5th Beat (Like her?)

112 4 1
                                    

Arnold's POV

Hello mga dudes! Siguro ngayon, nagtataka kayo kung sino tong astig na Arnold nato at kung bakit ngayon lang ako dumating sa mga buhay niyo... Well, ngayon nandito na ako kaya wag ka anng umiyak diyan. Hoho. (^__^) Ako nga pala si Arnold Yanoi- half japanese half filipino. Ang heir ng Yanoi Transportation Corp. at ako ang pinakamalapit na kaibigan ni Phillip Chiu.

Kanina pa ako nandito sa music room kasama si Phillip para gumamit ng drums. Pero kanina ko pa napapansin na tumatawa mag-isa tong taong to.

"Phillip dude, konti nalang talaga at iisipin ko nang takas ka sa mental niyan." ako. Pero parang hindi niya narinig ang sinabi ko at tumingin lang siya sa malayo at tumatawa ng mahina. I snapped my hands in front of his face. "snap it out dude, you're starting to look retarted"

"What?!" lumingon siya sa akin with joint eyebrows. Highblood neto!

"Anong what? Eh nagmumukha kanang sira ulo kakatawang magisa diyan eh! Can you just tell me what happened?" ako.

Bumalik yung smile niya at inikot ang upuan para humarap sakin. "Kasi dude, kanina nakita kong sumisilip si Nika sakin habang kumakanta ako" siya.

"Oh! Yes, nakita ko nga siyang lumabas mula dito kanina." ako. Nakita ko kasi siyang nakasimangot na parang hindi na madrawing ang mukha niya sa galit. Pero ang cute niya parin kahit galit ignan. Ang ganda talaga, parang walang flaws ang mukha. Crush ng bayan. "Oh tapos?"

"Then I saw her drooling over me." siya.

"Teka lang, what do you mean 'drooling over you'?" ako.

"Namangha siguro sa boses ko" siya. Mukha neto. Sa bagay, magaling naman talagang kumanta itong si Phillip.

"Oh, tapos?"

"Tapos tinanong niya ako kung pwede ba siyang pumasok. Because i'm a gentleman, pinapasok ko siya. And then she asked me kung pwede ba daw siyang tumugtog ng piano para sakin. At pinayagan ko naman para hindi mapahiya yung tao. Hihi... Nagpplay siya ng piano habang kumakanta ako then after a while, bigla nalang niya akong hinalkan at nag beautiful eyes sa'kin!" siya.

"Bro, maniniwala na sana ako diyan eh. Pero natandaanko kasing medyo malakas ang ihip ng hangin mo eh! Hahahaha" tawa kong sabi sa kanya. Kasi naman eh! Obvious namang hindi yun ang nangyare base sa mukhang nakita ko kay Nika nung papalabas siya dito kanina. At anong beautiful eyes?! pfft... hahahahaha.

"Hey! Stop laughing already!" sabi niya at sinipa ang upuan ko.

"Oo na. I'm sorry kasi dude! Parang hindi talaga makatotohanan ang sinabi mo eh!"

"Whatever Yanoi." inagaw niya sakin ang drums sticks at nag drums siya sa lamesa.

"Anong ngang nangyare?"

(Sinabi niya sakin ang totoong pangyayare at yun naman ang nakapagpatawa sakin ng sobra! Grabe! Ang layo layo sa ginawa niyang storya kanina! Epic!)

"Hahahhahahahahahahaha" ako. I can't stop laughing.

"Stop it already Arnold!" siya. Pinilit ko namang tinigil ang malakas kong tawa kasi naiinis na tong lalakeng to sakin.

"So ano nang gagawin mo ngayon? and why did you tell her she needed to tae responsibility? That's so gay dude"

"I know, pero since nasabi ko na, I can't take it back"

"Psh. Parang gusto mo naman eh" pangiinis ko sa kanya

"A-anong gusto?! Sa aming dalawa, hindi ako ang nanghalik!"

"Base sa story mo, mukhang hindi niya sinadya yung paghalik sa'yo pre eh!"

"A-anong hindi s-sinadya?! SINADYA NYA YUN!"

"At bakit mo naman nasabi yan?"

"Simple lang..." and then he leanedon his chair. " Dahil may gusto si Nika Dizon sa'kin" proud niyang sabi. (=____=) Kaibigan ko ba talaga to?

"Dude, it's obvious that you like Nika. Wag mo nang ideny kasi"

"Sabi nang wala nga akong gusto sa kanya eh!"

"Okay, okay. To test that out please answer my questions honestly" ako. Hihi. May itatanong ako sa kanyang test kung may gusto siya kay Nika.

"Ano ba yan? Some kind of test or something?"

"Congrats dude! You actually get it!"

"Gusto mo bang mabugbog dude??" naiinis na sabi niya sakin. 

"Chillax. chill. Okay, so the first question is.... Palagi mo bang naiisip si Nika?"

Phillip's POV

"Palagi mo bang naiisip si NIka?" Nung narinig ko yun... Napaisip ako, kanina naisip ko siya, pati kahapon, at nung isang araw, at yung nakaraang araw bago yung isang araw, at yung araw bago--- 

"Araw-araw?"

"Araw-araw?? Woah! dude..." si Arnold. Shit. Did I just say that outloud?

"Okay, next question... Napapasmle kaba pag iniisip mo siya?"

"S-siguro..." nagaalinglangan kong sagot.

"Psh. Bakit ko pa ba yun tinanong eh kanina pa nga lang para kang baliw na tumatawa mag-isa diyan" siya. Aba't... Hanep! Sariling tanong, sariling sagot. (=___=)

"Orayt, orayt, orayt.... next question. Nagseselos kaba kung may ibang klalakeng tumitingin sa kanya?"

"H-hindi noh!" I lied right there.

"Since, alam ko namang nagsinungaling ka ngayon, next question nalang tayo.... gusto mo bang maging close ka sa kanya?"

Hindi ako sumagot sa kanya. "Dude! Gusto mo bang maging close sa kanya?" siya. Tinignan ko lang siya ng nakasimangot.

"Hoy Dude! Hoy! Bakit hindi ka na sumasagot diyan?" siya. Nagwave siya ng kamay sa harap ng mukha ko at nag snap.

"Nagmumukha naman akong tanga dito dude oh!"

"Eh bakit ka pa nagtatanong kung ikaw lang naman din ang sumasagot!!!" Naiinis kong singhal sa kanya. 

"Oo na! Oo na! Edi sorry! Chill ka lang dude." sabi niya at nag peace sign sakin. 

(+___+")

"So ano na nga? Gusto mo bang maging close sa kanya?" tanong niya ulit.

"H-hindi ko alam" ako.

"Anong hindi mo alam?? Eh, bakit mo siya gustong mag take responsibility sa paghal-- Dude! Ang sakit nun ha!" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at binatukan siya.

"Kausapin mo nalang kaya ang sarili mo sa salamin?? Gagu!"

"Last question!" siya. Seryoso siyang tumingin sakin. "Do you want her to love you?"

"I don't know" ako.

"You don't know?" siya

"Hindi ko pa alam ang sagot bro... Hindi ko pa alam." ako.

"Well, based on your answers dude, May gusto ka nga sa kanya." siya. Ang gago nito, eh siya lang nga ang sumasagot sa tanong niya! (+__+")

Pero may gusto ba talaga ako sa kanya?

"Ako may gusto dun?" ako. "Psh! Nagkakamali ka lang bro... Dahil i'm sure siya ang patay na patay sakin! Eh sa gwapo kong to?? Lahat may gusto sakin!" nakatayo ako habang sinasabi to. Proud ako no! Totoo namang may gusto ang lahat sa akin... Ang charming ko kaya!

Nakita ko siyang napa tampal sa ulo niya at ilang beses napailing.



[A/N: Hello goise! masyado bang maikli ang update ko ngayon? Ayy, sorry naman. May buhay rin naman si author at ang dami ko pang assignments na dapat gawin. Sorry talaga. At may nagreklamo rin kasi sakin na masyado daw mataas ang mga chapters... Kaya gagawin ko nalang under 2000 words every chapter ng story na to. Yun lang po. Remember to stay awesome and God bless you! (^_____^) Also, dont forget to favorite and comment dahil nakakainspire kasi ang bawat isang like niyo eh! Yun lang po byebye!]

We Sound Good Together [#Watty's 2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon