Sa madalas kong paggawa ng paraan na makakwentuhan si Mr. Cruz ay napalapit na din siya sa akin.
"Sir, nahihirapan po talaga ako sa topic mo eh. Hindi po ba pwedeng pag-usapan na lang natin ang grade ko? Joke" pabiro kong sabi kay Mr. Cruz.
"Baliw ka talaga Anne. Ibibigay ko na lang sayo ang mobile number ko para kung may clarifications ka text or call me para matulungan kita." Sagot ni Mr. Cruz.
"Naku Sir, nakakahiya naman po pero kung ipipilit ninyo e wala po akong magagawa." Sagot ko.
"Hyper ka naman. Ito ang number ko at mahuhuli na ako sa next class. Ingat ka." Sabay alis niya ng classroom.
"Oh my siomai! I did it! Nagawa ko na! Ikaw talaga ang reyna ng damoves Anne, ikaw na!" Malakas kong sabi sa aking sarili.
Syempre nagpakipot muna ako. Hindi ako nagtext agad but i choose to misunderstand my homework kaya naman the following day..
"Anne," sambit ni Mr. Cruz ng magkita kami sa hallway.
"Ano ba naman yong homework mo, sablay. Sabi ko naman kasi mag text ka kung hindi mo kaya." Sabi ni Mr. Cruz.
"Nahihiya po kasi ako e." Pakipot kong sabi.
"Ay sus, hindi bagay sayo. We both know na wala kang hiya Anne kaya tumigil kana. Next time magtanong ka, ok? Sayang naman yong grades mo kung dahil lang sa hiya e babagsak ka. Hindi lahat ng student ay may ganitong advantage kaya kumilos ka. O sige una na ako ha. Ingat." Nagmamadaling sabi ni Mr. Cruz.
"Correct ka dyan Sir. Wala talaga silang ganitong advantage ako lang ang meron nito, ang maging close sa pinagpapantasyahang professor. Hello, sino ngayon ang lubos na pinagpala.." Bulong ko sa sarili ko.
Nag text ako kay Mr. Cruz ng isang beses.
He reply.
I texted him again.
And again
And again.
Hindi ko inisip na baka makahalata na ang asawa niya kapag nabasa ang messages ko. Masaya ako at yon ang mahalaga sa akin. Para bang lutang na lutang ako. Heaven ang feeling.. Ika nga.
Madalas na kaming magkasama ni Mr. Cruz sa cafeteria kasama ang iba ko pang kaklase kung hindi tungkol sa subject niya ay puro katatawanan ang pinag-uusapan namin.
"Guys, stop na tayo may class pa kasi ako. Bukas ulit," nagtayuan na kaming lahat para pumunta sa aming classroom.
"Anne, uwi ka ba kaagad?" Pabulong na tanong ni Mr. Cruz.
"Hindi naman po obligado Sir. Bakit po?" Patay malisya kong tanong.
"Birthday ko kasi e. Pwede mo ba akong samahan mag dinner?" Tanong nito.
"Sir, hindi po kayo magcecelebrate ni wifey?" Tanong ko.
"Wala sila ng mga bata e. Umuwi ng province. Kung pwede ka lang naman e." Sabi ni Mr. Cruz.
"Sir text po kita ha. Magpapaalam muna ako sa bahay." Pakipot kong sagot.
"Sige. Text, text." Sabay alis ni Mr. Cruz papunta ng kanyang next class.
"WHAT IS HAPPENING?! Speak up world! Waahh nababaliw na yata ako!" Sabi ng magulo at maingay kong isip.
Hindi ko naman talaga kasi kailangang magpaalam. Hindi ko alam ang dapat na gawin. Nataranta ako.
Imagine? Ang crush ko, niyaya ako mag dinner. Hindi makatotohanan, diba? Hindi nga lang crush eh, crush ng napakarami.
BINABASA MO ANG
Follow Your Heart [COMPLETED]
RomanceMay mga panahon na bago ang ating isip, puso muna natin ang dapat mas mangibabaw para magawa natin ang tama.