Isang araw habang mag isa akong kumakain sa cafeteria ay may narinig akong isang pamilyar na boses.
"Anne, may kasama ka?" Tanong ni Mr. Cruz.
Hindi ko alam kung ano ang naging look ko pero malamang may kunting nganga ang nangyari bago ako nakasagot.
"Ay wala po Sir." Taranta kong sagot.
"May I? Punuan na kasi e." Sabi niya.
"Ay naku sir, madali naman po akong kausap e. Ano po bang grade ang pag uusapan natin dito?" Pabiro kong sabi biglang bawi. "Joke lang Sir, sige po upo kayo."
"Sayang naman, sasagot pa sana ako e." Pangiting sabi ni Mr. Cruz.
"Sa wakas Sir ay tayo na." Pabiro kong sabi.
"Naku ikaw talaga Anne ha napakapilya mo." Natatawang sabi ni Mr. Cruz.
"Hay naku sir, kung alam mo lang..." Sambit ko sa aking isipan.
"Sir, matagal ka ng kasal?" Tanong ko.
"Uhm three years. I have two kids. Monica my eldest and Marcos my bunso." Sagot nito.
"Wow. Nagmamadali ka Sir? Sa three years po dalawa na? May balak po kayong sundan?" Tanong ko.
"Ay naku ayaw na ni Misis hanggang dalawa lang daw." Sagot niya.
Parang bumilis ang oras ng magkausap kami ni Mr. Cruz. Hindi namin namalayang next class na pala namin pareho.
"Salamat Anne ha. Nag enjoy ako sa mga kabaliwan mo. See you around." Pagpapaalam ni Mr. Cruz.
"This is it! I saw the sign. Next step, plan my move." Sabi ko sa aking sarili habang naglalakad papunta sa susunod kong class.
__
"Anne, iba ang ngiti natin ah?" Pabirong sabi ng isa kong kaklase.
"Syempre para maakit ang blessings. Smile lang." Sagot ko habang nakangiti parin.
Mas napadalas ang bonding moment namin ni Mr. Cruz. Sa tuwing bago ako matulog ay iniisip ko siya pero lagi kong idinidiin sa isip ko na mali. May asawa siya at proffessor ko pa pero sa tuwing makikita ko si Mr. Cruz ay para bang nasa live PBA game ako sa Araneta. Ang kabog ng dibdib ko ay gaya ng dagundong sa Araneta Collesium tuwing sisigaw ang fans ng defense.
For the first time, masasabi kong nainlove na ako kay Mr. Cruz..
BINABASA MO ANG
Follow Your Heart [COMPLETED]
RomanceMay mga panahon na bago ang ating isip, puso muna natin ang dapat mas mangibabaw para magawa natin ang tama.