Chapter 2

191 27 5
                                    

Bago pa mag one year old si Irish ay pinulong kami nina Mommy at Daddy sa living room.

"Mga anak, may ipagtatapat kami sa inyo ni Daddy. We are hoping that with the brilliant minds you have, you will be matured enough to understand kung hindi naman like Anne here na pinakabata sa inyo." Sabi ni Mommy bago tumingin kay Daddy.

"Mga anak, nang lumayo sa atin ang Mommy ninyo may nagawa akong kasalanan, may nakilala akong babae sa isa sa mga naging biyahe ko. Nalasing ako noon at hindi ko napigilan ang mga sumunod na pangyayari dahil natatakot ako baka iwan na ako ng Mommy ninyo," pagpapatuloy ni Daddy.

"Ay naisipan kong magpanggap na binata, iniba ko rin ang pangalan ko at katauhan ko sa kanya, hindi nagtagal ay nagkaroon ng bunga ang isang gabing iyon..."

"Pero dahil na konsyensya ang Daddy ninyo, napilitan siyang aminin ang totoo niyang pagkatao. When the girl knew about it, nagparaya siya. But since mahirap lang din siya sa buhay ay naisipan ng Daddy ninyo na ioffer na kunin na lamang namin ang bata. Hindi naging madali para sa nanay pero pumayag siya. Pinakiusap niya lang na sana daw ay pagdating ng panahon at buhay pa siya, makilala niya ang anak niya. Kaya we have Irish in our family now."

"Mga anak, patawarin niyo ako. Alam kong hindi tama pero nangyari na ang hindi dapat mangyari kaya nga nag decide ako na gumawa ng tama para hindi na madagdagan pa ang kasalan ko. Sana mapatawad niyo ako..." Sambit ng Daddy.

Walang nakakibo pagkatapos ng mga narinig namin. Walang kumibo hanggang sa mag decide na lang sila Mommy at Daddy na bumalik na sa aming kwarto.












__











"Grabe naman pala niyang eksena sa inyo kahapon," sagot ni Bea pagkatapos kong ikwento ang mga nangyari.

"At si Tito, akala ko pa naman e siya 'yong ideal man pero it doesn't make him an evil person. I mean, pwede niyang ipalaglag iyong bata pero he did not at ngayong kapatid mo na si Irish officially, you just have accept the facts."

"Maggulo ka. Ang dami mong sinasabi. Walang pumapasok sa sistema ko." Matamlay kong sagot.



Pero ng lumaon ay natutunan ko na ring mahalin si Irish. Madalas ako nagmamadaling umuwi para makita siya at makalaro. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano namin siya kamahal na hindi na siya iba, na parte na siya ng aming malaking pamilya.

Masaya ang magkaroon ng kababatang kapatid. Hindi dahil meron na akong pwedeng ibully but because bukod ky Bea may iba na akong nakakabonding.

"Bilisan mo naman ang paglaki Irish para may kasama na akong gumala. Naku, tuturuan kita sa mga boys. Expert na si Ate dyan," Sabi ko kay Irish habang binibihisan siya.

Tawa lang siya ng tawa na para bang naiintindihan niya ang mga sinasabi ko.

"Ay kaso mas maganda ka kaysa kay Ate. Naku delikado, maaagawan mo yata ako eh." Pabiro kong sabi sa aking sarili.

Patuloy lang ako sa mga kapilyahan ko sa mga lalaki sa school.

Boylet dito.

Boyfriend doon.

Sideline dito.

Ang haba ng hair ko sa dami ng mga boys na naguyo ko.















Pagtung tong sa college ay level up na ng aking hilig.

First day pa lang ng klase ay laglag panga na ako sa aking math professor na si Mr. Cruz.

Matangkad si Mr. Cruz, matipuno at laging maganda ang tubo ng buhok, katamtaman lang ang kulay ng balat, lagi rin siyang humahalimuyak sa bango, matalino, magaling magturo si Mr. Cruz, may salamin siya at malalim na boses na nakakadagdag sa kaniyang sex appeal.






Complete package.






Isa lang ang sablay, may wedding ring.








--




"Sigurado ako bes. Maraming iba. Hindi lang ako ang nganga sa kanya." Kwento ko kay Bea.

"E ano namang catch?" Mataray na sagot nito.

"What do you mean?" Sagot ko.

"Naku bes, wag ka ng magkaila. Kilala kita. Hindi ka mababaliw sa isang lalaki kong walang excitement. So anong catch?" Tanong ulit ni Bea.

"Wala. Ano ka ba. Dapat ba laging may catch? Professor siya iyon lang 'yon." Pagsisinungaling ko.

"Hmm.. Sana nga Anne. Sana nga."

Alam kong hindi tama pero sa tuwing nakikita or maiisip ko si Mr. Cruz ay hindi ko mapigilang kiligin.

Follow Your Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon