11th Beat part2[Stalker's Boss]

55 3 1
                                    

Nika's POV

(O_____O) is this really is it, is it?
Panlalamig ng katawan.. Check

Pagtaas ng balbon sa batok...check

Multong may malamig na kamay... C-check.

(T_____T)

"Is this yours?"

(O__O) huh? Hinarap ko siya. Nyemas namang sakit ng batok ko oo. Tsk.

Pagkaharap ko sa kanya... Di ko makita ang mukha. Ang dilim dilim ng paligid. Anubayan-- biglang bumukas ang ikaw at woah! Ang gwapo!

Kaharap ko ang isang gwapong nilalang na nakahawak ang isang kamay sa switch ng poste

"Is this yours? This towel?" Tanong niya. Napatingin naman ako dun sa hawak niya. (O_____O) (>___<)

Lamunin na ako ng lupa please! Lamunin na ako ng lupa!

Hawak niya ang towel ko ng patip- toe ang kamay. Panu ba naman, yun ang towel na gamit ko ngayon. Ang towel na basa ng pawis! (>_<)

"S-salamat" mahina kong usal.

"Why are you always looking up?"
Englishero...
Nakakahiya namang sabihin ko na masakit ang batok ko, Baka mag-abala pa- feelingera mo Nika!

"Uhm... I-idol ko kasi si Rhyzza Mae. a hehehe..." Nu ba tong pinagsasabi ko. Wengya. Panindigan mo Nika! "Charap charap charap charap mag chacha--"

"Pfft... Hahaha. You're funny" siya. Futek ang fogi!

Habang tumatawa pa siya, mabilis kong hinablot ang towel ko.

"Ah. Sige, thank you ulet" ako. Tyaka umalis na ako habang nakatingala parin sa taas. Pasimple kong sininghot ang towel kong basa.
.
.
Pwe! Pwe! Ano bang ginamit kong tubig panligo kanina? Kanal?? (>___<") agad kong inilayo ang towel kong basa ng pawis. Yucks.

"Wait!" Napatigil ako sa paglalakad ng hinawakan ako sa balikat netong lalakeng to.

"A-aray!" Hindi ko na napigilang mapa-aray kasi napayuko ako nung hinila niya ang braso ko. (T__T) aray...

"S-sorry. I'm so sorry for being careless. Jeez"siya.

" huhuhu... Aray talaga. Gusto ko nang itigil ang sakit na to" literal na naluluha na ako kasi ang sakit na talaga. Feeling ko mababalian na ako ng batok. (T__T)

"I'm sorry again... Here, let me help you"

"A-anong ginagawa mo?" Hinawakan ng mga kamay niya ang ulo ko. (O___O) h-hindi kaya... Tutuluyan na niya ako kasi sinabi ko kanknang ayaw ko nang maramdaman ang sakit sa batok ko?!! Waaa! "H-hoy! Anong ginagawa mo sakin?! Wag mong kitilin ang buhay ko hoy!"

"My dad is a doctor. I know these kind of stuff."

"Ano ngang gagawin mo?" Ako. Jusme! Kinakabahan ako. Pano nalang kung doktor pala ng mga hayop ang papa ng isang to??

"Eh a-ano namang klaseng doktor ang dad mo?"

"Doctor ng mga airplaines."

"ANO??!" (O__O)!!!

"Relax.. This will just hurt a little" pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin yun, nakaramdam ako ng-

"AAAAAAaaaah- aray!!! Aray! Sadista ka- aaah!" (>o<) kamatayan na ba to? Tsaka saan na napadpad si 'will just hurt a little' niya?! "Aray!!!" Huhuhu.

"And last one..." Siya tsaka pa niya inulit ang biglaang paghila ng ulo ko pa sidewards...

"ARAAAAAY!!!"

"Done. Hay... Are you feeling much better now?" tanong niya.

"Anong feeling much better?! Eh kung ikaw kaya ang hilahilaan ko ng buto sa batok! Tignan lang natin kung 'much better' ang mararamdaman mo!" (+o+)

"Hahaha. I guess you're feeling much better now" siya na naka smile. Aba't ang tigas nitong taong to eh-- teka, teka...
Bakit Hindi na masakit ang batok ko? Tsaka, bakit Hindi na ako naka look up?

(O__O) oh my gulay (>___<)!! Kahit kailan talaga Nika nakakahiya ka talaga!!

"Ahehehehe-" hinay hinay kong inangat ang paningin ko sa kanya. "Oo nga... I'm feeling much better now na nga."
Nakakahiya talaga!

"No, it's alright. I'm exactly the same when my father did that to me before. Hahahaha" tawa niya. Ang bait niyang tao ah.

"Hehehehe" tawa ko nalang din kahit hindi ko malakalap si joke.

"By the way, the name's Simon" nilahad niya ang kamay niya sakin, syempre nakipagshake hands ako sa kanya.

"Nika. Nika Blaze Dizon" pakilala ko.

"Nice meeting you Blaze"

Uhm...ang awkward ng situation kasi more than ten seconds na siguro ang shake hands namin dito.

Totoy's POV

Ang katikati na ng likod ko dito ngayon... Juice ko bossing, bakit ako pa ang pinagawa mo nito?? (T____T)

"Hey boobies! What's happening now?!!" Inilayo ko naman ang cellphone ko sa tenga ko. Ang lakas ng sigaw ni bossing.. (>,<)

"Aaaaaah!!!! Ang sakit!" Sa background yun na sigaw ni ms. Nika.

"ANO YUN??!!!?" agad ko namang nilayo ang cellphone sa tenga ko... As in malayong malayo talaga. Ang lakas talaga ng sigaw netong bossing namin oo.

"S-sigaw yun bossing-"

"Hindi ako bobo! Alam kong sigaw yun! Sigaw nino?!" Siya.

"Sigaw ni [aaaang sakiiit!!] Ms. Nika boss-- h-hello boss? Bossing hello?" Biglang walang sumasagot sa kabilang linya.

Kung nagtataka kayo kung bakit boobies ang tawag sakin ni bossing, ang 'totoy' kasi, hinarap daw yun ng babae sa Cebuano. Kaya 'totoy'--'boobies'

Phillip's POV

Pagkasabi na pagkasabi ng boobies na yun na kay Nika ang tiling yun.. Hindi na ako nag dalawang isip at direcho akong lumabas ng bahay at sumakay sa motor ko...

Babalian ko talaga ng katawan ang lalakeng yun!!!

Pinaandar ko ng pagkabilisbilis etong motor ko.

Sht. Baka kung ano nang nangyari kay Nika. (+____+)

Pinapalipad ko na tong motor ko... Kailangan makapunta na ako fun ngayon.

"Hoy! Sa iyo ba ang kalsadang to?!!" Narinig kong sigaw sakin nung isang nagmamaneho.

Wala na akong pakialam basta kailangan kong mapuntahan si Nika.

*peeeepeeeep!!*

(O_____O) brake!!!

Sht.

*Peeeepeeeep!!!*

~~~~~~~~~~~~~

Author: BITIN!!!!!! PASENSYA NA!!!!! ANO NANG MANGYAYARI KAY PHILLIP!!!!!??

don't forget to hit the ⭐button.

We Sound Good Together [#Watty's 2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon