Chapter 34

499 16 2
                                    

Maagang nagising si Elmo para ipagluto si Julie, excited rin syang samahan ang asawa sa Ob-Gyne nito para makumpirma ang pagbubuntis. Pagkatapos maghanda ng agahan ay ginising na ni Elmo ang asawa.

Elmo: (kissed Julie's forehead) Gising na babe, breakfast's ready.

Julie: (half-awake) Aga mo naman yatang nagising, babe? *yawns*

Elmo: Eh diba nga, pupunta tayo sa Ob-Gyne mo? Kaya tara, get up there and kakain na tayo. (tumayo sa kama at hinatak si Julie)

Julie: Oo na, oo na. Maghihilamos lang ako. Sige na, susunod nalang ako sa baba.

Elmo: No, I'll wait for you.

Julie: Okay, fine. Kung di lang kita mahal eh. (kissed Elmo's lips)

Pagkatapos maghilamos ni Julie ay agad silang bumaba para mag-agahan. Pagkatapos ay naghanda para sa pagpunta sa doktor. Habang bumabyahe ang mag-asawa, halatang excited si Elmo at si Julie naman ay magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman.

Julie POV: (nilalaru-laro ang mga daliri) Pano kaya kung hindi talaga ako buntis? (tumingin kay Elmo na nakangiting nagmamaneho) Ayokong ma-disappoint ang asawa ko. Lord, kayo na po ang bahala.

Elmo: (napansin na nakatitig sa kanya si Julie) What's wrong? Why are you looking at me like that? (still smiling)

Julie: Wala, kinakabahan lang ako babe.

Elmo: (held Julie's hand) Bakit naman?

Julie: Pano kung di naman pala talaga ako buntis? Ayokong ma-disappoint ka, Moe. (naluluha na)

Elmo: Ssh. Don't worry, babe. Kung hindi pa man ngayon yung panahon para maging parents tayo, I'll never stop waiting for the right time. I'll still love you no matter what. Kahit pa hindi tayo magkaanak, mamahalin pa rin kita at hindi ako maghahanap ng iba. I promise. (smiles)

Julie: Thank you, Moe.

Pagkarating sa ospital, agad dumiretso sa Ob-Gyne doctor's clinic sina Julie at Elmo. May mga dalawang pasyente pa bago si Julie. Tatlumpung minuto pa ang lumipas at si Julie na ang magpapakonsulta. Sinamahan sya ni Elmo sa pagharap sa doktor.

Doc: Good morning, Julie. What's wrong?

Julie: (inilabas ang pregnancy test at ipinakita sa doktor) Doc, nag-PT po kasi ako kahapon. I just wanna confirm if totoo po bang positive na ako?

Doc: Okay, let's see. Higa ka dito.

In-ultrasound si Julie at nakitang may lumalaki nang embryo sa loob ng sinapupunan nito.

Doc: (smiles) Congratulations, Julie! You really are pregnant. Actually, sa itsura ng embryo sa uterus mo, you're three weeks pregnant.

Julie: (napaluha at napangiti sa tuwa at hinawakan ang kamay ni Elmo) Moe, magiging daddy ka na, magiging mommy na'ko. (super smile habang tinitignan ang ultrasound)

Elmo: (super nakangiti – speechless)

Binigyan ng doktor ng kopya ng ultrasound result sina Julie at Elmo at saka ito nagreseta ng mga vitamins na kelangang inumin ni Julie para sa kanyang pagbubuntis. Wala naman dawng risk sa pagbubutis ni Julie dahil healthy naman daw sya at bata pa kaya safe pa raw sa kanya ang pagbubuntis. Umiwas lang daw ma-stress para hindi maging sakitin ang magiging baby nila.

Julie: Thank you po, doc. (smile sabay tayo)

Elmo: Salamat po, doc. (shakes doctor's hand)

Pagkalabas ng clinic ay hindi maitago ni Elmo ang saya sa pagkakakumpirmang buntis si Julie. Nakangiting tinitignan ni Julie ang kauna-unahang picture ng kanila three-week old baby ni Elmo – ang ultrasound result. Masayang pinagmasdan ni Elmo ang asawa habang hawak-hawak nya ang kamy nito at naglalakad palabas ng ospital. Pagkauwi ay agad ibinalita nina Julie at Elmo ang masayang balita sa kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.


Worth The WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon