ANGEL's POV
Nagpaalam kami sa paaralan na Excuse muna kami dahil dadalaw kami sa burol ni Josephine. Habang naglalakad patungo sa parking lot ay dumating naman si Cherry.
"Nakapagpaalam na ba kayo??" tanung niya agad pagkaabot saamin. Hingal na hingal at pawis na pawis ang itsura niya. Sinagot naman ni Barbie at ako ay dire-diretso lang patungo sa sasakyan ko. Umiinit ang dugo kay Cherry, hindi ko alam kung bakit at saan ko nakukuha ang ganitong pakiramdam. Hindi ko namalayan, na nasa tabi ko na si Gabriel.
"Good morning Babe. How's you sleep??" tanung niya bago ako halikan sa noo. Nakaramdam ako na may nakatingin saamin kaya inikot ko ung mga mata ko. Wala namang ibang tao sa parking lot. Napansin ni Gabriel ang pag-iisip ko.
"Bakit??" tanung ulit ni Gabriel.
"Wala" sagot ko at inayaya na siya sa kotse. Habang nasa kotse kami ay hinalikan ako ni Gabriel kaya pinatulan ko ung halik niya.
"Hoy!! Ano ba kayo??!!" saway ni Barbie saamin kaya napatigil kami. Umayos si Gabriel nang upo at sakto namang dumating na si Cherry. Umupo siya sa tabi ko. Habang nasa byahe, tahimik at walang imik si Cherry.
"Okay ka lang??" tanung ko na sanhi nang paglingon niya saakin. Tumango lang siya at bumalik ulit sa bintana ang paningin niya. Ilang saglit lang ay nasa bahay na kami ni Josephine. Pinarada lang ung sasakyan at bumaba na kami pero si Sarah ay nagpaiwan lang. Mag-aayos lang daw siya sandali. Pumayag naman kami kaya bumaba na rin kami.
----^^
Kung dito ko kaya gawin ang krimen?? Masaya kaya?? BWAHAHAHA Kilala naman ninyo kung sino ang next doll ko?? Saktong lumabas si Gabriel at ito na ang huling buhay mo Gabriel. Niloloko mo siya at dapat ka lang parusahan. HAHAHA Tinakpan ko ang kanyang bibig para hindi siya mag-ingay at tinutok ko sakanya ang hawak kong kutsilyo.
"Pag lumaban ka, lalo kang masasaktan" bilin ko kaya tinigil niya ang balak niya.
"HAHAHA Masunurin kang bata" sambit ko habang parang nakayakap ako sakanya.
"Ikaw ang killer pero bakit..." tanung niya at munting na nyang masabi ang pangalan ko pero bago nangyare un ay naitusok ko na ung kutsilyo sa tagiliran niya, binaon ko nang todo na alam kong mananahimik siya. Napahiga siya sa sobrang sakit at hapdi na nararamdaman niya.
"B-bakit mo g-ginagawa t-to??" tanung niya pero imbis na sagutin ko siya ay tinadtad ko na siyang sasaktan. Tumatama sa kahit saan ang kutsilyo na parang binababoy ko ang isang hayop.
"HAHAHAHAHAHAHAHA"
DANIEL's POVNapalingon kaming lahat sa labas dahil nakarinig kaming tawa na malakas. Hindi dalawang isip si Joshua na tumayo at tingan kung sino ang nasa labas. Ang pagkakaalam ko lang ay si My loves lang ang nasa labas. Kinabahan ako bigla.
"Oh saan kayo pupunta??" tanung saamin ni Cherry na nagpupunas nang kami.
"May narinig kaming tawa sa labas. Parang tawa nang baliw" sagot ko at sumama na saamin si Cherry. Nakasalubong namin si Barbie na kakabalik lang galing sa tindahan. May bibili lang daw siya eh. Tulad nang tanong ni Cherry ay tinanung din ni Barbie at sumama nalang din siya saamin. Kakapasok lang ni My loves at ganun din ang tanung niya saamin.
"Wala namang tumatawa sa labas. Baka guni-guni lang ninyo un. Halina't pumasok na tayo sa loob." sabi ni My loves kaya bumalik ulit kami sa loob nang burol ni Joseph. Pagdating namin sa pwesto namin kanina ay nandoon na si Angel.
"Saan kayo galing??" tanung kaagad ni Angel.
"Nasaan na si Babe??" tanung muli ni Angel na pinagtaka naman nang barkada. Hinanap nang mata ko ang prisinta ni Gabriel pero wala akong maramdaman na kahit anino niya. Kaya lumabas ako nang burol ni Joseph para mahanap si Gabriel. Nakasunod lang ang iba saakin. Dinala ako nang paa ko sa kotseng gamit namin. Huminga muna ako nang malalim bago ko buksan. Pero sa pagbukas ko ay walang Gabriel. Babalik na sana kami pero muntik na akong madapa sa nakaharang pagtingin ko sa baba.
"SH*T!!" nasambit ko nalang dahilan para tumingin ulit saakin ang mga barkada ko.
"G-gosh!! Si G-gabriel... W-wala na!!" iyak ni Angel. Tumawag na kami nang pulis at ilang saglit lang ay nandito na agad ang pulis. Nailabas na ang bangkay ni Gabriel. Muntik na ako masuka dahil wala ang isang eye ball ni Gabriel at ang malala pa ay tadtad siya nang saksak. Niyakap ni Angel ang bangkay ni Gabriel. Niyakap ko si Cherry dahil alam ko kung ano meron sakanila ni Gabriel. Tulad nang itinanong ng mga pulis sa sitwasyon ni Joseph ay ganun din ang ginawa nang mga pulis. Bumalik kami sa loob parang magpaalam muna kay Tita Eliza. Pagkatapos naming magpaalam ay agad kaming nagtungo sa hospital.

BINABASA MO ANG
The Music Box
Kinh dịMahilig ba kayo magRoad Trip nang mga barkada mo?? Ung tipong tuwing weekend ay nasa galaan kayo, ung tipong gusto ninyo nang Adventures.Paano kung isang araw ay nakatapat kayo nang Adventures, ung tipong hindi na ninyong gugustuhin umalis nang baha...