng mahina sa mukha niyang maganda.

We Sound Good Together [#Watty's 2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon