Chapter Three

42 3 1
                                        

SARAH's POV

"Tuloy pa rin ang lakad natin ah!! So, kita-kits tayo mamaya sa bahay." bilin ko sakanila habang papunta sa kanila-kanilang kotse.

"Of course Sarah!! Sayang naman ang weekend kung hindi tayo gagala." sagot naman ni Josephine with hand gesture pa. Tsk!! Malala na to-_- Atska kami pumasok sakanya-kanyang kotse. Hinatid pa rin ni Gabriel si Angel. Mukhang tampuhan lang. Kinuha ko ung Jewelry box ko na tumutunog. Ang alam ko nga Music box din ang tawag dito.

"My loves tapon mo nga yan!!" Reklamo ni Daniel. Ang ganda kaya, nahanap ko pa to sa bodega namin. Kumunot naman ung noo ko sa reklamo ni Daniel.

"At bakit ko naman itatapon?? Eh, nagagamit ko siya" sagot ko na may pagkachildish ang tono nang pananalita ko. Wala na siya nagawa kundi hayaan ako sa pag-aayos nang sarili. Dumiretso muna kami sa bahay ni My loves. Pagdating namin sa bahay ay walang katao-tao kundi ung guard lang nila.

"Good evening Sir Ma'am" bati nang guard saamin at tinanguan lang ni My loves. Pumasok na kami sa loob, kumuha lang nang damit at blanket si My loves at lumabas na kami sa bahay nila. Sumunod naman ay nagtungo kami sa bahay namin. Ilang minuto lang ay nasa bahay na kami at sakto naman nandoon si Mama. Pinagluto muna kami ni Mama nang makakain at pagkatapos namin kumain ay tinulungan ako ni Mama mag-ayos nang dadalhin ko sa roadtrip namin.

"Wag kayong gagawa nang kalokohan. Ingatan mo ung anak ko, Daniel." Bilin ni Mama saamin. Kung alam mo lang Mama. Napa-iling na lang ako sa bilin ni Mama. Sakto naman dumating na sina Josephine paglabas namin sa kwarto ko. Nagkwentuhan lang kami at dumating naman ang iba hanggang sa makumpleto kami. Ung Van namin gagamitin para isang sasakyan lang kami. Im so excited!! OhmyG OhmyG!! HAHA

"Saang lugar ba tayo Angel??" Tanung ni Cherry na mukhang excited din, katulad ko.

"Ingat kayo mga bata. Wag na wag kayong gagawa nang kalokohan." paalam ni Mama bago namin saran ung pinto nang kotse. Napatawa nalang sina Cherry sa sinabi ni Mama at sumagot nang sabay-sabay na...

"Opo Tita/Mama" sabay nung ay ang pagsara nang pinto. So, si Joshua ang unang nagmamaneho nang sasakyan sunod naman si My loves. Nagpatugtog nang napakalakas sa loob nang kotse kaya nagsisigawan na kami sa loob.

"So, saan nga tayo Angel??" tanung ko kay Angel na may tuwa-tuwang boses.

"Secret" Ang hilig niya magsikreto tuwing magrroadtrip kami. Kaya naman, napangiti ako nang todo dahil magugulat nalang kami nasa magandang lugar na kami. Yan ang bestfriend ko!!

Patuloy lang kaming bumabyahe habang sobrang ingay sa loob nang kotse. Mag-aalas-dos na pero gising na gising pa ang mga kaluluwa namin. Patuloy din sa pagpapalitan sa pagmamaneho nang kotse ang barkada. Napatingin kami sa bintana pagkasabi ni Cherry na...

"Guys may babae doon oh!!" turo ni Cherry sa babaeng nakatayo sa may gilid.

"Pasakayin natin" suggestion ni Angel. Na kinaayawan naman nang lahat. Mamaya may masamang balak ung babae eh. Nakawhite mini-dress siya and long hair na straight. Nilagpasan lang namin ung babae at ilang sandali lang, nakatulog na ang mga madadaldal kong kaibigan. So, si Daniel na ang nagmamaneho kaya sinamahan ko siya magpuyat. Sa kalagitnaan nang byahe namin ay napapasarap ung kwentuhan naming dalawa pero bigla nalang...

"Oh sh*t!!" sigaw ni Barbie dahil nauntog siya sa bintana.

"Magdahan-dahan ka naman!!Anu ba nangyare sayo??" tanung ni Angel na parang gulat na gulat ung mukha. Bumaba naman si My loves, ni kahit ako ay nagtataka kung bakit siya biglang  prumeno. Sunod-sunod kaming bumaba nang kotse para tignan kung anung tinitignan ni Daniel.

"Magmaneho ka na ulit Daniel para makarating na tayo, malapit na rin naman tayo." sabi ni Angel na parang naiirita. Hindi naman maipinta ung itsura ni Daniel kaya nilapitan ko na siya para ayayain na sumakay na ulit sa kotse at agad naman sumunod si My loves.

"Okay ka lang My loves??" tanung ko na may pag-aalala sa tono ko. Tumango lang si My loves at patuloy na ulit sya nagmaneho. Gising na ulit ang lahat pero mga tahimik. Siguro bad mood dahil sa nangyare.

"Sorry guys" Siguro nakahalata si My loves kaya agad sya humingi nang pasensya. Tumango lang iba samantalang ung iba ay nagThumbs-up. Hinawakan ko ung free hand ni My loves at napatingin sya saakin, ngitian ko lang siya nang matamis. Ilang sandali lang ay sinabi na ni Angel na nandito na kami sa pagtutuluyan namin. Nice ung paligid, malinis, parang nasa probinsya ka, sariwa ung hangin. Bumaba naman agad kami at may sumalubong saaming matanda, sa tingin nasa 60 pataas na siya.

"Hi Nanay Mylsa" bati naman agad ni Angel at nagyakapan pa.

"Oh, bakit ung isa ninyo kaibigan ay hindi pa bumababa??!!" tanung naman ni Nanay Mylsa habang nakatingin sa Van. Napalingon naman kaming lahat sa Van at kumpleto kaming bumababa nang kotse.

"Ah eh... Tara, pasok na kayo sa loob at paglulutuan ko kayo nang agahan. Tiyak gutom kayo dahil galing kayo sa byahe." ayaya ni Nanay Mylsa saamin habang nakangiti nang sobrang tamis. Nauna na silang maglakad at nahuhuli akong maglakad. Napatingin naman ako sa Van para siguraduhin na wala nang tao sa loob na sasakyan.

"My loves, tara na!!" tawag saakin ni Daniel. Naglakad na ulit ako papunta sakanilang lahat.

---**

A/N: Guys!! Baka every wednesday ako mag-update. Marami po kaseng ginagawa pero 4 or more chapter ang pwedeng madagdag tuwing wednesday kaya patuloy lang sa support :)

Vote and comment don't forget :)

Thankies kay -@MyrnaQuemaMJJ

Pinakikilig mo ko :* LoveLots ;)

The Music BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon