Chapter thirty
"Ang landi! Pero isipin mo ikakasal kana!" sermon ni hal. Nandito kami ngayon sa kusina. Si katie nasa kwarto niya katext si lucas. -.-"
"Pwede ba ang nega mo! Itabi na muna natin yung kasal kasal na yan. Ang importante kami ni trevor masaya! Kj ka lang." sabi ko habang tinitignan yung singsing. "Teka di ka ba masaya na nakita na natin si jam? Tsaka eto pangarap ko na maging kami." sabi ko.
"Masaya kaso nagaalala ako baka masaktan ka lang." sabi niya.
"At ba't naman ako masasaktan?" tanong ko ewan pero ang negative magisip ni hal ngayon.
"Eh kung paghiwalayin kayo ng parents niyo sa isa't isa?! Tanga ka ba?" tss. Maka tanga?
"Tanga agad? Basta bahala na si batman." sabi ko.
"Lagi mo na lang pinapaubaya kay batman. Try mo naman kay superman." sabi niya.
"Sige next time." sabi ko bigla naman nagring yung phone ko. Si mommy!
Sumenyas ako na si mommy ang tumatawag.
"Hello?"
"Totoo ba?!"
"Ang alin ho?"
"May boyfriend ka?!"
"Paano niyo po nalaman!?"
"So totoo? Anak ikakasal kana!"
"Mommy, ayaw ko po!"
"Akala ko ba pumayag kana!? Sinabi sakin ng kaibigan mo si denise ba? Makipaghiwalay kana kung ayaw mo masaktan yung lalaki!"
Bigla naman binaba ni mommy. Si denise pala! Walangya siya never kong magiging kaibigan yung ahas na yun!
"Anong nangyari?" tanong ni hal. Kinwento ko naman yung napagusapan namin ni mommy.
"Sabi na sayo eh! Ano balak mo?" tanong niya. Tumayo na ko pupunta ako sa starbucks mapapatay ko talaga si denise!
"Hoy teka!" sigaw ni hal.
Nakalabas na ko ng bahay bakit ba walang dumadaan na tricycle dito?!
"Pwede ba huminahon ka!" sigaw ni hal pero hindi ko siya pinansin.
"Louis!" napatingin naman ako sa tumawag sakin si trevor.
"Bakit?" tanong ko.
"Uhm hal, pumasok ka muna." sabi ni trevor. Nagtaka naman ako bakit kaya anong nangyari?
"Okay ka lang?" sabi ko. Hahawakan ko sana yung noo niya kaso hinawakan niya yung kamay ko.
"Wag mo kong hawakan." sabi niya.
"Teka may nagawa ba ko?" tanong ko. Tumalikod naman siya.
"Maghiwalay na tayo. Hindi ko na kaya." sabi niya, bigla ko na lang naramdaman na naiyak na pala ako.
"Te-teka nagbibiro ka lang diba?" tanong ko.
"Seryoso ako." sabi niya pero sabi niya kahapon mahal niya ko?
"Mahal mo ko diba? Sabi mo kahapon. Pwede itigil mo na yang biro mo! Hindi nakakatawa!" sigaw ko.
"Wag mo na ko lalapitan, wag mo na din subukan tumawag. Sawa na ko sayo." sabi niya. Gagawin na naman ba niya ulit yung dati? Napaluhod ako.
"Ha... Sasaktan mo ko ulit? Iiwan mo ko ulit? Trevor bakit ba lagi mo na lang ginagawa to? Mahal naman kita ah? Bakit si denise na ba gusto mo? Akala ko ba proprotektahan mo ko? Pero ikaw din pala ang mananakit sakin." sabi ko habang nakatingin sa mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
I'm Loosing You
RandomMy name is Cher France Louis James. If you want to know my story. Just read it :)