Nika's POV
"Hindi pa ba dumating si Phillip?" Narinig kong tanong ni Ashley, yung president ng music club.
"Hindi pa nga eh. Siguro na traffic pa yun." Sagot naman ni Jeff.
Nandito kami ngayon sa pagkalaki-laking amphitheatre ng CIS para sa Voices Of the Campuses. Ang garang tignan ng lugar at tanging mga spotlights lang ang nagbibigay ng liwanag dito.
Kahapon pa ako nakasali sa club na to pero lahat na ng members ay naging kaibigan ko na. Mababait kasi silang lahat. (^___^)
Napatingin ako sa relos ko. 5:30 p.m.
(>___<) saan na ba yung gungung na yun? Isang oras nalang, magsisimula na. Kailangan siya ngayon para sa initial rehearsal.
Ay nyemas, naiihi ako.
"Bella! Magc-cr muna ako ah?"
"Sige bakla basta bilisan mo ah! Kailangan pa tayo ngayon"
"Oo, oo."
Nagmadali akong tumakbo papuntang cr at dumirecho sa isa sa mga cubicles doon.
'Haaaaay..' Buti naman ay naabutan ko pa, ramdam ko na kasi kanina na mago-overflow na si ihi eh.
Ifin-lush ko ang ihi ko at lumabas na ng cubicle.
(O___O)
'Nagbalik na pala to?'
"So... Sumali ka pala sa music club?" Nakatayo sa harap ko ngayon si Topak este Topaz na nakataas ang isang kilay. In fairness, ang sarap shavin ng kilay niya ah.
"Oo" plain kong sabi at nilampasan lang siya.
"Don't walk out on me bitch!" Hinila niya ang braso ko. Leche to, angsabi ko pa naman kay Bella, hindi ako magtatagal. "You bitch. Alam kong sumali ka lang sa club kasi nandun si Phillip!"
Eh?? Ano daw?
"Pinagsasabi mo diyan? Bitawan mo nga ako, wala akong pakialam dun sa idol mo no! Lul!" Kinuha ko ang brasoko sa mahigpit niyang kapit.
Aray ha! Namula yung braso ko. Pinang-gigilan ako nitong topakin talagang to eh.
"You don't belong here and you know that. Tapos papasok ka pa sa club namin? Outcast! You don't even have a tiny chance of getting Phillip's heart"
Bobitang to nasobrahan na yata to sa kaengotan nung unggoy na yun eh. Tsk. Tsk.
"Ewan ko sayo. Wala naman akong kinalaman dyan sa Phillip mo. I-super glue mo pa yang mga ulo nyo (mga ulo nyong ulol) hindi ako makikialam."
Tatalikiran ko na sana ulit siya pero hinigit nya ang buhok ko at hinarap ulitsa kanya.
"How dare you! Ang feeler mo rin eh noh? Hampas lupa ka lang, don't talk to me that way kasi in one snap of a finger, pwede kitang itapon sa basurahan." Nanlilisik pa ang mga mata niya. Agad ko namang tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko.
BINABASA MO ANG
We Sound Good Together [#Watty's 2015]
RomanceWarning: May posibilidad na maadik ang mga readers sa storyang ito. Kung nakakaramdam kayo ng pagkakilig, biglang pagtawa magisa habang nagbabasa neto(na parang baliw), sinusumpa ang mga walang hiyang characters sa storya... Dapat mag-alala dahil m...