Only Closure.
_______________________________________
NAGISING SI LEVI nang makaramdam siya ng pamamanhid sa braso. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at tila ba sa isang iglap, napalitan ang pamamanhid ng mabilis na pagsikdo ng puso niya. Para bang may kung anong nagliliparang paru-paro sa sikmura niya nang makita si Keira na mahimbing na natutulog sa tabi niya, habang nakaunan ang ulo nito sa kanyang braso.
Damn.
Hindi niya akalaing ganito kasarap magising sa umaga na ang unang bubungad sa kanya ay ang mukha ng taong mahal niya.
Awtomatikong sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na dalaga. Ramdam niya ang init ng katawan nitong nakadikit sa kanya at ang malambot nitong balat na dumadampi sa kanya. Kahit malamig ang hanging ibinubuga ng air-conditioner at boxer lang ang suot niya, wala siyang naramdamang lamig. All he felt was Keira.
Habang pinagsawaan ng tingin ang mukha nito, he couldn't help but moisten his lips. Beautiful was an understatement. Maging sa mga sandaling nakasimangot, galit, o magulo ang ayos nito, hindi niya kailanman nakita itong pangit. Keira was simply breathtaking.
Pero hindi lang dahil sa kagandahan nito kaya siya nahulog. Mahal niya si Keira sa kabuuan nito-ang tapang nito, ang pagiging palaban, at maging ang katigasan ng ulo nitong madalas magpasakit sa ulo niya noon hanggang ngayon.
Mahal niya si Keira at lahat ng tungkol dito. He loved Keira Yturralde-the woman who had once captivated countless admirers despite her reputation. At ngayon, mas lalo pa itong gumanda at naging elegante. Kaya hindi na siya nagtaka nang malaman niyang maging si Ladrizabal ay nahulog din dito, pero kalaunan ay nagparaya din, kaya may mabigat na biglang naalis sa dibdib niya.
Hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin siya rito, lalo na nang maalala niya ang huli nilang pag-uusap bago ito umalis.
"Take care of her. At huwag mo na ulit siyang sasaktan. Dahil kapag nangyari 'yon, hindi ako mangingiming bumalik at tuluyan siyang agawin sa'yo." May halong pagbabanta ang bilin nito.
And he didn't mind. "Thank you," sagot niya rito. But rest assured, hindi mo na kailangang gawin 'yon. Dahil sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong hindi ko na muling sasaktan si Keira."
"Hmmm..."
His thoughts were interrupted when he felt Keira move and heard her moan. Agad siyang napatingin dito, nag-aakalang nagising niya ito. Pero nakapikit pa rin ito, mariin nga lang ang pagkakakunot ng noo.
His eyes softened. Maybe she was having a nightmare again. Alam niyang paminsan-minsan ay binabangungot pa rin ito tungkol sa aksidente. Nabanggit iyon ni Andrei sa kanya noon.
Marahan niyang hinaplos ang noo nito, dahan-dahang pinasadahan ng kanyang mga daliri ang gusot doon na para bang pinaplantsa niya iyon. Unti-unting namang naglaho ang pagkakakunot doon.
He smiled. Hindi niya napigilang yumuko at halikan ang noo nito. He didn't stop at her forehead. He pressed another kiss on her mole before brushing his lips against the tip of her nose and, finally, her lips.
"I'd prefer you with your long hair," bulong niya habang pinagmamasdan ang maiksi nitong buhok. "But even like this, you're still gorgeous."
Maingat niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakadikit sa mukha nito bago siya tuluyang umurong.
He shut his eyes. Hindi magandang ideya na manatili siyang ganoon kalapit sa dalaga, lalo na pagkatapos ng mainit na tagpo nila kagabi. Ayaw niyang gambalain ang pahinga nito. Alam niyang pagod at masakit pa rin ang katawan nito.
BINABASA MO ANG
One Last Time (R18)
RomansaAll she wants is to get his elusive love so when the opportunity comes, hindi na siya nagdalawang-isip pa na isagawa ang plano---ang akitin ito sa kahit anong paraan! Pero tila hindi sasang-ayon sa kanya ang kalangitan, dahil hindi magiging madali s...
