10th Beat (Enchanted Kingdom)

104 4 1
                                    

dedicated to my classmate- Angela Marie :)

Nika's POV

After 40 minutes of travel, nandito na kami ni Phillip sa labas ng Enchanted Kingdom. Nakatayo lang kami sa harap ng gate ng enchanted kingdom nakatingin sa statue ng wizard na parang mga tanga.

Nang maramdaman ko nang para talaga kaming may diperensiya sa utak dito, nilingon ko si Phillip. Nakita ko siyang nakangiti ng geniune smile habang nakatitig sa wizard statue. Hindi katulad ng signature mokong-smile niya, iba to. Hindi ko namalayang habang nakatitig ako sa kanya, napangiti narin ako.

Nawala bigla ang ngiti ko nang mapalitan ang genuine-smile niya ng smirk.

"Ang gwapo ko noh?" siya. Kupal talaga! Nag-iwas ako ng tingin.

"Feeler!" sabi ko tsaka naglakad papuntang entrance gate. Sumunod naman siya ng lakad sakin. Nagbayad siya dun sa cashier. Unlimited rides. Yehey! (^__^)/

Pinapasok na kami sa loob. Narinig ko yung cashier at yung isang babaeng kasama niyang parang mahihimatay na sa kilig. (=__=)

"Eeeh, eng gwepo gwepo ne kuye" "Ee, nge. ahehehehe"

Napangiwi naman ako. Yucks, ang kikire! Pwe! Nagsabay na kaming maglakad.

"Saan mo gustong sumakay?" siya. Wow, ang raming rides. Ang hirap tuloy pumili. Ay oo, may narinig pala akong sikat na ride dito...

"Ayun! Yung Space Shuttle!" excited kong sagot at naglakad ng mabilis para makapunta dun at ganun din si Phillip. Pero nang makalapit na kami dun, ang taas ng pila! Nawal tuloy ang excitement ko. (-_-)

"Oh? Bakit parang maiiyak ka na diyan?" tanong niya sakin. Napatingin naman ako sa kanya. Hindi nya ba nakikita kung gano kataas ang pila diyan??

"Ang taas ng pila oh." ako. Hindi pa naman ako pasensyosa pagdating sa mga ganitong masasayang bagay.

"Sus. Halika nga" sabi niya tsaka ako tinulak papunta dun derecho sa first line na papasok sa next na mag-rride. So basically, hindi na kami pipila pa dun sa maraming tao at dederecho na kami sa space shuttle.

"T-teka lang, hindi na tayo pipila?" tanong ko sa kanya.

"Bakit? Gusto mo pa bang pumila dun?"siya.

"Syempre hindi!" ako. Ang sama ko ba? Well, sorry naman eh excited na ako eh? Alam kong cheating to pero the heck! Gusto ko nang mag enjoy! (^____^)/ Hihi.

"Tara na!!" Sabay naming sigaw.Nagmadali kaming umupo dun.

"Waaaaaaaaaaaaahhh!!" "Waaaaaaaaaaahhhh!!" Mga tili lang ng tao ang naririnig ko ng bumilis na ang takbo.

"Itaas mo ang kamay mo!" sigaw ni Phillip sakin. Nasa first seat kami ng rollercoaster nao kaya mas ramdam ang thrill! Natatakot akong itaas ang kamay ko. Hinawakan ko lang yung seat ko, nakakatakot kaya!

"Itaas mo ang kamay mo! Mas masaya!!" sigaw niya. Mukha ngang masaya siyang tignan pero nakakatakot.

"Natatakot ako!! Waaaah!!" Ang bilis na ng takbo nito.

"Wag kang matakot! Nandito lang ako!" Sigaw na naman niya at Hinawakan ang kanang kamay ko pataas.

"Waaaaaaahhhh!!!" Tinaas ko na rin ang kaliwang kamay ko kaya pareho na kaming nagtaas ng kamay ngayon. Mas masaya nga! Para akong lumilipad! For some reason, nakaramdam ako ng secureness nang hinawakan niya ang kamay ko. Ewan ba.

Naramdaman kong nawala yung hair tie ko kaya pati yung buhok ko dinadala ng hangin.

"Waaaaaaaaahhhh!" "hahahahahawaaaaaah!" Tawanan at hiyawan lang ang naririnig ko.

We Sound Good Together [#Watty's 2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon