4th Beat (take responsibility)

137 2 0
                                    

Nika's POV

@"Nika!" tawag skain ni Amber mula sa closet niya, nandito kami ngayon sa kwarto niya. Hinihintay ko siyang matapos para makapunta na kami sa school. "Nakita mo ba yung couple shirt namin ni Jericho my labs?"

"huh? San mo ba nilagay yun?" ako.

"Eh, kasi dito lang yun eh. May date pa naman kami mamaya." mga taong to, lagi nalang nagdedate!

"Amber, napapansin ko lang. Bakit ba date kayo ng date ni jericho huh?"

"Ganun kasi talaga yun pag kasing ganda ko ang girlfriend, laging inaaya magdate. yun, yun eh!"

"Mukha mo! Bilisan mo na nga lang diyan"

After 20 mins. natapos nadin siyang mag ready.

~~~~~~~~~~Carlington International Academy~~~~~~~~

Nang makarating na kami sa school, pinagtitinginan kami ng mga tao.

Siniko ako ni Amber "Besh, tignan mo sila oh" bulong niya sakin.

"Huh?"

"Nakatingin sila sa'yo oh! Nagandahan yata sa bestfriend ko" pround na sabi ni Amber

"Psh. Wag mo nga akong gawing assuming." 

"Hindi talaga eh! Tignan mo sila oh, tutok na tutok sa'yo!"

Tinignan ko naman yung mga varsity na tinuturo ni Amber. Pero, wala naman ah! 

"Psh, lukaluka ka talaga Amber."

"Ano?! Hindi noh, maniwala ka! Umiwas lang sila ng tingin nung nilingon mo sila."

"Ewan ko sayo. Punta na ako sa classroom namin. Bye!" ako.

"Ayaw mong maniwala sakin eh. Sige, bye na nga lang!" siya.

Nararamdaman ko nga ang mga mata ng taong tumitingin sa akin habang naglalakad ako sa hallway papuntang classroom.

"Masyadong paangat, if I know she's just a pulubi." narinig ko mula sa mga babaeng nasa di kalayuan. Seriously? inaano ko ba talaga sila?

Hay naku Nika! Wag mo nalang silang pansinin, lakad ka lang, lakad lang. Dito ako dumaan sa inaayos na staircase dahil walang ibang estudyante ang dumadaan dito, masyado kasing maalikabok. Naglalakad ako ng maayos nang...

"Oooopss!" biglang may bumangga sakin! Dahil dun, nahulog ako sa hagdanan! Buti nalang at hindi pa ako masyadong nakaakyat sa mas mataas na stair.

 "Ayy, sorrrrry" dagdag pang sabi nung nakabangga sakin with matching plastic worried face pa! "Haharang harang ka kasi eh!" may pahabol pa talaga! Sinamaan ko siya ng tingin. (+____+) Hindi niya talaga ako tinulungan man lang noh?

Kagagaling lang nga lang ng pwet ko nung nahulugan ako ng Phillip Chiu na yun, ngayon naman, mukhang magkakaroon na naman ako ng bagong pwet injury neto! Pisting babae! Ganito ba talaga ang mga estudyante nila dito? (+___+")

Tatalikuran na sana niya ako pero pinilit kong tumayo at tinawag siya. "Hoy!" ako. Lumingon naman siya. "Bakit ka ba biglabigla nalang nangbabangga ha?" 

Hinarap niya ako ng maayos at tinaasan ng isang kilay "Because you're too discusting"siya. Aba't! Grabe tong isang to ah!

"Wow. Sa ating dalawa, obvious naman na mas nakakadiri yang ugali mo noh. Ang neat mo sanang tignan, sana ganyan rin ka-neat yang paguugali mo." ako.

Nag roll eyes lang siya sakin at biglang lumingon dun sa students na papadaan sa amin. Nagulat naman ako nang bigla akong nilapitan nung babaeng maldita tapos parang magic na umamo ang mukha neto! 

We Sound Good Together [#Watty's 2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon