G

1.1K 60 2
                                    

[After 7 months- Ellaine’s POV]

Hindi ko alam kung tama ang mag-assume sa relasyon namin ni Sol... Sabi ni Vera, M.U. daw kami ni Sol. Yung tipong hindi kayo pero mahal niyo ang isa’t isa daw.

Siguro ay makakapagmove on na siya... Sana

 

 

Hindi naman siguro maling mag-assume lalo na kung may ka-assume assume naman talaga, diba? Tama naman ako, diba?

10:00 na noon at narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Sol sa labas ng bahay ko.

Isa pa ‘to. Araw araw akong hatid sundo sa trabaho ko, courtesy of Sol! Kaya siguro... sanay na ako na lagi siyang andyan.

Ang isa pa ay kumakain na din ako sa lugawan ni Ate Becky. Hindi naman pala ganun kasama ang lasa.

At ngayon, may friend na din si Vera, ang pangalan ay Grey. Regalo iyun ni Sol sakin noong isang lingo. Tanda daw ng pagkakaibigan namin.

I find it weird for someone to court me again.

Or I guess I assumed?

Pagkasakay ko sa kotse ni Sol, naramdaman kong may kakaiba sakanya. Hindi na siya masyadong palasalita. Hindi na siya masyadong nagkwekwento.

Heto naman ako, naghihintay ng explanation kung bakit siya nagkaganun.

“Pumasok ka na sa trabaho mo,” yan ang tanging sinabi niya sakin.

Tumango naman ako. Dapat ngayon ko sasabihin na mahal ko siya. Pero isusurprise ko na lang siguro siya sa radio station. Babatiin ko siya tapos sasabihin ko na ang nararamdaman ko.

Wala naman atang mawawala, diba?

So I was extra happy when I entered the building. Never mind Sol’s grumpy aura today. Baka nagp-PMS siya.

“Ang blooming mo Miss Luvierda,” my boss complimented me today.

Bakit sila napansin na nagpaganda ako ngayon pero si Sol tinarayan lang ako. I guess hindi niya gusto yung white skinny jeans ko plus a blue top. Kala ko he likes blue? Tapos I curled my hair pa!

Fixing Sol [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon