SPECIAL CHAPTER: RED THREAD.

553 7 5
                                        

Red Thread.
________________________________________


    “OKAY, guys! We’ll be having a special activity for today.”

Agad na natahimik ang buong klase nang magsalita ang babaeng professor nila sa Structural Design, na nagtuturo rin sa College of Architecture.

“I have here...” Lumapit ito sa gilid ng mesa at ipinatong ang kamay sa ibabaw ng isang makapal na pile ng blueprint plates. 

“...these are the plate designs of our Architecture students.”

Humarap muli ang professor sa kanila at marahang pinagpalakpak ang dalawang palad sa intensyong kunin ang atensyon ng lahat.

“So... our special activity for today is this. Bawat isa sa inyo ay bibigyan ko ng isang blueprint na ginawa ng mga lower-year Architecture students. As future engineers, I want you to review their designs. Isipin n'yo na licensed engineers na kayo at kayo ang magre-review ng architectural plans bago magsimula ang construction. Write your observations, comments, and suggestions on a yellow paper. Don't forget to indicate the name of the student whose work you reviewed before submitting it to me.”

Kaagad na umalingawngaw ang iba't ibang reaksiyon sa loob ng silid. May ilang napaungol, ang iba naman ay mukhang interesado. Pero ang pinaka-excited ay ang ilan nilang lalaking kaklase na umaasang mapupunta sa kanila ang blueprint ng mga crush nila mula sa Architecture Department.

Isa-isang ipinamahagi ng professor ang mga blueprint. Tahimk niyang tinanggap ang blueprint ma iniabot sa kanya na napansin niyang may manipis na pulang sinulid na sumabit sa kanyang hinliliit. Balewalang hinawi niya ‘yon sa kanyang daliri at ibinaba ang tingin sa pangalan ng may-ari ng plate.

Keira Yturralde.

Hindi niya maintindihan kung bakit tila may kung anong kumalabog sa dibdib niya nang mabasa ang pangalan. Binalewala niya ang kakatwang pakiramdam na ‘yon.

He began reviewing the blueprint with the same professionalism he always had. Isa-isa niyang sinuri ang floor plan, elevations, sections, dimensions, at structural considerations. At habang tumatagal, puro tango na lang ang ginagawa niya.

This student... she's good. Malinis ang presentation nito. Organized ang layout. May ilang minor revisions siyang isinulat, pero sa kabuuan, maayos ang pagkakagawa.

***

     “TAPOS ka na sa review mo?”

Napalingon siya sa lalaking kaklaseng kumalabit sa kanya.

Lunch break na at kasalukuyan silang nakapila sa cafeteria. Maraming cafeterias sa loob ng university, pero dahil sabay-sabay ang lunch break ng halos lahat ng college students, halos puno na ang bawat mesa.

“Oo. Natapos ko na,” sagot niya.

Napabuntong-hininga ang kaklase. “Mabuti ka pa. Ako hindi pa. Sumasakit ulo ko sa blueprint na napunta sa'kin.”

Napatingin lang siya rito. “Don't be too hard on that student,” kalmado niyang sabi. “Second year pa lang sila. Natural lang na marami pa silang hindi alam.”

Sumimangot ang kaklase. Napailing na lang siya. Bad trip na naman ito.

Babaling na sana siya sa harap nang muli itong magsalita. “Mukhang hindi ka nahirapan sa napunta sa yo. Kanino ba ‘yon?”

“Keira Yturralde.”

Agad nangislap ang mata ng kaklase. “Oww.”

He frowned a bit. “What?”

Ngumisi ang kaklase. “Swerte mo. Siya ‘yong isa sa mga bagong transfer student sa Architecture.”

Tahimik lang siyang nakinig.

Nagpatuloy naman ang kaklase. “Hindi mo ba alam? Siya ang madalas pag-usapan ng soccer team. Ang daming may crush doon. Pati team captain, may gusto sa kanya pero hindi makaporma.”

“Why?”

“May pagka-suplada raw.”

Wala siyang naging reaksiyon.

“Have you seen her?”

Umiling siya. “No.”

“Kailangan makita mo. Ang puti no'n, pre. Tapos ang ganda pa. Sandali, parang nakita ko siya eh.” Habang nagsasalita, nagsimula itong ilibot ang tingin sa loob ng cafeteria. Lumagpas ang tingin nito sa mga mesa hanggang sa outdoor dining area kung saan nagdagdag ng mga mesa upuan dahil sa dami ng estudyante.

Maya-maya ay bigla itong napangiti. “Ayun siya, pre!” Kasabay ng excited nitong pagturo, awtomatikong napalingon siya sa direksiyong tinuturo nito—sa isang mesa sa ilalim ng puno ng mangga kung saan may isang dalagang mag-isang kumakain na, sa dami ng estudyante, agad na namukod-tangi.

Maputi. Mahaba ang bahagyang kulot na buhok na may manipis na highlights na banayad na hinihipan ng hangin.

Pero ang mas nakakuha ng kanyang pansin ay ang maliit na nunal sa gilid ng isa nitong mata. Maliit lang ‘yon, pero dahil sa kaputian ng mukha ng dalaga, kapansin-pansin ito na tila sinadyang nilagay roon upang lalo pa itong pagandahin.

Marahil naramdaman ng dalaga ang titig niya kaya napalingon ito sa direksyon.At nang magtagpo ang kanilang mga mata…matamis itong ngumiti. It wasn’t just a simple smile, but it was playful—almost flirtatious. A smile that briefly caught him off guard.

For a fleeting moment, he found himself noticing the neat row of her teeth, the natural redness of her lips... and the quiet confidence in the way she held his gaze.

For reasons he couldn't explain, he found himself looking at her a second longer than he intended.

Just for a second. Then he looked away, dismissing the strange feeling as quickly as it came. This Architecture student had managed to catch his attention until the day he met a timid girl from the Bachelor of Arts in Fashion Design program…

One Last Time (R18)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon