Chapter 10

124 17 3
                                    

"I'm sorry. I'm really sorry Chester..." Sabi ko habang umiiyak sabay yakap kay Chester.

Pag-uwi ni Chester ay bumalik ako sa aking kwarto.

Doon ko nakita ang missed call ni Jude at dalawang text message.

Pareply na ako ng pumasok ang message ni Chester.

'Anne ko, rest now. See you tomorrow. I love you.'

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. I choose not to reply to both of them. I need to rest my mind. I need to rest.

______


Ang mga pangyayari ay umulit ng umulit. Mahuhuli ako ni Chester. Papatawarin. Mahuhuli ulit ako. Patatawarin ulit kaya naman isang gabi ay matapang ko ng sinabi kay Jude na maghiwalay na kami.

[ Bakit naman? ] Tanong niya.

[ Dahil sobrang nasasaktan ko na si Chester. Isa pa, hindi rin naman ako ang priority mo. I will never be, parehas tayong nahihirapan Jude, so tapusin na natin 'to. ] sabi ko.

[ No, babawi ako. I will make time for you. I know kulang na kulang na ako ng oras sa 'yo. I'm sorry please Anne, ] sagot niya.

[ Okay sige na. I need to sleep. Goodnight. ] sabi ko.

[ Goodnight. I love you.] Sabi ni Jude and I ended the call.



Hindi natapos ang kalokohan ko. Kalokohan namin ni Jude. Madalas na ako mahuli ni Chester at gumaling na siguro ako sa pagtatago.

Pero may isang dumating na pangyayari na sigurado akong hindi ko na maitatago.

Working na kami ni Chester no'ng mapansin kong ilang buwan na akong hindi dinadatnan ng aking monthly period. Normal 'yon sa akin being a iregular pero iba na ang kutob ko kaya naman nag pregnancy test ako.

Unang lumabas, POSITIVE.

Sumunod, POSITIVE ulit.

I had no choice. Kinailangan ko ng tulong ni Bea.




"BES, ANO NA NAMAN BA 'TO?! AKALA KO BA TAPOS NA KAYO? ANO 'TO?!" Nagtititiling sabi ni Bea.

"Bes, I'm sorry pero tulong ang kailangan ko ngayon hindi sermon. Sigurado akong kay Jude 'to dahil never namang nangyari sa amin ni Chester eh, alam mo 'yan" Sabi ko.

"HAY NAKU KA! KUNG AKO SI CHESTER, I WILL STRUGGLE YOU NOW HANGGANG LUMABAS 'YANG UTAK MO KUNG GAANO KALIIT O KUNG GAANO KARUMI 'YAN! OH SIGE! DAHIL BESTFRIEND KITA AT WALA NAMANG KINALAMAN 'YANG DINADALA MO SA KALOKOHAN MO, I WILL ACCOMPANY YOUR BABY" LITANYA NI BEA.



Nang makumpirma namin ni Bea na ang aking pagdadalang tao ay sinabihan ko kaagad si Jude.

"Wow! Really? Excited ako pero paano si Chester?" Tanong niya.

"Hindi lang si Chester, family ko rin. Patay tayo sa kanila pareho kapag nalaman nila," sabi ko.

"I'll talk to Chester later. He need to know" sana mapatawad nya ako.

Follow Your Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon