SARAH's POV
Napatingin kami sa lugar kung saan nagpapicture si Josephine at humangin nang malakas. Napahawak ako kay Josephine patuloy ung malakas nang hangin. At...
"KYYAAHH...Ohmy!! Sh*t!!" sambit namin ni Josephine. At nagtatakbo kami papunta sa iba. Paano kase... Pagtingin namin sa likod namin nakita namin ung babaeng nakaputi at parang may masamang gagawin saamin.
"Hoy!! Anung nangyayare sainyo??" tanung ni Angel na nagulat sa paghawak ko sakanya.
"Eh kase... ung babae..." kwento ni Josephine na agad kong pinigilan baka kase matakot ang iba.
"W-wala... Iniwan n-ninyo kase kami" palusot ko at tumingin kay Josephine, titig na nagsasabing "Wag-Mong-Sasabihin" look. Nanahimik lang si Josephine at mukhang natatakot pa rin siya. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakbay at may natagpuan kaming ilog. Sobrang linis at maaliwas tignan ung ilog. Binaba kaagad nila ung bag nilang dala. At may balak silang maligo sa ilog.
"Tara!! Swimming tayo!" tawag ni Gabriel. Agad naman tumango ang labt pero lang Angel. Akala ko lang dahil magkaaway sila, hindi siya tumango.
ANGEL's POV
Enjoy na enjoy silang maligo sa ilog. Kuha lang ako nang kuha nang picture. Hindi pa rin kami okay ni Gabriel. Namimiss ko na siyang kausapin. Mostly kinukuhanan ko si Gabriel. Sorry naman!! Pagkashot ko sa isang picture puro puti lang ang nakikita ko sa picture. Inulit-ulit ko pero ganun pa rin at bigla naman nagsipagsigawan sina Barbie, Cherry, Sarah at Josephine dahil naging pula ung tubig nang ilog. Humahon agad sila sa tubig. Sa pagtingin namin muli sa tubig ay kulay krystal na ulit.
"Gosh!! Hindi naman tayo nagmamalik-mata dba??" tanung ni Barbie. Sh*t!! Ang arte niya!! BWISET!! Malamang hindi kami nagmamalik-mata, kitang kita namin eh. Ang tangang tanung, I SWEAR!! Hindi ko alam kung bakit naiinis pa rin ako kay Barbie samantalang hindi naman kami ganito. Nagsipag-ayos na ang lahat, hindi na nila pinagpatuloy ang pagligo nila sa ilog. Habang naglalakad, tinitignan ko ung mga picture at ngayon ko lang napansin na may babaeng nakatayo sa kabilang dako. Babaeng nakayuko at nakasuot nang puting dress. Bigla ako nakaramdam nang takot at kaba.
"Are you okay Babe??" pagkarinig ko nang boses niya ay biglang napalitan ang takot at kaba ko nang tuwa at pagkasabik.
"O-oo naman" sagot ko agad kay Gabriel tapos inakbayan na niya ako at sabay na kami naglakad.
ANGEL's POVNakabalik na kaming lahat sa bahay pero nagstay muna sila sa labas nang bahay. So, pumasok muna ako sa loob para icharge ung camera ko. Pag-akyat ko sa kwarto, napatingin ako sa desk. May Jewelry Box. Nilapitan ko para tignan, ang cute nang design. May kumatok sa kwarto at agad ko naman ibinaba ung jewelry box.
"Wait lang!!" sambit ko habang tumatayo pero patuloy pa rin sa pagkatok ung tao sa labas. Pagkahawak ko sa doorknob ay huminto ung pagkatok.
"Baki..." tinignan ko ung paligid pero walang katao-tao. Malinis kong narinig ang katok sa pinto pero bakit... bakit walang tao??!! Lumabas na ako nang kwarto at naglakad na sa hallway, malapit na ako makababa nang second floor na makasalubong ko si Barbie na paakyat sa kwarto. Balak ko sana siyang tanungin pero papasok na siya sa kwarto. Tumingin na muli ako nang diretso at sakto naman papasok na ang lahat pero ang kinagulat ko...
"B-barbie??" napatingin naman saakin si Barbie na may pagtataka sa mukha.
"P-paano ka n-nakababa a-agad??!!" tanung ko na nakunot-noo. Pinagtaka na rin nang lahat at doon ako kinabahan.
"Anu bang nangyayare sayo Angel??" tanung ni Cherry na mukhang naguguluhan na sa nangyayare saakin.
"Umakyat ka sa kwarto at kakapasok mo lang sa kwarto. Balak sana kitang tanungin pero bigla ka nalang agad pumasok sa kwarto" paliwanag ko sa lahat. Umakyat naman sina Joshua para tignan kung may tao sa kwarto at doon ako lalong kinabahan. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko dahil harap-harapan ko siyang nakita.
"Wala namang tao dito ah!!" usisa agad ni Cherry. Napatahimik nalang ako at lumabas sa kwarto kung saan pumasok si Barbie. Nalilito na ako!! Sinu ba talaga un??!!
"Wag mo nang isipin un" sabi ni Sarah sabay tapik sa balikat ko. Nasa sala na kaming lahat at hinihintay si Nanay Mylsa. Hanggang sa maghapunan ay lutang pa rin ang aking isipan. At bumalik lang ang reyalidad nang utak ko sa pagsalita ni Barbie.
"I'm sorry" sambit ni Barbie at nakatingin siya sa mga mata ko. Agad naman ako tumango at nagsorry na rin ako para wala na ring iwasan. Bumalik na ang lahat sa dati. Nagtatawanan na ulit tulad nang dati. Nagulat kami na may nahulog sa sala at mukhang nabasag un.
"Gosh!!"
"Sh*t!!"
Sambit ni Barbie at Sarah nang makita nila ung basag na flowervase. Lumabas si Nanay Mylsa at nagulat din sa nakita.
"Juskolord!!" sambit ni Nanay Mylsa. Lumapit saamin si Nanay Mylsa at tinanung kami.
"Sinu nakabasag??" tanung ni Nanay Mylsa na mukhang alalang-alala sa nangyare.
"Kumakain kami at bigla nalang may nahulog at ito pala un, ung flower vase." kwento ni Sarah.
--*
HeLLo kay @Patricia Acua0, @bhoniex and @Brenda BaLiza :) Thankies sa pag-add sa Reading List ninyo :) Patuloy lang ninyong suportahan ung THE MUSIC BOX :*

BINABASA MO ANG
The Music Box
HorrorMahilig ba kayo magRoad Trip nang mga barkada mo?? Ung tipong tuwing weekend ay nasa galaan kayo, ung tipong gusto ninyo nang Adventures.Paano kung isang araw ay nakatapat kayo nang Adventures, ung tipong hindi na ninyong gugustuhin umalis nang baha...