Pang pito ako sa walong magkakapatid. Lahat ng nakakatanda kong kapatid ay mga lalaki. Literal na malaki ang aming pamilya dahil bigatin kaming lahat. Ultimo sila Mommy at Daddy ay mga bigatin rin. Marami raming taon bago ako nasundan kaya naman bilang bunso at nag iisang babae for a very long period of time ay naging sunod talaga ako sa layaw.
Cool at chillax lang rin ang aking mga kuya. Hindi sila gaanong mahigpit kaya naman hindi lamang ang aking kabataan ang masaya kundi hanggang ako ay magdalaga. Siguro ay dahil they treat me as one of the boys. Madalas din nilang sabihin na walang magkakamali sa akin dahil bukod sa mataba ako, hindi rin ako kagandahan.
"Ano bang inaalala ninyo.. braso pa lang e matatakot na ang lalaki dyan." Madalas na biro ni kuya Kiko.
"Oo nga. Paglaki niyan e isasali ko yan sa rowing team." Dagdag pa ni kuya Balong.
Pero doon sila nagkakamali. Hindi nila inaakalang ang nilait lait nila ay magiging kamandang sa opposite sex. Bata pa lamang ako ay may kakaibang hilig na ako sa opposite sex. Hindi man nararapat ay naranasan ko na ang bagay na hindi dapat nararanasan ng isang batang babae. Mas lalo pa ng ako'y nagdalaga na. Hindi ako kontento sa isang relasyon. Bored ako sa isang relasyon kung nag iisa lang siya sa buhay ko. Weird, i know pero ganun ako. Parang dugo't gawin ng isang tipikal na lalaki ang dumadaloy sa akin.
Una akong nagka nobyo no'ng 9 years old pa lamang ako. Si Joseph, isang batang walang malay sa kalapit naming bahay ang una kong naging biktima. Mabait si Joseph pero boring kaya naman hindi kami nagtagal.
"Bakit ayaw mo na sa akin?" Tanong niya.
"Wala lang. Gusto ko lang." Sagot ko.
"Ano bang nagawa ko?" Tanong niya.
"'Yon nga eh.. wala, so boring.." sa isip isip ko.
"Basta Joseph ayoko na." Sabi ko sabay lakad palayo.
Bago pa kami matapos ni Joseph ay nakilala ko sa school si Ivan. Mas winner ang dating ni Ivan kaysa kay Joseph. Iyon nga lang e may pagkapasaway si Ivan kaya naman hindi rin kami nagtagal. Hindi nga officially naging kami. Bata pa lang ako e meron na akong MU relationship.
Matapos si Ivan ay hindi rin nakaligtas sa akin si Miko. Si Miko ay varsity player pero napakamalumanay. Marami ngang nagsasabi na malamang daw ay bakla siya pero AKO ang nagpapatunay na hindi. Niyaya ko siyang gawin ang isang bagay na hindi papayag ang isang bakla pero pumayag siya..
"Baka naman pagkatapos nito ay kalimutan mo na ako Anne.." sabi ni Miko.
"Ano? Weird mo ha." Sabi ko.
Natawa na lamang ako dahil para ba siya ang babaeng nayurakan ng dangal at hindi na makakaharap sa lalaking mapapangasawa niya dahil hindi virgin.
"Natawa na lang talaga ako bes no'ng sinabi niya 'yon." Kwento ko sa aking matalik na kaibigan na si Bea.
"Nakakatawa nga pero hindi nakakatuwa 'yong ginawa niyo Anne." Mataray na sagot nito.
Bes ang tawagan namin dahil naka diapers pa lamang kami ay magkaibigan na kaming dalawa kahit madalas nilang sabihin na 'Birds-of-the-same-feather-floak-together' hindi ito ang sitwasyon namin ni Bea. Iba siya sa akin, maganda, matalino at matino. Iyon ang matinding pagkakaiba namin. Matino sya, madalas niya akong pagsabihan na gawin ang tama pero hindi ko talaga magawa.
BINABASA MO ANG
Follow Your Heart [COMPLETED]
RomanceMay mga panahon na bago ang ating isip, puso muna natin ang dapat mas mangibabaw para magawa natin ang tama.