Chapter 39

498 17 0
                                    

*fast forward*

Eight months na ang pagbubuntis ni Julie, kaya naman madalas na syang natutulog at kumakain at halata nang medyo tumaba sya. Isang araw, pinuntahan ni Elmo sina Frank at Maqui sa coffee shop para humingi ng tulong sa pag-oorganize ng isang baby shower for Julie.

Elmo: Oh Maq, ikaw nang bahala makipag-usap sa mga invited ah. Kami na ni Frank bahala sa food. Sina Mama Ivic at Mom nalang ang bahala sa pagde-decorate. Okay?

Maqui: Oo naman, ako nang bahala. (smiles at naka-thumb's up) Tsaka pagkatapos kong imbitahan yung barkada, papakiusapan ko narin na tumulong nalang kami sa pagde-decorate nitong coffee shop.

Frank: Tsaka ako nang bahala sa paggawa ng invitations para di na kelangang tawagan ni Maqui yung iba pang bisita, papadalhan nalang namin.

Elmo: Ayos! (smiles) O sige bro, Maq, mauna na'ko. Baka kasi hinahanap na'ko ni Julie eh. (tumayo)

Maqui/Frank: Ingat ka. Bye!

Elmo: (exits)

Frank: Maq, sisimulan ko na yung layout ng invitations tapos ilista mo yung names ng invited para alam ko kung gaano karami yung ipi-print pag na-finalize ko na. Okay?

Maqui: Okay. (smiles)

Pagkatapos ng meeting nina Elmo, Frank at Maqui para sa surpresang baby shower para kay Julie ay agad silang nagsimula sa paghahanda. Si Elmo naman, abala sa pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng asawa. Lagi nya itong ipinagluluto ng masasarap ngunit masusustansyang pagkain kaya naman napaparami ang kain ni Julie. Kaya nang minsang napansin ni Julie na tumaba sya ay inireklamo nya sa asawa.

Julie: (sad face) Hmm. Mooooooe! (sumigaw mula sa kwarto)

Elmo: (nagmamadaling umakyat sa pag-aalalang may nangyaring masama sa asawa) Babe?! (pagkarating sa kwarto nakitang may suut-suot na maternity dress si Julie na sobrang sikip sa kanya) Bakit? Ano nangyari? (nilapitan ang asawa)

Julie: (nakasimangot na humarap kay Elmo) Ang taba ko na. (animo'y naluluha) Kita mo oh, di na kasya. Eh di ko pa nasusuot 'to eh. Hmmp! (padabog na umupo sa kama)

Elmo: (natatawa at nilapitan ang asawa saka niyakap) Ano ka ba naman, babe. Tumaba ka lang naman dahil buntis ka ah, tsaka kahit pa gaano ka pa tumaba, mahal na mahal na mahal na mahaaal parin naman kita. (kissed Julie's forehead)

Julie: *sniff* Totoo?

Elmo: Promise! (smile of assurance)

Julie: Wag ka na kasing magluto ng masasarap. (pouts)

Julie/Elmo: (sabay na natawa)


Worth The WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon