Nag-iba na ang direction nila Cherry at mukhang pagpunta sa bahay na kung saan ay maraming nangyare kababalaghan. Bumalik na ulit sa ayos nang upo sina Angel sa takot na baka barilin sila ni Cherry. Nang makarating na sila sa bahay nila Nanay Mylsa ay nagtaka ang mga ibang barkada dahil naiba ang bahay naging luma at mukhang haunted house.
"Iparada mo na nang maayos at sumunod ka saakin." sambit ni Cherry at agad naman sinunod nang driver. Pagkatapos niyang iparada ay bumaba na si Cherry at sumunod naman ung driver. Ilang segundo lang ay nakarinig sila nang putok nang baril at hindi sila nagkakamali, pinatay ni Cherry ung driver. Natatakot na ang mga babae at sina Joshua ay hindi pinapahalata na natatakot na rin sila. Bumalik si Cherry sa bus para pababain sila Sarah.
BARBIE's POV
Bumaba na kami at dumiretso sa loob nang bahay nila Nanay Mylsa. Hindi namin maintindihan kung bakit nagkakaganito si Cherry. Nang makapasok na kami sa loob ay pinaupo kami ni Cherry sa sofa.
"Nanay Mylsa pakihandaan nang Juice ang mga bisita" sambit ni Cherry at ngumiti saamin na parang wala lang. Umakyat na muna si Cherry sa taas at lumabas naman si Nanay Mylsa na nakaitim at parang may masamang aura sa katawan niya. Dumiretso si Nanay Mylsa sa kusina at mukhang kukuha siya nang Juice na inutos ni Cherry. Ilang saglit lang ay dumating na ung Juice at sabay nung ay ang paglabas ni Cherry sa kwarto. Naguguluhan pa rin ako kung bakit niya nagagawa sa kaibigan niya to samantalang tinuring namin siyang parang kapatid.
"Magmeryenda na kayo at mamaya ay maglalaro tayo" sambit ni Cherry habang nakatayo sa harapan namin at parang may iniisip na masama na hindi mo maintindihan ung itsura niya. Umalis siya sa harap namin at pumunta sa kusina. Pwede na kaming tumukas at mukhang nakuha din nila ung iniisip ko. Tumango kami sa isa't isa at sabay-sabay tumayo sa kinauupuan kaso mga dalawang hakbang palang ako ay agad akong napahiga na parang may mabigat na nahulog sa katawan ko kaya nataranta sina Sarah.
"Jusko Barbie!! Tumayo ka na dyan!!"
SARAH's POV
Bigla nalang napahiga at nawalan nang malay si Barbie kaya hindi namin natuloy ang pinaplano namin dahil naabutan kami ni Cherry na papalabas nang pinto.
"Saan kayo pupunta?? Hindi pa nga tayo nagsisimula maglaro." sambit ni Cherry na palingon saaming lahat. Malademonyita ang ngiti ni Cherry kaya nakaramdam ako nang takot at kaba.
"Doon ung kwarto oh. Bakit ninyo ilalabas si Barbie?? May gagawin kayong masama nuh?? Gagasahin na naman ninyo ang isang babaeng walang kalaban-laban??" sambit muli ni Cherry na kinagulat ko dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya ung mga katagang yan.
"Un ba ang tingin mo Cherry??" tanung ni Angel at bigla nalang tumawa nang malakas si Cherry.
"Kayo naman!! Hindi kayo mabiro!! Iakyat na ninyo si Barbie sa taas tska malinis at maayos na doon" sabi niya habang lumalapit saamin. Humihigpit ang pagkakahawak ko kay Barbie dahil feeling ko, anytime ay may gagawin siyang masama kay Barbie. Inakyat na namin si Barbie kasama ang lahat sa pag-akyat sa kwarto.
"Sana isang panaginip nalang to" sambit ni Joshua kaya napalingon kami sakanya. Nagkibit-balikat lang siya at binuksan na niya ung pinto nang kwarto.
Pumasok na kaming lahat sa kwarto at nagulat kami sa itsura nang kwarto, puro kandila at itim na awra sa paligid. Pinahiga na namin si Barbie sa kama at doon muna nagstay. Ilang saglit lang ay pumasok si Cherry na walang katok-katok sa pinto.
"Bakit hindi na kayo bumaba??" tanung ni Cherry habang may nilalapag sa mesa.
"So, magsisimula na tayo maglaro" sambit niya habang nakangiti na nakakaloka. Nilapitan niya si Barbie at...
"Gosh!! Nahihibang ka na talaga Cherry!!" sambit ko habang napatayo sa pagkakaupo. Hiniwa ni Cherry ung damit ni Barbie na akala ko ay nasagad hanggang dibdib ni Barbie.
"Easy ka lang Sarah. Wala pa" sabi ni Cherry. Kita na ung bra ni Barbie at hindi pa nakontento si Cherry, tinali niya ung dalawang kamay at paa ni Barbie.
"Let's play!!" sigaw ni Cherry. Sa kabilang dako ay nakita ko ulit ang itim at puting babae na nakatayo sa magkabilang dulo nang bintana. Tumitingin nang diretso ang black lady at nakakaramdam ako nang takot at kaba.
"AHHHH..." sigaw ko at napatakip sa mukha dahil biglang lumapit ung black lady sa harap ko. Pagtanggal ko na kamay sa mukha ko ay nagbago ang lugar at nag-iisa nalang ako. Mali!! Kasama ko ung white lady at black lady. Inaalok nang black lady ang kamay niya habang nakatingin lang ung white lady.
"Sumama ka saakin" sambit nito at bago ako makapagsalita ay nahawakan ko na ung kamay nang black lady.
"Kailangan mo makabalik sa..." hindi niya natapos dahil papalapit na saamin si Cherry na may dalang itak at galit na galit na naglalakad papunta sa lugar namin.
"Tumakbo na tayo!!" sambit nang white lady na nasa unahan namin at nagsisimula nang maglakad. Sumunod naman kami nang black lady. Ang alam ko ay masama ang mga black lady dahil sila un mga may galit sa mga taong hindi umaamin at pilit na nagtatago pero bakit ngayon?? Palakad-lakad lang kami at sa makarating kami sa hindi ko alam kung saan.
"Pag naabutan ka niya ay pumikit ka at huminga ka nang malalim." pagkasabi nang black lady saakin ay bigla silang nawala sa paningin ko. Bumalik ang prisinta nang utak ko nang marinig ko ung boses ni Cherry.
"Sarah nasaan ka na??" sabi niya habang kinakatok niya ung bakal na hawak niya sa sahig. Nang maramdaman kong papalapit na siya saakin ay agad ako pumikit at nagdasal.
"Lord wag ninyo ako hahayaan" pagkasambit ko nang mga kataga yan ay huminga ako nang malalim.
"Makakabalik ka na sa mundo mo at maaayos mo na ung mga mali sa mundo ninyo" sambit nang white lady at ngumiti saakin.
BINABASA MO ANG
The Music Box
HorrorMahilig ba kayo magRoad Trip nang mga barkada mo?? Ung tipong tuwing weekend ay nasa galaan kayo, ung tipong gusto ninyo nang Adventures.Paano kung isang araw ay nakatapat kayo nang Adventures, ung tipong hindi na ninyong gugustuhin umalis nang baha...