Chapter 6

121 23 5
                                    

Tumagal ang tagong relasyon namin ni Jude. Hindi kasi pwedeng magkaroon ng relationship ang professor at student kaya naman kahit na hindi ko na siya professor ay patuloy parin naming tinago ang aming relasyon.

Alam na ni Bea ang tungkol sa amin ni Jude. "Siguraduhin mo lang na hiwalay na sila Bes ha." Ang tangi na sabi ni Bea.

Piling mga kaibigan ko lang sa school ang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Jude.

Isa na dito si Chester.

Close rin kami ni Chester. Minsan nga eh ay nagseselos si Jude sa kanya.

"Baka naman pinopormahan ka niyang Chester na yan ha." Minsang sabi niya on our way home.

"Adik ka ba? Magkaibigan lang kami. Abs pa lang oh, pagpapalit kita d'on." Pabiro kong sabi.

"Sige na, sige na, sabi mo eh. Bukas pala ay hindi kita maihahatid ha. May lakad kami ng mga college friends ko." Sabi ni Jude.

"Okay lang, basta ingat ka pauwi ha. Text me kapag nasa bahay ka na." Sabi ko.

"Opo, mommy.." Pabirong sagot nito.


Just like any relationship ay parang nananawa narin sa akin si Jude. Hindi na din kasi siya kasing dalas mag text o tumawag. Marami ring times na hindi na niya ako naihahatid sa bahay.



"May problema ba tayo?" Minsang tanong ko sa kanya.



"Ha? Bakit mo naman natanong 'yan?" Sagot ni Jude.



"I am not stupid Jude. Alam kong nagbago ka. May problema ba tayo?" Matapang kong sagot.

"Okay ganito kasi eh, nagkabalikan na kami ng asawa ko. Pabalik na sila ng mga bata sa bahay. Nalilito lang ako eh, alam ko na kapag nalaman mo, iiwan mo ako at hindi mo ito kakayanin Anne, kaso may obligasyon ako sa mag-ina ko eh," sabi ni Jude.




"Ibaba mo na ako." Sabi ko.




"Ha? Bakit?" Alalang sabi ni Jude.




"Basta ibaba mo na ako." Sabi ko.




"Anne, please don't make this hard for me as it is ay mahirap na nga. I hope you understand.."




Wala na akong nasabi sa kanya hanggang makarating kami sa bahay.




Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin. Bigla ko na lang nasabi,



"Wala na tayo! Ingat ka!" Sabay pasok ko sa loob ng bahay.




Ini-off ko ang phone ko. Ayaw ko muna siya marinig o makatext. Alam kong tama ang ginawa ko pero alam ko rin na labag sa kalooban ko. If i choose, ay pwedeng hindi kami magkahiwalay pero mali, maling-mali.



__







"Tama lang 'yang ginawa mo Bes. Im very proud of you!" Sabi ni Bea ng ikwento ko sa kanya ang mga nangyari.




"Hayaan mo nalang Bes. Marami pang-iba dyan. Ikaw pa. Si Anne ka, hindi ka mauubusan ng lalaki" hmp

Follow Your Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon