Chapter 8

117 23 5
                                    

Bigla kong naalala si Jude. Sana nga ay tama si Chester na siya ang pinakaswerteng lalaki sa mundo. Sana nga ay maging masaya kami and I will be broken kung masasaktan ko siya.



Ang totoo ay may malaking part ng aking sarili na nagsasabing sinungaling ako dahil alam kong si Jude parin ang gusto ko. Kung babalik siya sa akin ay baka pumayag akong maging kami ulit.



"Naku bes, ngayon lang 'yan. In time ay makakalimutan mo rin si professor at mamahalin mo rin ng lubos si Chester." Sabi ni Bea.



"Sana nga bes. Sana ganun lang kadali.." Sabi ko.



Isang sabado, tumunog ang message alert tone ko.




Si Jude.



'Hi Anne. Nabalitaan ko ha kayo na pala ni Chester. Sabi ko sayo eh, gusto ka niya.'



I replied to him.


'Yes kami na, kumusta naman kayo?'



'Ayos lang, normal lang. Uhm busy ka ba?' Tanong ni Jude.



'Hindi naman, why?' Sagot ko.



'Pwede ba tayong magkita? Meryenda maybe, kung okay lang with you and Chester of course.'



Hindi ako nagreply agad. I had to think before replying dahil baka magkamali ako ng masabi. Gusto kong sabihin kay Chester pero ayaw ko siyang magalit.



'Okay. Saan tayo magkikita?' Sagot ko.



'Sunduin na lang kita para hindi ka na mahirapan' sagot ni Jude.



'Sige pero sa kanto lang ha not sa house kasi baka may ibang makakita. See you.' Sagot ko.



'See you too Anne :)'




May pananabik akong naramdaman. Alam kong mali tulad ng dati pero may humahatak sa akin para gawin ang alam kong hindi tama.




Nang magkita kami ay humalik sa akin si Jude.




"I miss you Anne," sabi nito.




"Alis na tayo please baka may iba pang makakita eh," sagot ko.




Pumunta kami sa isang lugar na madalas naming kainan noong kami pa.




"Nagresign na ako. I'm still looking for a better job. Kahit na ano basta okay 'yong bayad." Kwento ni Jude.




Eventually ay napunta sa usapan tungkol sa aming dalawa.




"Anne, i know this is crazy but I really miss you. Is their no chance na----" bago pa niya matuloy ay napalagok na ako ng wine.




"Kalma lang Jude. Heto na naman tayo eh," sagot ko.




"Did you miss me?" Tanong niya pero hindi ako nakasagot.




"Anne, alam natin ang katotohanan. You have Chester, I have my wife, pero hindi tayo kompleto na wala ang isat-isa." Sabi ni Jude.




Hindi ko magawang humindi dahil totoo ang sinabi niya.




"What do you want know?! Magbreak kami ni Chester?" Sagot ko.




"No, hindi naman kailangan na ganun eh, if you can't afford to leave him, fine! But I want you back and he does not need to know." Sabi ni Jude.





Maganda ang offer, offer na hindi ko natanggihan.. That night ay may nangyari na naman sa amin ni Jude at mas napapadalas ang ganung pangyayari pero bukod kay Bea kailangan ko na ring itago kay Chester ang katotohanan sa amin ni Jude. Kailangan kong mag-ingat. Hindi pwedeng may ibang makakaalam na nagkabalikan na kami ni Jude.

Follow Your Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon