CHERRY's POV
Nasa tabi ko lang si Daniel dahil siya lang ang nakakaalam nang tungkol saamin ni Gabriel. Una si Josephine ang nawala saakin, hindi pa nga tapos ang burol ni Josephine ay sumunod na si Gabriel. Mababaliw na ata ako sa sobrang lungkot at sakit na nararamdaman ko. Tulo lang nang tulo ang mga luha ko. Ilang saglit lang ay dumating na kami sa hospital kung saan dinala si Gabriel. Pagdating namin ay nandoon na ung mga magulang ni Gabriel. Lumapit kaagad saakin si Tita Cristine nang makita niya ako.
"Okay ka lang ba Iha??" tanung ni Tita Cristine saakin. Alam niya ang tungkol saamin pero si Tito Richard ay hindi niya alam.
"Kailangan maging okay Tita para kay Gabriel." sagot ko habang nakayakap kay Tita Cristine.
"Puntahan ko lang si Angel baka magtaka kung bakit ikaw ang una kong pinuntahan." paalam ni Tita saakin at lumayo na saakin. Naglakad-lakad muna ako para hindi ko masyadong maramdaman ang nararamdaman ko.
SARAH's POV
Napansin ko naman ung pag-alis ni Cherry kaya sinundan ko siya baka kung ano pang gawin nitong babae to. Nakarating kami sa rooftop at nagsisigaw si Cherry doon.
"Bakit si Gabriel pa??!! Bakit hindi nalang si Angel ang nauna??!!" sigaw nito na ikinagulat ko. Si Angel ang dapat mauna?? Bakit niya sinasabi un??
"Mahal na mahal ko si Gabriel at sagabal lang si Angel sa pagmamahalan namin" sigaw muli nito at mukhang may secret affair ang dalawang to. Bumaba na ako baka kasi makita pa ako ni Cherry at kung ano ang gawin niya saakin.
---^^^
Nailibing na sina Gabriel at Josephine. Nandito kaming magbabarkada at mga tulala na parang wala sa sarili. Pag-ganito ang sitwasyon namin ay sobrang ingay at parang masisira na ang cafeteria sa sobrang tawa namin.
"Ayoko nang ganito!!" reklamo ni Barbie at tumayo pa ang gaga. Napatingin naman kaming lahat kay Barbie pero nawala naman agad ang atensyon namin dahil sa pagtunog nang speaker.
"Half day lang tayo dahil kailangan na ninyong mag-ayos nang gamit. Bukas na ang overnight camping natin" sabi nang speaker kaya nagsipaghiyawan ang mga estudyante sa cafeteria. Sobrang saya nang mga estudyante habang kami ay parang ordinary day lang saamin. Sabay-sabay kaming tumayo para umuwi at mag-ayos nang gamit. Habang nasa byahe kami ni My loves ay tahimik lang. Walang gustong magsalita pero may gusto akong itanong. Ung tungkol sa sinabi ni Cherry sa rooftop. Nag-ipon ako nang lakas na loob para tanungin un.
"My loves??" panimula ko at nagdadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko.
"Uhm??" sagot niya habang nakafocus ang mga mata niya sa harap.
"Ung tungkol kay Cherry and Gabriel... Meron ba??" pagsabi kong Meron ba ay lumingon siya saakin at binalik naman niya agad ang paningin niya sa harap.
"Sino nagsabi sayo??" tanung niya sa tanumg ko. Oh dba!! Ang galing!!
Dumating na ang tamang panahon at magagawa ko na ang dapat kong gawin. Nandito na kami sa bus kung saan kaming magbabarkada lang ang nakasakay at ung driver namin. Sumang-ayon sila sa gusto na private ang bus namin hindi nila alam na may naghihintay na kapalit."Guys okay lang ba talaga??" tanung ko sakanila at agad namang sumagot si Sarah sa tanung ko.
"Oo naman. Mas okay nga to ei. Tayo-tayo lang" sagot ni Sarah habang nakangiti na nagpangiti naman saakin. Nagsisimula nang umandar ang mga bus papunta sa camping place namin. Gusto ninyo na bang makikita kung sino ako?? HAHAHA Konti nalang makilala na ninyo ako. Umupo ako sa passenger seat at maya-maya ay sisimulan ko na ang party at masayang paghihiganti sa mga barkada ko at sa barkada nang Ate ko. Magdidilim na at magsisimula na ako.
SARAH's POV
Tumayo si Cherry sa kinauupuan niya sa passenger seat at may kinuha sa bag niya. Nagulat kami kung ano ang inilabas niya. Isang baril na tinutok niya sa driver namin.
"Cherry ano ba ginagawa mo??! Wag kang magbiro nang ganyan!!" saway ni Daniel pero parang walang narinig si Cherry at hindi niya pa ring binababa ang baril.
"Ilabas mo ung cellphone mo at ihagis sa labas. Lahat kayo, ganun din ang gawin. Pag ako may nakitang cellphone, hindi ako magdadalawang isip na unahin ko kayo!!" sabi ni Cherry. Nataranta naman kaming lahat kaya tinapon namin sa labas ang mga cellphone namin.
"Masunurin naman pala kayo eh. Sumunod ka lang saakin, hindi kita sasaktan." sambit ulit ni Cherry. Nakakatakot si Cherry. Teka, kung ganyan siyang kumilos edi pagsabihin...
"Ikaw ang pumatay kila Josephine at Gabriel??" nagulat ako sa tanung ko kaya napatingin ang lahat saakin.
"HAHAHA Exactly Sarah!! Nakakatuwa ka naman Sarah." sagot ni Cherry habang nakangiti na malaDemonyita.
"Nahihibang ka na ba Cherry??!!" sigaw ni Angel na ngayon ay nakatayo na. Hinawakan ko naman siya para pigilan sa binabalak niya.
"Bitawan mo ko Sarah!!" sigaw niya saakin. Nataranta naman ako kaya nabitawan ko si Angel. Nang makalapit si Angel kay Cherry ay agad nitong sinampal. Tumayo na rin kaming lahat para lapitan sila. Pero biglang tinutok ni Cherry ang baril na hawak niya saamin kaya napaatras kami sa takot na baka ibaril niya saamin.
---^^
"Hindi bang may relasyon kayo ni Gabriel??" tanung ulit ni Sarah kay Cherry na nakaagaw pansin sakanya. Napalingon si Angel kay Sarah na hindi makapaniwala sa tanung ni Sarah.
"Meron nga. Almost 7months ang amin relasyon pero dahil kasama siya nung gabi noon ay kailangan ko siya patayin. Na dapat ay tinulungan niya si Ate na makatakas sa mga iyan!!" tinuro ni Cherry sina Daniel at Joshua.
"Mga walang puso!!" sigaw ni Cherry na kinagulat ni Sarah. Mangiyak-ngiyak na si Cherry pero agad niyang pinigilan ang pagtulo nang luha niya. Tumawa muli si Cherry na malaDemonyita. Tumawa nang tumawa si Cherry.
----@Jongdae's Wife- ito na ung update oh ^^ Nakakahiya naman sayo eh^^v :* #PEEJAY #ANONGGITNA MO??!! #BYUNTAEALERT :D

BINABASA MO ANG
The Music Box
HorrorMahilig ba kayo magRoad Trip nang mga barkada mo?? Ung tipong tuwing weekend ay nasa galaan kayo, ung tipong gusto ninyo nang Adventures.Paano kung isang araw ay nakatapat kayo nang Adventures, ung tipong hindi na ninyong gugustuhin umalis nang baha...