Nika's POV"Nika! Nika! Nika!!! Pinapatawag ka ni Mr. Fuentavilla!" Sigaw ni Vicky habang patakbo patungo sakin.
"Huh?" (O__o) pinapatawag daw ako ni Mr. Fuentavilla? Siya ay isa sa mga judges noon sa auditions ah?
"Halika na!" Hinigit niya ako sa kamay at sabay kaming tumakbo.
.
.
."Heto na si Nika Sir!"
"Ms. Dizon, get ready because you'll be the replacement of Mr. Chiu as our representative in the contest tonight." Diredireching sabi ni Mr. Fuentavilla na ma-awtoridad.
"Ho??" (O_______o)?? P-paano nangyaring ako a-ang..
"Nika. Hindi na dadating si Phillip. Please be his replacement" paliwanag ni Ashley na may nagmamakaawang mukha at hawak ang mga kamay ko.
(O___O) replacement? Eh?? Tumango ako ng mahina.
"Thank you! Thank you! Thank you! Vicky, ayusan nyo na si Nika dali!"
"Yes! Halina Nika!"
"Teka lang! A-anong nangyari kay Phillip?" Binalingan ko si Ashley.
"Mr. Phillip is having some digestion problems at the moment."
(>___<) pambihirang TAE naman yan oo! Tumango tango nalang ako.
At the moment... Nagbobonding si Phillip at ang inidoro niya.
Akala ko kung ano nang nangyari dun... Pero, ako ang nahihinayangan sa kanya. Alam kong gustong-gusto niya rin to eh! Sino ba namang hindi?? Napakalaking opportunity nito at nawala nalang sa mga kamay niya--
(>__<)
Inaamin ko, nung sinabi nila saking ako ang magiging kapalit ni Phillip sa VOTC, hindi ko maipagkakailang nasayahan ako.
Nakita ko kasi ang mga bisita kanina at nandun yung mga talent managers na naghahanap ng bagong talents at nandun rin yung isang judge na mula pa sa..... Hongkong.
Topaz POV
Hindi ako mapalagay. Nakakainis. Bakit ba si Nika ang ginawang pamalit kay Phillip?
At hindi ko rin mapigilang maisip. Sinadya ba to ni Phillip?
Nasa isip ko pa lang pero nananaliti na ako sa inis."Topaz, you're the emcee! Ano? Are you ready?"
Nginitian ko si Ashley mula sa salamin sa harap ko.
"Yes."
"Get ready na, malapit nang mag-start."
I really hate you Nika. I really, really hate you.
Nika's POV
"Good evening ladies and gentlemen. It's a beautiful night and it is about to become amazing once we'll hear the beautiful voices of every campuses' representatives from around luzon, visayas and mindanao."
Nagsimula na. Nasa backstage ako ngayon kasama ang iba pang mga contestants. Yung iba, may mga vocal coaches pa.
"Kaya mo yan!" gulat akong tumingin kay Simon na naka akbay sa akin.

BINABASA MO ANG
We Sound Good Together [#Watty's 2015]
RomansaWarning: May posibilidad na maadik ang mga readers sa storyang ito. Kung nakakaramdam kayo ng pagkakilig, biglang pagtawa magisa habang nagbabasa neto(na parang baliw), sinusumpa ang mga walang hiyang characters sa storya... Dapat mag-alala dahil m...