Ako talaga eh, ako talaga ang pinagpala kaso naguguluhan ako.
Hindi dapat eh. Wala akong mapagsabihan for consultation. Hindi pwede kay Bea kasi mabubuking niya na tama ang hinala niya at lagot ako.
"Isip-isip, Anne. This is it! Papalampasin ko pa ba? And nothing to worry, feeling mo naman eh type ka ni Mr. Cruz. Kalma lang. Dinner lang to, friendly dinner, 'yon lang," litanya ko sa aking sarili habang nag-iisa sa restroom.
"Ano ka ba. Dinner lang eh mababaliw ka na? Kausap mo na ang sarili mo oh, ayan oh, sa salamin. Ikaw rin ay gaga," pagpapatuloy ko.
"Okay sige, friendly dinner lang naman eh, walang malisya kay Sir kaso sa akin meron." Sabi ko.
Finally I texted Mr. Cruz before the end of my last class.
'Sir saan po ating tagpuan later?' Text ko.
He did reply.
'Carpark na lang. Salamat Anne. See you :)'
Nauna na si Mr. Cruz sa carpark.
"Kain tayo, Anne. Gutom na ako." Sabi niya.
"Sir, sorry ha. Dumaan pa po kasi ako ng library eh," sagot ko.
"Hindi rin po pala ako pwede magtagal, Sir. Dapat po ten pm nasa bahay na ako."
"Oo naman akong bahala sayo. Ihahatid kita." Sagot ni Mr. Cruz.
"Okay lang ba if i drink beer, Anne? Para makatulog na ako pagdating sa bahay?" Tanong nito.
"Opo naman, Sir. No problem." Sagot ko.
"Jude nalang. Nasa labas naman tayo ng campus eh, nakakahiya kapag may nakarinig sayo na Sir ang tawag mo sa akin." Sabi ni Mr. Cruz.
"Okay Sir, no problem. Birthday mo eh. Jude,it is." Sagot ko.
Sa saya ng aming kwentuhan ay hindi na namin napansin ang oras.
"Naku sorry Anne ha. Ihahatid na kita. Its late." Sabi ni Jude.
"Okay Sir, sige po. May class parin tayo bukas." Sagot ko.
Pagkatapos bayaran ni Jude ang aming bill ay umalis narin kami kaagad.
Hindi kami tumigil sa tawanan at kulitan hanggang sa mahawakan namin ang kamay ng isat-isa..
Hindi ko nagawang tanggalin ang kamay ko. Ganun din naman si Jude.
Pagkatapos n'on ay para bang naging automatik na ang lahat.
Tumabi kami sumandali sa isang lugar na malapit sa aming bahay,
At doon naganap ang hindi dapat mangyari.
BINABASA MO ANG
Follow Your Heart [COMPLETED]
Roman d'amourMay mga panahon na bago ang ating isip, puso muna natin ang dapat mas mangibabaw para magawa natin ang tama.