11th Beat part1(Stalker's Boss)

49 2 1
                                    

Nika's POV

"Is that all your order ma'am?" Polite kong tanong sa costumer ng icecream forest. Yan yung pangalan ng ice cream shop nina Amber. Dito ako nagt-trabaho mga thrice a week lang kasi hindi pumapayag sina tito at tita na araw araw ako dito. Studies ko daw muna ang unahin. Ang bait talaga nila! Haaay... (^___^)

"Yes. How much is it?"

"120 pesos po lahat ma'am"

"Here." Tsaka niya inabot ang bill sakin.

"I recieve 500 PhP. Here's the change. Thank you, come again"

Umalis na yung babaeng costumer at tinignan ko yung time. 8:13 pm. Wala nang ibang luminya sa counter.

"Oh, Nika, break mo na diba? Mag break ka na muna." sabi ni Kelsey, isa sa mga katrabaho ko.

"Oo nga noh? Sige, labas na muna ako." Paalam ko at nginitian siya. Napansin ko namang nakatitig siya sa mukha ko. Anong problema neto?

"Ang ganda mo talaga noh? Nakakainggit." sabi niya.

"Che! Ewan ko sayo." Tinawanan ko lang siya at tinalikuran. Ewan ko talaga sa babaeng yun.

Naglakad lakad ako kaunti at napadpad dito sa isang maliit na bridge sa park na malapit dun sa icecream forest.

Sumandal ako sa bride at tumingala sa langit. Gravy, ang daming stars!!! Gravy! Ang ganda ng mga stars.
(*___*)/

Ang ganda ganda naman ng mga stars! Star. Ang sarap pakinggan. Kung magkatotoo ang pangarap kong maging isang international singer someday, tatawagin akong star. Siguro kung sumikat na ako, mas madali ko nang mahahanap ang pamilya ko. . . Ang pamilya kong iniwan ako sa basurahan.

Traydor na tearducts na to oo! Kainis. Bakit bigla bigla nalang tumulo ang luha ko? Psh. (=___=)

Sa totoo lang, hindi ako galit sa pamilya ko. Wala talaga akong maramdamang galit kahit pa iniwan nila ako kasi alam kong may dahilan. May dahilan ang lahat ng bagay. Matagal ko nang gustong mahanap at makayakap ang mama at papa ko, kung mayron man ako. At kung dumating na ang oras na makapiling ko ulit sila, iiyak talaga ako. Pero hindi ako iiyak dahil nalulungkot ako tulad ngayon, pero iiyak ako dahil sa saya. Kahit sa kubo lang kami titira. Gustong, gustong, gusto ko talagang makita ang totoo kong magulang. Siguro may mga kapatid din ako? Gusto kong pumunta ng Hongkong. Gusto ko na silang hanapin dun.

Ay teka lang, kanina pa pala ako tumitingala dito... Aray!!! (T__T)
Hinawakan ko ang ulo ko para maibaba ang paningin ko pero shetes! Ang sakit! Hindi ko maibaba ang paningin ko! Waaaaah!!! Ang sakit ng batok.

Mula sa peripheral vision ko, nakita ko ang isang anino sa left side ko... O-My-Gahd! Ito na ba ang tinatawag nilang ligaw na kaluluwa?? Shemay!!!
Sa takot ko kumatipas ako ng takbo habang nakatingala parin ako. Oo! Alam kong para akong shunga kung iimaginin nyo! Pero kaysa naman mapaglaruan ako ng ligaw na kaluluwa diba? Waaaah! Nahihilo ako! Ano ba to?!

Teka lang... Ito yung poste ng ilaw kanina eh?! Halaka?! Umiikot-ikot lang pala ako ng takbo? Ganito yung sa T3 eh, yung inililigaw ka ng mga masasamang kaluluwa....

Waaaah!!! Sinubukan kong ibaba ang ulo ko at *crack "araaay!!" (T___T) opo. Tunog yun ng buto ko sa leeg. Ang shaket shaket!

"Miss?" Narinig ko sa may gilid ko. (O___O) pinagpapawisan ako ng bonggang bongga ngayon. Multo? Ito yung tulad sa mga korning horror movies na napapanuod ko. Nakakatakot pala talaga pag real life na!!!!! (T_____T)

"Maawa ka sakin, hindi ko ginagambala ang kaluluwa mo. Wag naman ako oh?" Umiyak na ako sa takot. Nyemas, may third ear na ba ako ngayon? Teka, meron bang ganon? Naririnig at nakakausap ko ang mga multo! Okay na to keysa naman sa third eye.(T______T)

"Huh?"

(T_______T) "Ipag-ppray kita every day and night araw-araw for six months wag lang talaga ako ang paramdaman mo. Huhuhu"

"Are you okay?" Rinig ko ulit na sabi niya. (T___T)

Simon's POV

"Are you okay?" Hinawakan ko ang balikat netong babaeng kanina pa nag hehesterical. I raised my brows... She's kinda cute.

Bigla siyang nag froze nang hawakan ko siya. Anong problema niya?

"Hey, miss!"

~~~~~~
[A/N: yo! Sup! End of part one ng chap 11. Long tine no paramdam guys! Muah lovelots harhar.... Si Simon nga pala ang nasa media. Bukas na ang part two you guys. Vavay!!!]

We Sound Good Together [#Watty's 2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon