DANIEL's POV
Ngayon nandito kami sa sala habang nagpapahinga. Akala ko talaga kanina may nasagasaan akong babae. Babaeng nakatayo sa gilid. Nagtataka ako kung bakit siya tapos ang layo-layo na namin sakanya bigla naman siya tumawid at ang malala bigla nawala ung babae 'nasagasaan' ko. What the f*ck diba??!! Lumapit saakin si My loves at tinitigan ako.
"Anu ba talagang nangyare kanina??" usisa muli ni My loves saakin. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ang totoo o hindi.
"Wala, nabigla lang ako kanina. Siguro sa pagod din." sagot ko sakanya habang nakapikit para hindi na niya ako kulitin. Sumandal naman siya saakin at pinagpapahinga na niya ako. Niyakap ko lang siya. Wala akong pakielam kung nandyan ung barkada namin.
SARAH's POV
Nakatulog na si My loves. Mukhang sa pagod lang un. Hiniga ko siya sa sofa para hindi siya mahirapan. Tumulong naman ako sa pag-aayos nang gamit sa Van.
"Wow!! Ang dami nating kalat!!" sambit ni Josephine na ngayon lang nagsalit. Kaya naman inasar na naman siya ni Cherry.
"WOW!! Nagsalita ka rin!!" with hand gesture pa yan. Agad naman pumalag si Josephine sa komento ni Cherry sakanya.
"Bakit, masama bang tumahimik?!!" taas-kilay na tanung ni Josephine habang nakacross-arms pa ang loka.
"Para kay Joseph, oo" sabay ngiting nakakaloka ang ginawa ni Cherry kaya naman kami ay tawa lang nang tawa kase ung mukha ni Josephine ay hindi na maipinta sa oslo paper.
"Dalawa lang ang kwarto. So, apat-apat ang nasa isang kwarto" pag-iiba nang usapan ni Angel. For sure, kaming apat na naman ang magkakasama sa isang kwarto. Ako, si My loves, si Angel at si Gabriel, na kanina pang walang imik. Mukhang magkaaway pa rin ang dalawa. Nilapit ko si Angel para tanungin kung hindi pa rin sila ayos ni Gabriel.
"Hindi pa kayo nagkakausap??" napatingin naman si Angel saakin. At umiling lang siya sa tanung ko.
"Guys after natin mag-ayos, mag-aasikaso naman sa kusina." sabi ni Barbie. Tumango lang lahat at nagpatuloy na ulit sa pag-aayos. Inakyat ko na ung gamit namin ni Daniel. Malaki ung kwarto at maayos. Malambot ung kama. Inilapag ko ung gamit namin sa kama at humiga rin ako. Nakatingin lang ako sa kisame at naalala ko ung sinabi ni Nanay Mylsa. Bagong kaibigan?? May bago kaming kasama?? Humangin nang malakas at napatingin ako sa pinto. May naririnig ako paakyat kaya tumayo ako para salubungin. Kaso, pagbukas ko nang pinto ay walang katao-tao sa labas nang kwarto.
"Hindi kaya... sumama ung multo sa school saamin??" tanung ko sa sarili ko habang nasa pintuan pa rin.
"Sarah!! Sasama ka ba?!!" sigaw na patanung ni Barbie. Doon lang bumalik ung reyalidad nang utak ko. Lumabas muna ako nang kwarto bago ako sumagot sa tanung ni Barbie.
"Syempre naman..." napako ung tingin ko sa malaking salamin na nasa sala at kita doon ung kusina.
"Sarah?? Sasama ka ba?? Tara na, mamamasyal na tayo." sigaw ulit ni Barbie na nasa pintuan na at palabas na.
"Oo, sasama ako. Ito na dba??!" Nagmadali akong bumaba baka kase magalit tong Barbie doll na to. Siguro nagmamalik-mata lang ako, siguro marami lang akong iniisip at siguro...
"May nakasunod lagi sayo Iha" sabi ni Nanay Mylsa na kinataka ko naman.
"Wait lang!! Ako pa!!" sigaw ni Josephine. Si Joseph ay laging nakasunod saakin?? Impossible!! Hayyss... Nakakaconfused!! I swear!! Naiwan na si Nanay Mylsa sa bahay at naglakad-lakad na kami. Picture dito, picture doon. MapaSelfie or Groupie, sige lang!! Napakaganda nang paligid at napakapeaceful nang paligid. Sana ganito nalang ang buhay... walang away na maririnig, walang sigawan, walang sumbatan, tahimik lang at walang gulo. Pero kahit kailan, hindi na siguro mangyayare saakin un.
"Sarah Sarah!! Papicture naman!!" pasuyo ni Josephine at agad naman akong tumango. Nagpost siya napakabongga at...
*click*
"Sh*t!!" sambit ko nalang nang pagkakita ko sa picture na ako mismo ang kumuha. Nagtaka naman si Josephine sa reaksiyon ko kaya agad naman siya lumapit saakin at tinignan niya din ung picture.
"Oh my!!..."

BINABASA MO ANG
The Music Box
HorrorMahilig ba kayo magRoad Trip nang mga barkada mo?? Ung tipong tuwing weekend ay nasa galaan kayo, ung tipong gusto ninyo nang Adventures.Paano kung isang araw ay nakatapat kayo nang Adventures, ung tipong hindi na ninyong gugustuhin umalis nang baha...