Lumipas ang mga araw at unti-unti kong nawala sa aking sistema si Jude. Nagkita kami sa campus pero casual nalang ang aming batian. Paminsan-minsan ay magkatext kami o tatawag pa siya pero hindi ko siya sinasagot.
Sa mga panahong ito, ay unti-unti narin kaming naging malapit ni Chester. Mabait siya at matalino. Hindi man malakas ang apeal ay cute naman. Medyo bilugan si Chester tulad ko pero maputi siya.
Madalas narin niya akong hinahatid sa bahay pero madalas ay commute lang kami. Napapatawa niya ako at may sence siyang kausap. Nakalimutan ko si Jude pansamantala dahil sa kanya.
Hindi nagtagal, Chester asked me, "Anne, pwede ba kitang ligawan?"
Hindi ako nakasagot agad.
"Pero kung hindi ka pa ready, okay lang rin naman eh, sorry natanong ko lang naman." Mabilis na kabig ni Chester.
"Madaldal ka talaga," sabi ko.
"Ang dami mo ng sinabi pero I have to say no." Seryoso kong sagot.
"O-okay lang. I understand.." Malungkot na sabi ni Chester.
"I have to say no dahil ang ligawan para lang sa mga hindi pa magkakilala at gusto magplastikan bago pa nila makilala ang totoong kulay ng isa't-isa. Para lang 'yan sa mga tutang strangers. Hindi pa ba natin kilala ang isat'-isa Chester?" Sabi ko.
"Uhm kilala.." Litong sagot ni Chester.
"Kailangan pa ba natin magplastikan?" Tanong ko.
"Uhm hindi rin.." Sagot niya.
"Handa ka na bang maging girlfriend ng isang masukista, sadista pero hindi satanista na katulad ko?"
"I think so.. I think ready naman ako eh," medyo takot na tanong ni Chester.
"I think so?" Pabalik kong tanong.
"Ay mali sorry, kinakabahan ako eh, of course ready na ako." Sagot ni Chester.
"Eh ano pang hinihintay natin? Patatagalin pa ba natin 'to? Tayo na ba o hindi pa?" Tanong ko kay Chester.
"Tayo na?" Patanong niyang sagot.
"Tumpak!" Baliw kong sagot kay Chester.
"Yes! Yes! Ako na ang pinakamasayang lalaki ngayon Anne, ang swerte ko. Feeling ko tuloy ay ang gwapo ko haha" Natawa na lamang ako sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Follow Your Heart [COMPLETED]
RomanceMay mga panahon na bago ang ating isip, puso muna natin ang dapat mas mangibabaw para magawa natin ang tama.