Chapter 4

1K 17 0
                                    

*fast forward ulit*

Summer na naman. Kaya as a reward for Julie and Maqui's achievement as Dean's Listers, binigyan sila ng gift ng kanilang parents - a trip to Europe for the whole summer, all expenses paid! - kaya super happy sila and excited kasi first time nilang mag-out of the country on their own.

Julie: (calls Maqui) Hello, Maq?

Maqui: Hi, Juls. What's up?

Julie: Wala lang, ano? Ready ka na for Europe this weekend? Got my ticket na. Ikaw?

Maqui: Yeah, kakagaling ko sa ticketing office and I got it na.

Julie: Yey! Excited na'ko.

Maqui: Ako rin, Juls. Haha! Oh sige, uwi na'ko para makapag-impake. Excited lang. Haha! Bye!

Julie: Sure, ingat! Bye.

-end of phone conversation-

After mag-usap ng mag-bestfriends, agad nag-impake si Julie para sa kanilang trip to Europe. Halos maubos nyang iligpit ang kanyang mga damit sa closet. After mag-impake, bumaba na si Julie para mag-dinner.

Julie: Ma, Pa. Thanks po ah. (smile)

Marivic: Para saan, 'nak?

Julie: Sa regalo nyo po.

Jonathan: Ah, alin? Yung trip to Europe?

Julie: Opo, Pa.

Jonathan: Sus! Wala yun anak, you deserve it naman eh. Kaya ikaw, Julian, umayos ka ha? Haha!

Julian: Papa naman eh, ako na naman po nakita nyo. (kamot ulo)

Julie: Haha! Kasi, inuuna pa yang paglalaro ng basketball kesa mag-aral eh. (belat)

Julian: Ate naman, isa ka pa eh. Pasado naman lahat ng exams ko kahit papano noh.

Marivic: Oh, tama na yan. Baka mag-away pa kayo eh. Kumain na lang nga tayo.

After makakain, umakyat na si Julie sa kanyang kwarto, nag-toothbrush at natulog ng maaga.

Kinabukasan - 10AM..

Julian: (pasok sa kwarto ni Julie) Ate Julie! (ginigising) Ateee! Gising na. Dali na..

Julie: (nakasimangot) Hmm.. Anong oras na ba? Aga-aga pa eh.

Julian: Aga-aga? Eh Alas-dyis na kaya oh. (turo sa alarm clock)

Julie: (napadilat) Ano? Seryoso ka?! (tingin sa clock) Hala! Napasarap ata tulog ko. Teka lang, ba't mo nga pala ako ginigising?

Julian: Eh kasi po, magsa-shopping daw tayo at kakain sa labas sabi nila Papa. Kaya tara na..

Julie: Ha? Ba't ngayon mo lang sinabi? Oh sige na, maliligo na ako. Bumaba ka na tapos sabihin mo kina Mama na susunod na'ko. (tumayo na at pumasok sa banyo)

Julian: (exits)

Pagkatapos maghanda, nagmamadaling bumaba si Julie sa sala.

Julie: Let's go! (excited)

Julian: Hay, salamat! Natapos na rin ang mahal na prinsesa. (pang-asar)

Julie: (binatukan si Julian)

Julian: Aray! Ma, oh, si ate.

Marivic: Tama na nga yan, tara na. Alis na tayo. Kanina pa naghihintay ang papa nyo sa sasakyan.

Umalis na ang pamilya at nagpunta ng MOA. Nag-ikut-ikot sila at namili at pagkatapos ay pumasok sa isang restaurant para mag-dinner. Pagkatapos mag-dinner ay umuwi na sila at nagpahinga.

Worth The WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon