Last Chapter

93 5 1
                                    

Nangyari na nga ang pamamanhikan at ang civil wedding namin ni Chester. Umayos na ang lahat. Everything turned out as planed.

Nong manganak ako ay masayang masaya si Chester dahil kamukha niya ang aming baby boy or should I say baby boy namin ni Jude.

"Buti nalang at kamukha ng amang martir" pabulong na sabi ni Bea.

"Wag ka na nga dyan" sabi ko.

"Hoy Anne, umayos ayos ka ha. May ibang buhay ka nang dapat ding ayusin. Hindi mo kakayanin kung parehas lang magulo ang buhay nyo. Makuntento ka na sa isa" sermon ni Bea.

"Oo na" sabi ko.

Matapos ang ilang buwan ay nagyayang makipagkita si Jude.

"Gusto kong makita si baby boy" sabi nya.

Pumayag naman ako.
Naiwan nya sa table ang phone nang mag restroom sya.

May kung anong kati ang dumaloy sa kamay ko kaya naman kinuha ko ang phone at tinignan ang inbox.

Nanggagalit ako nang makita kung may tatlong numbers doon na kalandian nya. Yong isa ay pamilyar ang mga binitawan nyang mga salita.

Gusto kong makita nya na alam ko na ang kalokohan nya kaya naman hindi ko binitawan hanggang hindi sya nakakabalik.

"Oh bakit hawak mo yan?" Gulat nyang sabi.

"Magaling ka, artista ka pala noh. Sa tagal nating magkasama ngayon ko lang nalaman na tapos na tayo" sabi ko.

"Saglit lang, wala naman tong mga to eh" palusot nya.

"Ah so wala rin pala ako sayo kasi yong isa dyan markang marka ko yong mga words eh pamilyar parang ganun din yong mga linya mo sakin, hindi ba?" Sabi ko.

"Bahala ka kung anong gusto mong isipin" sabi nya.

"Hindi mo narin makikita ang anak mo" sabi ko.

"Sandali lang, eh hindi ko nga alam kung akin yan eh pano pala kung may iba pa bukod samin ni Chester" sabi ni Jude na sinundan ko ng sampal.

"Alam mo kung duwag ka lumayo ka nalang kasi hindi kita kailangan at Oo isipin mo nalang na hindi to sayo. Hinding hindi mo na sya makikita. Subukan mong manggulo Jude, pagsisisihan mo" sabay alis namin ng anak ko.

Hindi na muli kaming nagkita pagkatapos non. Nag text sya at tumawag pero hindi ko sinasagot. Nagpalit na din ako ng number para hindi na nya ako magambala pa.

Pumunta ako sa bahay ng aking lola. Upang makita si lola at makabisita narin. Doon ko narin nilabas ang aking sama ng loob kay Jude. Nakwento ko rin kay lola ang lahat lahat ng nangyari sa buhay ko, tungkol sa anak ko at kay Chester.



"Apo..." sabi ni lola na napabuntong hininga at ngumiti.



"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay isip ang tama. Kung isip lamang ni Chester ang kanyang pinairal ay matagal na dapat kayong naghiwalay Anne pero hindi siya bumitaw at marahil sa mga panahong sinasabi na ng kanyang isip na iwanan ka ay puso parin niya ang nangingibabaw. Ang pusong umaasa na isang araw mamumulat ka at maakay ka niya sa tamang daan" sabi ni lola.

Tama siya. Kung isip lamang ni Chester ang kanyang sinunod, iniwan na niya ako.




Mahal ko si Jude pero mahal ko rin si Chester at sa sobrang pagmamahal nya sa aming mag ina ay napunta ako sa tuwid na daan.





THE END

Follow Your Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon