Kabanata LXXIV: LEVI: AFFECTED

617 19 7
                                        

Affected.
_________________________________________

      "LEVI!"

Kasabay ng pagtili ni Annika ay ang biglang pagkagulo sa paligid nang tamaan ng kamao ni Levi ang mukha ng lalaking kasama nito! Pumutok ang gilid ng labi ng lalaki sa lakas ng suntok.

"W-What's going on here?"

He heard a familiar voice, but he ignored it.

"What's your problem, man?! I don't even know you. Bakit bigla-bigla ka na lang nanununtok?" Nagtatangis ang bagang na tingala sa kanya ng lalaki habang pinapahiran ang dugong umaagos sa labi nito.

Lalong kumulo ang dugo ni Levi. Kanina lang, kalmado pa siya. Kasama niya sina Jarred at isang kakilala hanggang sa makita niya si Annika. Hindi niya alam na nasa Pilipinas ito.

"Wait... that's Annika, right?" tanong ni Jarred habang nakatingin sa likuran niya.

Sinundan niya ang tingin nito. At doon, nagtiim-bagang siya nang makita si Annika na may kasamang lalaki. Though jealousy gnawed at him every time she smiled at the other man, he forced himself to stay calm.

He wasn't the type to start a fight. He always chose calm-except when it came to one person who clung to him relentlessly.

But when the man's hand slipped to Annika's waist, everything inside him snapped! He completely forgot every principle he lived by, forgot that he was supposed to stay calm!

With his cousin and colleague choosing not to intervene because they knew they couldn't stop him, he punched the man!

At nang gumanti ito, mabilis na nauwi sa suntukan ang lahat. Pareho silang agresibo habang nagpapakawala ng suntok. Dumudugo na ang mga labi nila pero patuloy pa rin sila sa pagpapambuno. Walang gustong magpatalo!

May sumigaw at inutusan si Annika na ilayo ang lalaki sa kanya, pero hindi siya tumigil. Sa kauna-unahang pagkakataon, nasangkot siya sa isang basag-ulong away, at wala na siyang pakialam!

Mas lalo pa siyang naging marahas, determinadong pabagsakin ang lalaking nasa harap niya hanggang sa marinig niya ang sigaw ni Annika.

Pagkatapos makita itong mabilis na lumapit at yumakap sa lalaki, bigla siyang nawalan ng lakas.

Parang may yelong bumuhos sa buong katawan niya. It was a good thing he was already on the ground because even if he tried to keep himself standing while watching Annika bury her face against the man's back, he would still end up crashing down.

That hurt more than any punch. He wanted to scream in pain and rage, to pull Annika away and demand why she sided with him.

"Shhh...tahan na..."

Mas lalong sumikip ang dibdib niya. Ang kaninang galit, ay naging sakit. Ang selos ay naging pagkadurog habang nakikita niyang hinahaplos ng lalaki ang pisngi ni Annika. Siya dapat ang gumagawa no'n...

"Are you okay?"

Isang boses ang tumawag sa kanya. Tiningala niya ito at sinalubong siya ng pag-aalala sa magandang mukha nito. He felt uneasy. She was pitying him, and he didn't like it.

Tinabig niya agad ang kamay nitong aabot sana sa mukha niya.

"I'm fine," mariin niyang sagot habang pinupunasan ang dugo sa labi niya.

Tumayo siya at nagbabagang sinulyapan ang dalawa, bagay na ginawa rin ng lalaki.

"Matagal nang tapos ang relasyon n'yo. Tigilan mo na ang girlfriend ko, Deogracias."

Girlfriend.

Parang paulit-ulit na bumaon ang salitang 'yon sa dibdib niya. Napatingin siya kay Annika, pero ni minsan, hindi siya nito nilingon.

One Last Time (R18)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon