Ugly Truth.
______________________________________________
KATULAD NG SINABI NIYA, dumating nga si Jaei sa site kinabukasan. Tanghali na nang dumating siya na may dalang ilang paper bags at dalawang malalaking food containers. Agad siyang napansin ng mga worker, hindi lang dahil matagal siyang nawala, kundi dahil sa dala niyang pagkain na galing pa sa mamahaling restaurant.
"Uy, may pa-handa ah!" biro ni Mang Berto habang pinapanood si Jaei na inilalapag ang mga dala sa mahabang lamesa.
Nandito kaming lahat sa loob ng tent.
"Pambawi po sa matagal kong hindi pagpapakita," nakangiting sagot ni Jaei.
Napatawa ang foreman, habang napangiti naman ako. So he knows...
Isa-isa niyang inayos ang mga pagkain—may ulam na naka-container, may extra rice, pati mga bottled drinks. May ilang nagbiro pa sa kanya at maya-maya lang, napuno na ng tawanan at kwentuhan ang loob ng tent.
Pinagsaluhan naming lahat ang pagkain. Katabi ko si Jaei, na kaswal na nakikipag-usap sa'kin na para bang hindi nangyari ang hindi niya pagpapakita ng ilang araw.
Samantala, hindi ko maiwasan ang paminsang-minsang pagtingin sa kabilang side—to him, who was sitting quietly next to Mang Berto.
I didn't know if it was intentional or just a coincidence, but he didn't come near us. He didn't join the conversation. And most of all, he didn't try to get my attention. Which is… unusual.
It's not that I'm disappointed... just surprised. In the past few days, he was practically glued to my side. But now? It seems like he's okay with the distance between us.
Bahagyang napababa ang tingin ko sa plato ko. Well… If he's doing this because his clinginess toward me these past days is more than enough for him not to compete for attention with his rival, then it's probably okay with me. But if he's doing this because he feels that something has changed in me... I'm more bothered.
Even so, nagpatuloy pa rin ako sa pagkain. Pero paminsan-minsan, nahuhuli ko siyang napapatingin sa'min ni Jaei. At sa tuwing magtatama ang mga mata namin, mabilis din siyang iiwas. Ano ba talaga…
Kahit gaano karami ang dala ni Jaei, nagulat pa rin ako nang tuluyan itong maubos. At ilang sandali lang ay unti-unti nang nagsibalikan sa trabaho ang mga worker, dahilan para ang kaninang maingay na tent ay unti-unting nanahimik.
At dahil sinabi niyang may gusto siyang sabihin, nagpaiwan muna kami ni Jaei sa tent.
Iniwan naman kami ng mga worker, even him. Despite the hesitation in his eyes, he still nodded, silently agreeing before finally leaving the tent.
The midday heat became more noticeable as the noise of the people disappeared. At nang tuluyan kaming maiwan ni Jaei, biglang naging tahimik, sobrang tahimik na halos marinig ko na ang sariling tibok ng puso ko.
Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. "Thank you… for replying last night," mahina niyang simula.
Hindi ako agad sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya, hinihintay kung ano pa ang susunod niyang sasabihin, dahil ramdam kong hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit niya ako kinausap.
I didn't take my eyes off Jaei until he finally sighed.
"Can I invite you to dinner tonight?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. For a moment, natigilan ako. Pero nang makabawi, kusang sumilay ang ngiti sa labi ko. "Sure. What time?" sagot ko.
BINABASA MO ANG
One Last Time (R18)
RomanceAll she wants is to get his elusive love so when the opportunity comes, hindi na siya nagdalawang-isip pa na isagawa ang plano---ang akitin ito sa kahit anong paraan! Pero tila hindi sasang-ayon sa kanya ang kalangitan, dahil hindi magiging madali s...
