Chapter Nine

23 2 0
                                    

SARAH's POV

Agad naman kaming tumakbo at sinundan si Joshua. Nakakaramdam ako nang takot at kaba sa dibdib. Habang tumatakbo kami ay napalingon ako sa bakanteng silid. Ung babaeng nakaitim, hindi siya nakayuko pero natatakpan nang buhok niya ang mukha niya at ung babaeng nakaputi na nakayuko. Binilisan ko ung pagtakbo ko dahil sobrang kinakabahan ako. Nang huminto si Joshua sa locker room nang boys ay napahinto na din kami sa pagtakbo. Napapikit ako sa pagkita ko sa katawan ni Josephine. Walang awa ang gumawa nito. Nasa ulo pa ni Josephine ung gunting at nakadilat pa siya.

"J-joseph... B-bakit?!! Sino may g-gawa nito s-sayo??!!" sambit ni Cherry na papalapit sana kay Josephine pero pinigilan ni Barbie at Joshua. Ilang saglit lang ay dumating na ang mga head teacher at ang mga pulis kasama ang principal namin. Si Cherry ay tulala pa rin at hindi makausap nang matino. Gusto ko siyang kausapin pero parang nagsasalita ka lang sa hangin. Sino kaya ang pwedeng gumawa nito??!!

"May kaaway o nakaalitan ba si Mister Padilla??" tanung nang pulis saamin. Lahat kami ay umiling biglang sagot namin. Nandito na rin ung Mama ni Josephine at humahagulgul sa iyak.

"Napakawalang hiya nang gumawa nito sa anak ko!!" sigaw ni Tita Eliza habang yakap yakap niya ang katawan ni Josephine.

----^^^^

Bahagyang napangiti ang babaeng gumawa kay Joseph nang brutal na pangyayare.

"Humanda ka" bulong nito sa sarili at ngumiti muli.

-----^^^

CHERRY's POV

Nandito ako sa burol ni Josephine na parang kahapon lang natatawanan at naghaharutan kami pero ngayon nakahiga at walang buhay na ang bestfriend ko. Tumulo muli ang luha ko, hindi ko talaga matanggap!!

"Magpahinga ka muna Iha" sabi ni Tita Eliza na umupo sa tabi ko.

"Para na kayong magkapatid. Tapos ngayon, ikaw nalang natitirang ala-ala ni Joseph." sambit ni Tita Eliza habang nakatitig sa kabao ni Joseph. Tumayo ako at lumapit sa kabao ni Joseph.

"Ang daya mo naman Josephine!! Ngayon, sino ang mag-aayos saakin?? Sino ang magpapasaya saakin??!! Iniwan mo ko kaagad!! Kawawa naman si Tita oh!! Ikaw talaga!!" sambit ko habang hawak ang salamin nang kabao ni Josephine. Para akong tanga kausap ang walang buhay. Nakaramdam ako nang yakap at paglingon ko ay si...

"Gabriel..." lalo akong umiyak at niyakap ko siya nang mahigpit.

"Masaya na siya sa langit Sweety" bulong ni Gabriel. Lumapit naman saamin si Tita Eliza at sinabing umuwi muna ako at magpahinga.
CHERRY's POV

Hinatid ako ni Gabriel sa Condo ko at hindi ako iniwan mag-isa. Habang naghahanda ako sa pagtulog ay tapos na si Gabriel na maligo. Nakatapis lang siya at nagpupunas nang buhok niya. Napatitig ako at napalunok sa sobrang ganda nang katawan niya at sobrang gwapo niya. Hindi ito ang unang pagkakataon pero parang laging first time ang nararamdaman ko. Napatingin siya saakin at parang nang-aakit ang mga mata niya. Ilang sandali lang ay nasa ibabaw ko na si Gabriel.

"Sobrang ganda mo talaga Sweety" bulong niya at hinalikan niya ako sa noo.

ANGEL's POV

Nakakailang tawag na ako kay Gabriel pero hindi pa rin niya sinasagot. Nag-alala na ako!! Baka may nangyare na sakanya. Tinawagan ko si Sarah. Dalawang ring lang ay sinagot na ni Sarah

"Napatawag ka??" tanung agad ni Sarah na mukhang nagising lang sa tawag ko.

"Hindi sinasagot ni Gabriel ung tawag ko. Nag-aalala na ako." sabi ko habang palakad lakad sa kwarto ko.

"Baka nasa gimikan lang. Masyado ka naman nerbyosa bhe!! Matulog ka at maaga pa tayo bukas." sabi niya at binaba na ang telephono niya. Napapikit ako para kahit papaano ay mawala ang kaba sa dibdib ko. Pagdilat ko...

"Gosh!!"

Pagod na pagod ang katawan ko pero buhay na buhay ang dugo ko. Alam kong nagtataksil kami sa kaibigan namin pero mahal na mahal namin ang isa't isa. Nakahiga ako sa dibdib ni Gabriel habang ang kamay niya ay pinaglalaruan ang buhok ko.

"Paano kung malaman ni Angel??" tanung ko na walang kamalay-malay na lumabas sa bibig ko.

"Edi paalam natin na ikaw at ako ay nagmamahalan." simpleng sagot niya. Napangiti naman ako sa sagot niya at pinikit ko na ang mga mata ko.

------^^^

"Magsaya kayo ngayon, bukas o sa makangalawa ay magdudusa kayo!!" sambit niya sa sarili at ngumiti na naman nang malademonyita.

"Wag kang mag-alala Ate, ipaghihiganti kita. Habang nabubuhay pa ako ay handa akong pumatay para sayo" sambit niya habang hawak ang litrato nang Ate niya. Niyakap niya ito at natulog na siya nang mahimbing.

-----^^^^

TULOY PA BA??!! Parang boring na eh-_____-

The Music BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon